#55 - Kulang At Sobra

973 22 6
                                    

#55 - Kulang At Sobra

I

Kulang ako.

Kulang kaya iniwan mo.

Kulang kaya naghanap ka ng iba.

Kulang kaya mas pinili mo siya.

      

     

II

Sobra ang ibinigay ko.

Sobra-sobra na pero 'di ka makuntento.

Sobra kitang minahal noon.

Sobrang sakit, alam mo ba iyon?

     

     

III

Kulang ang oras.

Kulang ang ating oras na lumipas.

Kulang ang oras noong tayo'y magkasama.

Kulang ang oras na tayo ay masaya pa.

     

    

IV

Sobrang nasaktan.

Sobra kong iniyakan.

Sobrang sakit na wala ka ng pakialam.

Sobra kang pinangarap at inasam.

     

     

V

Kulang pala ako, pasensya.

Sobra kitang mahal, pasensya.

Ito pala ang ipinagkaparehas ng kulang at sobra.

Kulang man o sobra, alam kong wala na.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon