#21 - Kape
I
Isang mainit na kape ang aking tinitimpla
Habang binabalikan ang ating mga alaala.
Sa aking paglapat nito sa aking bibig,
Ang dila ko'y napaso at namanhid.
II
Imbes na sabihin na ako'y nasaktan,
Ako'y ngumiti, at sakit ay tinakpan.
Anumang pait ang aking matamo
Umasa kang ako'y mananatiling sa iyo.
III
Kahit walang hanggang sakit,
O kahit ilang uri pa ng pait,
Pipilitin na hindi mainggit
Sa mahal mo na para sa 'yo'y saya ang sapit.
IV
Hindi hahayaang ikaw ay manlamig.
Pipiliin ko na lang na ako ay mamanhid
Mula sa init ng aking mga luha
Na patuloy umaagos mula sa aking mga mata.
V
Ang puso ko ay parang tinimplang kape.
Ikaw ang asukal, at ako ang kape.
Kung ikaw ay wala,
Puso ko'y pait ang dala.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...