#25 - Ulan

1.7K 34 0
                                    

#25 - Ulan

I

Hatid mong init at saya

Aking dating nadarama.

Ngunit lamig at lungkot

Bakit bigla na lang sumulpot?
 

  
     
     

II

Sa bawat pagpatak ng ulan

Iyong tinapos na ang lahat.

Pilit kong pinaalala ang ating pagmamahalan

Pero binalewala mo lang iyon lahat.
 

   
     
      

III

Hindi pa pala sapat

Ang pagmamahal kong tapat.

Pasensya na kung ako'y nagkulang.

Pwede bang lumingon ka man lang?
 

  
    
    

IV

Ako'y tuluyan nang bumagsak.

Ang aking dibdib ay parang sinaksak.

Ang pagmamahal ay ganito ba?

Sa huli ikaw ang magiging tanga?
 

   
     
     

V

Binalewala ang panginginig

Hanggang sa nagmanhid na sa lamig.

Nakaramdam ng matinding sakit

Ngunit mas nangibabaw ang pait.

From Me To You (a compilation of poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon