Chapter 46

171 7 0
                                    

Flashback (Part 2)

Klea & Theo

"Did I hear you right, Theo? Nais mong pakasalan ang babaeng ito?"

"Yes, sir" walang pag aalinlangang sagot ni Theo. Sa braso niya ay nakakapit ang kamay ni Klea na kanina pa nanginginig. Hinarap nila ngayon ang puno ng pamilyang Hartford.

"Is she a vampire?" Napalunok si Theo sa tanong na iyon pero wala pa ring makakapagpabago ng kanyang isipan. Papakasalan niya si Klea at mamamatay ang magtatangkang tumutol rito

"No, sir" he answered, "She's a human"

Napabuntong hininga naman si Zeneil Hartford, "This is forbididden" mahinahon niyang sabi

"I'm aware, sir"

"You have my permission to marry this woman" ani Zeneil na lubhang ikinagulat ni Theo, hindi niya inaasahan ito, "You've worked so hard to serve our family. You're an asset. I would've given you my daughter to be your wife and the name Hartford but if this is what you want then it shall be yours. Sa isang kondisyon, Theo" Zeneil paused, "You are never going back here. You will never see your friends and family. You and your wife will live in isolation. Choosing her means having only her. Even after she dies, you can never go back here. You'll be alone forever"

"Tinanggap ko po ito, sir"

"Papalabasin na lamang natin na isang bampira rin ang iyong napangasawa upang makaiwas sa gulo. Now come here and receive my blessing. This is the last thing I can do for the son I wish to have but never had"

Matapos ikasal ni Zeneil Hartford ang dalawa ay agad silang nagtungo sa kagubatan ng Dryad. There's a hidden mansion there na pag aari ng mga Bloodworth at doon maninirahan ang bagong mag asawa.

Their every day is filled with joy and laughter. Kahit isang minuto ay hindi nakaramdam si Theo ng pagsisisi kung meron man ay iyon ay pangungulila sa mga naiwan niya sa bayan ng Saphore.

Months passed at may hindi sila inaasahang mangyari.

"Theo!" Tawag ni Klea sa asawa. Dali dali namang siyang sinaklolohan ni Theo.

"Lalabas na? Manganganak ka na ba, Klea?"  Matalim naman siyang nilingon ni Klea

"Obvious ba? Kumilos ka na riyan o hindi ko iire itong anak mo!"

Hindi rin nila maintindihan kung paano ngunit siyam na buwan ang nakalipas ay napag alamang nilang dinadala ni Klea ang magiging anak ni Theo. Sa sobrang kasiyahan ay ipinagsawalang bahala na lamang nila ang katanungan kung paano ito nangyari gayong isang tao si Klea at dapat ay wala itong kakayahang dalhin ang anak ng isang bampira.

"Hindi ko inakalang kambal ang magiging anak natin" sambit ni Theo habang dinudungaw ang kanilang mga sanggol na nasa bisig ni Klea

"Clad Alexander Bloodworth at Malcolm Seph Bloodworth, napakaganda nila, Theo" ani naman ni Klea saka ginawaran ng tig isang halik sa noo ang kanilang anak

Ilang taon muli ang lumipas ay nagpatuloy sa pamumuhay ng tahimik at masaya ang pamilyang Bloodworth. Nilalaro ni Theo ang kanilang tatlong taong gulang na mga anak ng may narinig siyang katok sa pinto. Agad naalarma si Theo dahil ito ang unang pagkakataon na may nagawi sa mansyon.

"Klea!" Tawag niya sa asawa, mula sa kusina ay lumabas si Klea at agad kinarga ang mga anak ayon na rin sa nag uutos na mga titig ni Theo.

Lumapit si Theo sa pinto at binuksan ito. Handa siyang tapusin ang buhay ng taong 'to kung may masama man siyang balak sa pamilya niya.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon