Chapter 84

110 5 0
                                    

Dead end

Kayla Gabrielle

I couldn't sleep. Flashbacks of my interaction with Clad Bloodworth earlier keeps playing back in my mind. Kanina pa ako gumugulong gulong rito sa aking kama at panay ang ngisi. Naiinis na ako sa sarili dahil pakiramdam ko ay nababaliw na ako. God! Masyado niyang ginugulo ang isip ko!

Fine. I'll admit it. I like him. Unang araw pa lang ng klase, sa grupo nilang mukhang mga diyos at dyosa siya agad ang napansin ko. He looked so gentle...so kind. Lalo na ang mga mata niya. He has the most unique and amazing eyes that I've ever seen. Violet. I want that too. If only I could have his eyes...

And then there's his looks na talagang sobrang lakas ng dating. Halos lahat ng estudyante sa school hinihila ng malakas niyang sex appeal. Para siyang isang prince charming na nagmula sa libro. Every detail suits him very well.

I sighed. In my sixteen years of existence ngayon lang ako nagkaroon ng crush. And the feeling is overwhelming me. I feel like this is too much, but I wouldn't call it love. No, not yet. Masyado pang maaga para doon. Masyado pa akong bata. And I still have important things to do like avenging my mother's death. Makokontento na akong hangaan siya mula sa malayo. And besides, his heart is already taken. He's in love with Malcolm's mystery girl too. He wouldn't notice me. Wala akong pag asa. At masyado akong bata para sa kanya. I know he will never see me as a woman.

My smile faded. My happiness was gone. It's really amazing how people's mood change with just one bad thought. I guess, I really like him huh.

Hindi rin mawaglit sa aking isipan ang babala ni Malcolm na h'wag masyadong makikipaglapit kay Clad. Napangiwi akong muli. Knowing Malcolm, he's just being selfish. Siguro'y iniisip niya sasabihin ko kay Clad ang tungkol sa plano niya. Well, I would never do that. Pinalaki akong tapat ni mama sa aking mga salita. Kaya naman tutulungan ko si Malcolm hanggang sa matapos ito, hanggang sa tuparin niya na rin ang kanyang pangako sa akin.

"You're thinking too loud I could almost hear your thoughts"

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang baritonong boses ni Malcolm.

"Malcolm Bloodworth!" I gasped, gulat na gulat akong makita siyang nakaupo sa may bintana ko. Pero di naglaon ang gulat ko ay napalitan din ng irita, "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? At pano ka nakapasok"

Bumaba ako mula sa aking kama at tumayo upang maharap siya. Itinuro niya ang aking bintana na bukas na bukas. Umirap ako at naglakad upang isara iyon.

"You should learn how to lock windows, little witch. Pano kung akyatin ka ng masamang loob rito?" He preached as he walk around my room.

"Too late. Nakapasok ka na eh" sagot ko naman as I cross my arms across my chest, "Why are you even here?"

"Told you we're going to find whoever casted that spell on your spellbook. Dress up. We're leaving now" aniya at saka naglakad patungo sa aking cabinet at bumunot ng jeans at tshirt roon. Tinapon niya iyon sa aking kama na agad ko namang kinuha.

"Are you insane! Gabi na! At saan natin hahanapin ang kung sino mang may gawa nun sa aking spellbook? You don't know him. I don't know him. Mahirap maghanap lalo na't hindi natin alam kung sino ang hahanapin, Malcolm!" Huminga ako ng malalim, "We do not have a clue. San tayo magsisimula? Sino ang una nating lalapitan? We. Don't. Know!"

"Let's just face the effin' truth! It's a dead end!" Umiling iling ako, "You cannot bring her back anymore, Malcolm" I said.

Nagitla ako ng bigla siyang humarap sa akin. Matalim ang tingin ng namumula-mula niyang mata.

"Well, I don't care! I'm desperate! I'll find whoever that is I need to find. I won't sleep until the love of my life is back in my arms alive and breathing! D'you hear me!" He shouted. Mariin akong napapikit. Pinagpapasalamat kong sound proof itong aking kwarto kaya hindi naririnig ng mga magulang ko ang sigawan namin dito sa loob.

When I opened my eyes again, agad nagtama ang aming paningin. Now I can clearly see it. I can now clearly see how tired he is. He looked so...lost. I suddenly felt guilty. I couldn't believe that a guy like him is capable of loving this too much. Hindi ko mapigilang makaramdam ng simpatya sa kanya.

Dinampot kong muli ang mga damit sa aking kama at agad na tinungo ang pintuan ng banyo.

"I'll just change. We'll leave" ani ko bago tuluyang pumasok.

I climbed up Malcolm's car without saying a word. Ganoon rin siya. Pinili naming manahimik na dalawa. It's 10 o'clock in the evening at tulog na ang aking mga magulang that is why it was so easy to sneak out with him.

"You're really in love with her" I said outloud breaking the silence that enveloped us for a quite sometime. Binabaybay na namin ngayon ang daan patungong Salem.

Narinig ko ang pag ismik ni Malcolm kaya alam kong naka ismik siya ngayon kahit na sa labas ng binatana ang tingin ko.

"So damn much" aniya at ako naman ang napangisi

"I didn't know you were capable of loving someone other than yourself"

"I didn't know that as well, not until she came. She was a breathe of fresh air"

Now that's too cheesy for someone like him. Kinailangan ko pa siyang lingunin para lamanh masiguro kong si Malcolm Bloodworth nga ang kinakausap ko.

Bahagya niya akong nilingon at pinagtaasan ng kilay saka muling bumaling sa harap.

"Sino siya?" I asked. Who could be the girl that tamed the vampire prince of Firenze? Mahahalikan ko ata ang mga paa niya sa sobrang mangha.

Ngisi lamang ang isinagot niya sa akin. Napagtanto kong ayaw niyang sabihin ang pangalan ng babaeng kinahuhumalingan niya.

Nagkibit balikat ako at ipinagsawalang bahala na lamang iyon. Tinutok ko na rin lamang ang aking mga mata sa madilim na kalsada na kung hindi dahil sa ilaw ng sasakyan ni Malcolm ay wala talaga kaming makikita.

And then suddenly out of nowhere I caught a glimpse of a huge beast na dumaan sa harapan ng kotse. It was too sudden. At napakabilis nung hayop. Mabilis rin ang patakbo ni Malcolm kaya nalihis ang gulong at nawalan siya ng kontrol sa manibela.

"Malcolm!" I shouted ng gumewang gewang ang aming sasakyan.

"Malcolm!" Ulit ko and he cursed. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang babangga kami sa isang napakalaking punong kahoy.

I closed my eyes anticipating the collision and the next thing I heard is a loud crash.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon