#91 - Nakapansin

173 2 0
                                    

#91 - Nakapansin

I

Hindi ko inalam, kusa ko lang nalaman.

Ako ay nagulat dahil hindi ko inaasahan

Ngalan ng mga lalakeng ako raw ang gusto.

Pero bakit, bakit ako?

     

    

II

Hindi ko man maintindihan ang kanilang mga rason

Sa mga ngiti nilang araw-araw ay baon,

Hindi iyon ang nagtapos sa aming pagkakaibigan.

Hindi rin iyon ang nagtulak sa akin upang sila'y iwasan.

     

    

III

Pinilit kong intindihin ang kanilang nararamdaman

Kahit pa ako'y lubos na naguguluhan.

Upang ako ay mapasaya, ginawa nila ang lahat

Na siyang aking lubos na ipinagpapasalamat.

     

     

IV

Isang araw, meron na namang nakapansin sa'kin.

Inaamin ko, siya'y napansin ko rin.

Nagustuhan ko na rin siya, katulad niya.

Naghintay ako ng tamang oras para sabihin iyon sa kanya.

    

    

V

Hindi ko inakala na isang agila pala ang tatangay

Sa puso kong sa sakit at lungkot nasanay.

Nang ako'y aamin na, may nililigawan na pala siyang iba.

Sabi ko na nga ba, paasa ka.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon