#75 - Gising
I
Hoy! Gumising ka na!
Tanghali na, ano ba?
Bumangon ka na riyan.
Bumangon ka na sa kasawian.
II
Walang maggagawa ang pagtulala sa kawalan.
Walang mararating ang patuloy na katangahan.
Gumising ka na sa katotohanan!
Hindi na ikaw ang mahal niyan.
III
Tama na, aking kaibigan.
Maawa ka sa sarili mong kagandahan.
Huwag sayangin ang oras
Sa taong sinasaktan ka nang wagas.
IV
Pakiusap, huwag mo siyang iyakan
Sapagkat hindi pa siya patay.
Huwag nang umasang ika'y babalikan.
Hindi na siya sa'yo, sana ikaw ay masanay.
V
Hindi rito natatapos ang iyong kwento.
May mga darating pang mga bago.
Mas gwapo, mas matalino, at mas macho.
Ipalit mo sa nang-iwan sa'yong gago.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...
