#33 - Lagnat
I
Nanghihina sa sakit
Ang lasa'y anong pait
Lumalaban pa rin kahit
Labis na ang sakit.
II
Mabigat ang pakiramdam
Sobra pang nasasaktan.
Mga mata ay humahapdi
Ngunit pilit pa ring ngumingiti.
III
Ulo'y nahihilo.
Ako ay litong-lito.
Saan ako lulugar?
Meron pa ba akong lugar?
IV
Sa sobrang init ng balat ko
Mistula kang napaso.
Ikaw ay biglang lumayo
Kaya hanggang tingin na lang ako.
V
Ayos lang ako
Kahit ganito ako
Kahit wala palang tayo
Kahit siya ang nagpapasaya sa 'yo.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...