Chapter 75

168 4 0
                                    

Lost and found

Malcolm

"Aga natin, Master ah! Bar hop uli?" Ani Vasil pagkasakay sa kotse ko.

Agad kong binuhay ang makina at pinaandar ito

"Hindi. Bibisitahin natin kapatid ko" ani ko sabay maniobra nung wheel paliko sa kalsada.

Napaharap sa akin si Vasil ng wala sa oras. Kunot ang noo at halatang nagtataka

"Si Clad? Bakit naospital siya, Master?" He asked at umiling ako. Minsan talaga ang bobo kausap nito. Alam na nga niyang bampira si Clad pano mao-ospital yun? Hirap naman din kasi sa akin pinapakisamahan ko pa.

"Si Karina" sagot ko, "Pupuntahan natin siya"

"Ha!" Exaggerated niyang sabi, talagang tumalon pa siya sa kinauupuan niya, "Eh di ba sobrang lakas nun? Ikaw kaya mo siya, eh ako? Pano kung tsugiin ako nung kapatid mong bruha?"

Di na ako sumagot at nagmaneho na lamang ng tahimik. Habang yung kasama ko nagrereklamo sa tabi.

Si Karina ang dahilan kung bakit nabuhay-ng muli si Isabel. Kaya siya ang pupuntahan ko. Siya ang makakatulong sa akin. Ang problema nga lang ay kung tutulungan niya ba ako. I killed Kalum. At napuruhan ko ng matindi si Kaleb. It's been six months when I last saw them. Ni hindi ko nga sigurado kung naroon pa sila sa mansyon o kung nasaan na sila ngayon. Pero magba-baka sakali ako. Para sa kanya, para makasama ko uli siya.

Ipinarada ko ang aking kotse sa tapat ng mansyon ng mga Lancaster. Pinatay ko ang makina at saka kami sabay na bumaba ni Vasil.

"Ganda talaga ng bahay na'to. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kapatid mo si Karina at may powers pala siya" iling iling niya, di pa kami gumagalaw. Doon lang kami sa may kotse

"Kilala mo siya?"

"Oo naman, Master noon pa. Di ko ba nakwento? May mga transaksyon sila ni daddy noon. Madalas sila sa mansyon o kaya naman kami ang madalas rito" sagot niya, oo nga pala. Naging kaalyansa nina Karina ang mga hunters kaya marahil ay talagang kilala sila ni Vasil.

"Tara na" aya ko sabay bagsak nung pintuan at lakad papasok pero pinigilan ako ni Vasil kaya muli ko siyang hinarap

"A-ah Master, dito na lang ako. Look out" aniya, I sighed

"Bahala ka nga" duwag talaga, ano kayang natutunan nito sa training camp? Parang wala naman

Kumatok ako sa pinto. I didn't know why I did that kaya nung walang sumagot ay tinulak ko na lamang ito pabukas.

"Karina!" Sigaw ko, the mansion is empty. Nandito pa kaya sila?

"What do you want, Bloodworth?" Napalingon ako sa gilid kung saan ko narinig ang kanyang boses.

She looked...sad at may kopitang hawak sa kanan niyang kamay. She's wearing a long night gown. Sa balikat niya nakapulupot ang isang silk na shawl.

"Kung narito ka para magsimula ng away, makakaalis ka na. Ayoko na muna ng gulo" aniya habang nagsasalin muli ng alak sa kanyang kopita.

Binagtas ko ang ilang metro naming pagitan. Nang makalapit ako ay dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin.

"I need you to do something for me. Bring her back" I said, "I need you to bring Astrid Turner back to life, back to me" wala nang dahilan para magpaligoy-ligoy pa kaya diniretso ko na siya. That's how much I wanted to see her again.

Tinaasan lamang ako ni Karina ng kilay, "What made you think na gagawin ko nga ang gusto mo?" She said as she took a sip from her cup

"Binuhay mo si Isabel para kay Clad. Now it's my turn! Buhayin mo si Astrid para sa akin!"

"Si Clad iyon, pero ikaw? You killed Kalum. Sinaktan mo si Kaleb. You almost killed us. Do you get my point, Malcolm? Sa laki ng kasalan mo sa akin, hinding hindi kita tutulungan kahit na anong mangyari" aniya

"At isa pa, wala ka bang natutunan sa nangyari sa kapatid mo? I brought Isabel back to make him suffer. I tortured him emotionally, gusto mo ba iyon? I bet you know by now kung ano ang kabayaran ng hinihiling mo sa akin" dagdag niya pa

"I don't care about the price! Edi magbabayad ako! Papatay ako para sa kanya mabuhay lang siya uli!" I said, yes I am that desperate. Papatay ako kahit sino, kahit ilan mabuhay lang siya uli

Ibinaba ni Karina ang kanyang kopita at pinanood ko ang pag iling niya, "That's dangerous love, Malcolm"

"I don't need your preaching about how I should love, Karina. You know what I want"

"And I won't give it to you. It's dangerous!" Aniya at bahagya akong natawa

"Am I hearing you right? Concern ka na sa akin ngayon?" Panunuya ko, agad namang tumalim ang tingin niya sa akin

"I've learned my lesson, Malcolm. I can't bear to lose another member of my family again. At kahit kalahati lang, kapatid ko pa rin kayo. Pamilya tayo. I'm the eldest and it's my responsibility to watch over my younger siblings"

"Hindi bat parang huli na ata para magpaka-ate ka sa aming lahat?"

"Then I think it's a good thing that we're immortals. I have an eternity to make up with what I have lost"

"Karina" sabay kaming napalingon sa bagong dating, it was Kaleb, "Malcolm? Anong ginagawa mo dito?" He asked agad kong nakitaan ng galit ang kanyang mukha.

Dinaluhan ni Karina ang kanyang kapatid, "Kaleb, you haven't fully recovered yet. Bat ka bumaba?"

Napa iwas ako ng tingin. Habang pinapanood ko ang pag aalala ni Karina kay Kaleb ay may bigla akong naalala.

"Why is he here? Naghahamon ng away? Stay back, Karina. I can fight. I'll protect you" ani Kaleb sabay tago kay Karina sa kanyang likuran. Agad nagsalubong ang kilay ko

"Kaya ka ba narito? To threaten my sister? Dahil alam mong wala na siyang kapangyarihan at nanghihina ako, kaya susugod ka?" Ani Kaleb, pinipigilan siya ni Karina. Laglag ang aking panga nang napatingin ako kay Karina. Tama ba ang dinig ko? Wala na siyang kapangyarihan?

"Stop it, Kaleb. Hindi siya nagpunta rito para makipag away" pumagitna siya sa aming dalawa.

Hinarap niya ako, "Karina?" Tawag ko sa kanya kahit di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. She lost her magic? Paano?

"You heard him right, Malcolm. Wala na akong magic" she said sadly, "I used it all when I tried to revive Kalum and Kaleb matapos ng nangyaring labanan sa pagitan nating apat. Patay na noon si Kalum, kritikal naman si Kaleb and I did everything to save them, to save any of them. I lost my magic in the process. At wala akong pagsisisi, at least I saved one of my brothers" aniya pa, "Iyon din ang isa sa mga rason kung bakit hindi kita matutulungan"

"But! You're the most powerful being in the world? Paanong nawalan ka ng magic? It doesn't make sense!"

"We're the most powerful but we're the most vulnerable too. Isang sobrang gamit lang namin sa aming kapangyarihan mawawala ito"

"She did not lose it completely" bumaling kami kay Kaleb, "Nasa akin ito ngayon. Ito ang bumubuhay sa akin ngayon. When I die, saka lang babalik sa kanya ang kapangyarihan niya"

"And I don't want it" agaran namang sabi ni Karina, "I'd rather lose my power than lose my family. At least, my other attribute as a strygx is still here. I'm still immortal" aniya pa. Nilingon ko si Kaleb

"Pero may lakas ka na, it should be enough para ikaw ang bumuhay sa sarili mo gamit ang magic mo. Karina's magic will be hers again"

"It doesn't work that way, Malcolm. Hindi mo rin maiintindihan kahit ipaliwanag pa namin sa iyo. The point here is, hindi niya na magagawa ang kung ano mang hinihiling mo sa kanya. Kaya makaaalis ka na"

"Kaleb!" Saway ni Karina sa kanyang kapatid saka humarap uli sa akin at nagcross arms, "At kahit may kapangyarihan ako hindi ko pa rin siya pagbibigyan. Mapapahamak lang siya" sabi niya sa akin.

Umirap ako't umismik, "Kung ganoon ay wala pala akong mapapala rito" tumalikod na ako, at kinayawan sila, "Call me if you need me. We'll visit soon" paalam ko at umalis na.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon