#51 - Sino

888 19 0
                                    

#51 - Sino

I

Sabihin mo sa akin, sino?

Sino ba ang mahal mo?

Sino ba ang dahilan ng mga ngiti mo?

Sino ba ang dahilan sa araw-araw na pagbangon mo?

    

     

II

Sino ba siya?

Sino ba ang sa iyo'y nagpapasaya?

Sino ba ang nagsisilbing inspirasyon mo?

Sino ba ang dahilan ng pagsisikap mo?

    

    

III

Dali na, sabihin mo na kung sino.

Sino ba ang palaging hanap ng mga mata mo?

Sino ba ang palagi mong bukambibig ang pangalan?

Sino ba ang palaging may boses na gusto mong pakinggan?

   

    

IV

Aminin mo na kung sino.

Sino ang pinapangarap mo?

Sino ba ang lagi mong gusto makasama?

Sino ba ang sa iyo'y mistulang biyaya?

   

    

V

Sino nga ba siya?

Siya ba iyon, na pagmamay-ari na ng iba?

Kung ganoon, sino ka naman?

Ikaw ba iyong umaasa at hanggang tingin lang?

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon