Chapter 17

311 9 0
                                    

Poisoned Kiss

When we got back to the castle dumiretso na si Clad sa kwarto niya.

"Malcolm sent all the Elders away from Elysium ang tanging pinaiwan niya lamang ay si Giovanni kaya hindi pa alam ng ibang Elders ang plano natin" he said napatingin ako sa kanya. Pano niya nalaman iyon?

"Tinext ko yung g-ago" sagot naman niya as if he's reading my mind sabay taas pa nung cellphone niya "Clad knows that that was just an illusion pero masyado ata siyang nangulila kay Isabel kaya inakala niyang totoo nga iyon" Morgan said habang nakasunod ang tingin namin sa galaw ni Clad

"Lintik na pag ibig kahit kailan panira. Tutulog na lang ako" dagdag niya pa saka nauna na rin.

Naiwan ako roon na nakatayo. When I was about to walk away dahil gusto ko sanang matulog sa dorm napabalik ako ng lakad. Something is wrong.

At natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harap ng pinto ng kwarto ni Clad. Ano na naman kaya ang problema niya?

Aalis na sana ako but damn the connection sobrang lakas hindi ko kayang balewalain lang kaya kumatok na ako pero walang sumagot kaya I followed my instincts at binuksan ko iyon.

I saw Clad, binabangungot siya at paulit ulit niyang tinatawag si Isabel. Nilapitan ko si Clad

God! Astrid Turner! Magpapatayo na ako ng rebulto mo ikaw na ang epitome ng mga martyr at sawi sa pag ibig

"Clad wake up! Wake up" agad din naman siyang napabangon

"W-what happened?" tanong niya

"Binabangungot--- Teka- bat ang init mo? Nilalagnat ka Clad!" ako habang pinapakiramdaman ang noo at leeg niya

How did that happened? Eh hindi naman nilalagnat ang mga bampira?

"Wait here tatawagin ko si Morgan"

He should know something. Hindi naman ako marunong magpagaling ng bampirang may sakit, although my blood can resurrect them but still.

Masyado akong nagmamadali na hindi na ako nag abala pang kumatok pa sa pinto ni Morgan sinipa ko na lamang ito pabukas at agad na nilapitan siya sa kama niya. Nagtalukbong pa ng kumot.

"Morgan! Morgan wake up! Clad has a fever! Wake up!"

Bumangon si Morgan nakakunot ang noo

"O? Hayaan mo siya di na bata yun"

"Eh---? Hindi naman nagkakasakit ang mga bampira pano nangyari yun" I asked

He looked at me lazily

"Masyado siyang naexpose sa mist plus the fact that he had some emotional outburst there. Tapos tanungin mo kung kelan yung huling beses na uminom siya ng dugo. Pasaway kasi hayaan mo siya. Bukas ko na yun aasikasuhin"

"I wish I can but he needs help and I was compelled to help Clad Bloodworth. The compulsion was too strong I cannot stop myself from always looking out for Clad Bloodworth! D-amn Bloodworths!" tinaasan lamang ako ng kilay ni Morgan at may isang pilyong ngiti naman ang naglalaro sa kanyang mga labi.

"So go help him hindi yung ako yung uutusan mong mag alaga ng pasaway na yun" at muli siyang nagtalukbong nang kumot. I was about to go but I remembered him.

"Before I forget, where's Malcolm Bloodworth?"

"Miss mo naman?"

"Tsk! As if!"

"I texted him na wag na wag siyang tumapak sa teritoryo ko ngayong gabi kundi gigilitan ko siya sa leeg kaya baka bukas mo pa siya makikita"

"I don't ever want to see him again"

"Tulak ng bibig kabig ng dibdib"

"At hindi ko talaga kayo maintindihang magkakaibigan, ang gugulo niyo"

"Kaya nga magkakaibigan kami. Labas na mag-aalaga ka pa ng may sakit--- sa puso"

"Ewan ko sa'yo, bangungutin ka sana!"

At saka umalis na ako sa kwarto niya, rinig na rinig ko pa ang halakhak ng mangkukulam na iyon nung naglalakad ako sa hallway.

Nang makarating naman ako sa kwarto ni Clad naabutan ko siyang nakatayo at mukhang hirap na hirap agad ko siyang nilapitan at inalalayan.

"You're sick. You should at least stay in bed" I told him

"I feel so hot. Gusto kong magpalit ng damit" napatingin ako sa suot niya he's wearing a formal suit, coat and tie. Nakasapatos pa.

Magkaiba sila ng fashion sense ni Malcolm. Malcolm is more a semi-formal to rockstar fashion. Si Clad akala mo'y laging may business meeting.

"Ako na ang magpapalit ng damit mo para sa'yo" I told him at tumingin siya sa akin, "Humiga ka na uli" sumunod naman siya. Humiga siya sa kama niya at hinubad ang kanyang coat sunod niyang in-unbutton ang kanyang white polo

Gosh Astrid Turner stop staring!

Nag iwas ako ng tingin at kumuha ng isang white shirt at pajama sa closet niya. Dumaan din ako sa kanyang banyo upang kumuha ng tubig na nasa basin at bimpo. Nang masigurado kong okay na ang lahat ng kailangan ko binalikan ko na si Clad.

I saw him laying on his bed at naka-unbutton kanyang polo and he's breathing heavily. D-amn this sexy vampire argh!

Inilagay ko ang mga gamit sa kanyang bed side table. Binasa ko rin ang bimpo at ipinunas ito sa mukha ni Clad Bloodworth. He was just looking at me habang pinupunasan ko siya.

"Morgan told me na masyado kang naexpose dun sa black mist kaya nagkasakit ka. He even told me to ask you when was the last time you fed on human blood?" at natigilan ako, after he fed on me nagpunta na kami rito sa underground castle. Could it be na hindi pa nga siya nakakainom ng dugo ng tao ever since that day?

"Kailan ka nga ba huling uminom ng dugo ng tao, Clad?" I asked, nag iwas siya ng tingin

"The day I woke up. You were the last human I fed on" pag-amin niya, napabuntong hininga ako.

Pasaway nga. Kagagaling niya lang sa ilang taong pagkakatulog at dugo ko ang una at huli niyang ininom mula nun? Akala ko ba bampira siya? He needs at least a whole blood bank para mabawi ang lakas niya.

Inalalayan ko paupo ng kama si Clad saka ko itinapat sa bibig niya ang palapulsuhan ko. He looked at me na para bang nagtatanong pa siya. Ang slow naman nito

"Drink" I told him

"Astrid I-"

"I said drink. You are too stubborn Clad Bloodworth. Now, drink" matigas na utos ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako sa mata then he drank from my hand without breaking eye contact.

Unti unti nawawala ang pamumutla niya. Unti unti na rin akong nahihilo dahil sa dami ng dugo na naiinom niya at bago pa man sumuko ang katawan ko tumigil na si Clad. I feel so weak but I can still manage. Mukhang mas ayos na rin ang kalagayan niya.

And he's looking at me intently

"Why are you looking at me like that?"

"I want to do something"

"What?"

"This" then he grabbed my head and kissed me. Humiwalay siya saglit ngunit malapit na malapit pa rin kami sa isa't isa

"Kiss me Astrid Turner" utos niya at basta na lamang sumunod ang katawan ko. Kahit gaano pa katutol ang utak ko I kissed Clad Bloodworth.

I kissed Malcolm Bloodworth's brother.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon