#77 - Dahil Hindi Ako Siya

756 16 0
                                    

#77 - Dahil Hindi Ako Siya

I

Dahil hindi ako siya,

Hindi ako makikita.

Hindi ako magsasalita.

Hindi ako mahalaga.

     

    

II

Dahil hindi ako siya,

Oras ay maaaksaya.

Hahanapin at mamahalin siya

Kahit may humarang pang iba.

    

    

III

Dahil hindi ako siya,

Hindi ka masaya.

Ipaglalaban mo siya

At ako'y ibabalewala.

    

   

IV

Siya ay hindi ako.

Hindi ako ang mahal mo.

Hindi ako ang kaligayahan mo.

Hindi ako ang kailangan mo.

    

    

V

Puso mo ay sa kanya.

Lahat ay para sa kanya.

Ako ay wala

Dahil hindi ako siya.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon