#83 - Ako Naman
I
Dati lahat para sa'yo.
Dati sa'yo ang puso ko.
Ngayon, ako'y natigilan.
Ako'y biglang natauhan.
II
Minahal kita noon nang lubos
Ngunit ang tingin mo ay kapos.
Ito na ang simula ng pagtatapos.
Ito na ang simula ng pagkaubos.
III
Malayang-malaya ka na.
Maging masaya ka na sana.
Sumama ka na sa bago mo.
Masaya at malaya na ako.
IV
Salamat sa akalang ako'y mahal mo.
Salamat sa akalang ako'y mahalaga sa'yo.
Ako naman ang magmamahal sa sarili ko.
Ako naman mag-iingat sa puso ko.
V
Salamat sa ating mga alaala.
Salamat sa mga sandaling magkasama.
Mag-isa man ngayon, ako'y masaya.
Sa aking sarili, ako na ang magpapahalaga.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...