#67 - Ice Cream
I
Sobrang init kahit saan magpunta.
Parang sinusunog ang aking kaluluwa.
Sa sobrang init, sobrang nasasaktan na.
Electric fan, refrigerator tinapatan ko na.
II
Maya-maya sa labas, ako ay may narinig.
Mistulang ang aking dasal ay Kanyang dininig.
Ako'y dali-daling lumabas, at malakas na nagsalita.
"Pabili po. Para niyo ng awa."
III
Bumili ako ng sorbetes at aking kinain.
Hindi ko na naggawa pang dahan-dahanin.
Bigla akong nasaktan nang hindi inaakala.
Ang lamig na ginusto ko ay masakit din pala.
IV
Ako'y biglang napaupo, at napahawak sa ulo.
Nagpadalos-dalos na naman pala ako.
Hindi ko pa rin talaga maggawang matuto
Kaya ito na naman ang napala ko.
V
Nang sakit ay mawala, ako'y natauhan.
Ako ay natuto nang magdahan-dahan.
Masama pala ang magpadalos-dalos
Kasi nakakapagsisi pala pagkatapos.

BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...