Chapter 77

104 4 0
                                    

I'm going

Malcolm Seph

"A-anong ginagawa mo dito!" May halong takot, kaba at taranta ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang pagkurba ng aking labi.

"Kung ganoon ay naalala mo pa pala ako" ani ko saka naglakad palibot sa kanyang shop. Ramdam ko ang presensya ni Vasil sa aking likuran. He better shut his mouth and not ruin this moment for me or else!

"Ikaw pala ang may ari ng shop na ito?" I asked, lumunok siya ng isang beses

"O-oo" she answered, "Pwede bang umalis na kayo rito?" Pakiusap niya at talaga umalis na siya sa likuran ng counter upang lapitan at makiusap sa harap ko

"Whoa! Naalala mo nga ako pero parang nakakalimutan mo ata ang pabor na ginawa ko sa'yo" I said, "I saved your life, old witch. Now I want my prize"

Oo, siya iyong matandang isinalba ko mula kay Clad anim na buwan na ang nakalilipas.

"Tuso talaga ang mga bampira" iling iling niya, "Anong gusto mo?" Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang itinanong niya na sa akin kung ano ang gusto ko.

"May nakapagsabi sa aking may nagta-trabaho rito sa shop mo, mag ina na ang apelyido ay Rivera, nasan na sila ngayon?" Agad nagkasalubong ang kanyang kilay

"Bakit mo gustong malaman?" She asked

"Just answer the damn question, old witch" sabi ko na tila ay nauubusan na ng pasensya. Can't she just answer that without prying for more information?

"Nagta-trabaho nga sila rito pero, magmula ng mamatay si Senna ay kinupkop at inampon ng isang mag asawa mula sa Saphore ang anak niyang si Kayla dahil menor de edad pa ito nangangailangan ng sapat na pagkalinga. Siya na lamang ang natitirang buhay sa kanilang pamilya"

"Paanong namatay ang tinutukoy mong Senna? Kailan pa ito nangyari?"

"Anim na buwan na rin ang nakakalipas. Wala ka bang ideya? Isa siya sa mga pinatay ng kasama mong bampira noon!" Para akong nabingi sa narinig

"Si Clad?" Paniniguro ko at tumango siya

"Kapatid mo iyon, hindi ba? Ang magkapatid na Bloodworth. You're a legend to the people of Salem, alam mo ba?"

"Wala akong pakialam" ang mahalaga sa akin ngayon ay makasamang muli si Astrid, "Saan ko matatagpuan sa Saphore ang munting Rivera? Kilala mo ba ang mag asawang kumupkop sa kanya?"

"Wala na akong balita tungkol kay Kayla simula ng umalis siya rito. Kahit ang pangalan ng mga kumupkop sa kanya pero..." Aniya sabay alis sa harap ko. Pumunta siya sa isang sulok at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may hawak siyang litrato at inabot iyon sa akin.

"Iyan siya. 'Yan si Kayla kasama ang kanyang inang si Senna" tinitigan kong mabuti ang larawan ng babae. Napakabata pa niya at hula ko'y labing limang taong gulang pa lamang siya o kaya'y labing anim. Kulot kulot ang  buhok niyang kulay brown at malaki ang ngising umaabot hanggang sa kanyang mata. Maganda siya at hawig na hawig niya ang kanyang ina.

Naramdaman ko si Vasil sa aking likuran, dinudungaw niya ang hawak kong larawan. Nagulat ako ng bigla niya itong agawin sa akin.

"Kilala ko ito, Master! Ito pala ang Kayla na pinag uusapan niyo? Akala ko iba eh kasi di naman Rivera ang gamit niyang apelyido, Summers" aniya

"Marahil iyon ang apelyido ng mag asawang umampon sa kanya" sabi ng matanda

"Paano mo siya nakilala Vasil?" Tanong ko

"Kaklase ko ito. Sabay nga kaming pumasok six months ago nung inenrol ako ni daddy dahil sa pagkabuwag ng Hidden Circle" he said. Totoong binuwag na ni General Zaragoza ang Hidden Circle, pero nanatili siyang heneral ng hukbo na promoprotekta sa Saphore. Wala na ang mga hunters na naghahabol sa mga bampira. Ngayon ang tungkulin na lamang nila ay pangalagaan ang kapayapaan dito sa bayan.

At dahil sa wala na ang organisasyon, ibinalik na lamang ni General si Vasil sa pag aaral, kasama ang stepbrother niyang si Kieran pero nag aalay pa rin sila ng serbisyo sa heneral.

"She's still going to high school?" I ask again at kumibit balikat siya

"Siguro. First day ng pasukan ngayon pero di naman tayo pumasok. Ikaw kasi kung saan saan mo ako kinakaladkad" sisi niya sa akin at napangiwi ako.

Hinarap ko ang matandang witch, "Salamat sa tulong mo---" medyo nag aalangan kong sabi dahil hindi ko naman alam kung anong itatawag ko sa kanya, o kung anong pangalan niya.

"Salome ang aking pangalan, vampire" aniya, "Salome Deveraux"

"Salome it is, then" ngisi ko, "Aalis na kami" akmang hahakbang na ako nang pinigilan ako ni Salome sa braso

"I gave you that information because you saved me, Malcolm Bloodworth. Please don't make me regret it" banta niya at kumunot agad ang noo ko

"Hindi ko man alam kung ano ang kailangan mo kay Kayla pero alam ko ang history ng kanilang pamilya. I know the kind of magic they specializes in. And that is dangerous. H'wag kang tumulad sa kapatid mo" aniya pa

Iwinaksi ko ang kanyang kamay na nakakapit sa aking braso, "Don't tell me what to and not to do, old witch" sabi ko at umalis na at agad akong sinundan ni Vasil.

Agad kaming sumakay sa kotse at sinilip ko ang orasan sa dashboard, "Damn it!" Hapon na, siguradong wala nang estudyante roon pagbalik namin sa Saphore

"Saan na tayo pupunta ngayon, Master?" Vasil asked

"Uuwi na"

"Ha? Hindi na natin pupuntahan si Kayla? Kala ko ba hinahanap mo siya?"

"I found her already. I'll just have to meet her...soon"

I know where she is.I know what she looks like. I know how to make her obey my every whims. I know just how to get her. It's easy.

Konti na lang Astrid Turner magkakasama na tayong muli. Soon, baby. Soon.

Madilim na nang nakauwi ako. Si Clad agad ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa bahay. Naroon siya't nakatambay sa sala. Nanonood ng kung ano sa tv at kumakain ng popcorn

"You're home early? That's new. Akala ko ay nasa bar ka na naman at nagpapakalunod sa alak" aniya, "You didn't go to school today. It was fun" kibit balikat niya. Nagyabang pa talaga

Nginisihan ko siya na lubhang ipinagtataka niya, "Yeah, I was out doing something very important" I said, I knew he'll ask me and he did

"And what could that be?" Kuryuso niyang tanong

Itinaas ko ang hawak kong bag na naglalaman ng mga pinamili ko kanina, "Shopping for school stuffs" ani ko at nalaglag ang panga niya, "You won, brother. I'm going back to high school" but with a different purpose.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon