#13 - Anong Nangyari

3.1K 43 0
                                    

#13 - Anong Nangyari

I

Masayang nagkukuwentuhan.

Madalas nagtatawanan.

Mga ngiti natin sa ating mga labi

Ay mistulang 'di mapawi-pawi.


 
II

Ikaw ang laging naiisip

Bago matulog, pati na rin sa panaginip.

Ikaw ang rason sa bawat pagbangon

Kahit mistula akong nahuhulog sa pagtagal ng panahon.


 
III

Kilala na ang isa't isa

Sa loob o labas man.

Tila nag-uusap ang mga mata

Tuwing nagkakatinginan.

 

IV

Mukhang wala nang makapaghihiwalay

Sa ating dalawa, o aking buhay.

Sa pagpikit ng mga mata ko ay

Puso ko'y iyong tinangay.
 


V

Ngunit bakit ganito?

Bakit naging ganito?

Sa isang kurap nawala ang lahat.

Anong nangyari, at nagbago ang lahat?

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon