Black Leather Jacket
Astrid
Dahil sa kakaibang bilis ng tatlong bampirang kasama ko, at maging ang makapangyarihang warlock ng aming grupo, ay mabilis naming naiwala ang mga hunters na humahabol sa amin at ngayon ay napadpad kami rito- sa New City of Saphore.
"Wow" manghang mangha si Eliz habang inililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng syudad, "I think Saphore is more developed than Firenze. Look at these huge buildings!---Oops" agad akong napalingon sa kanya ng marinig ko iyon at nakita kong humihingi siya ng tawad sa mag inang nasa harapan niya, "S-sorry. Di ko po sinasadya" nginitian naman siya ng nanay habang ngumingiwi iyong batang lalaki na mukhang nabangga niya. Humakbang ako papalapit upang daluhan si Eliz at saka sakto namang nagsalita yung batang kanina pa ngumingiwi, "Mommy, why are they so dirty?" Aniya na agad namang pinagsabihan ng ina. Nag angat ng tingin sa akin ang babae at nanghingi ng tawad sa aming dalawa ni Eliz saka sila umalis.
I unconsciously checked myself at mukhang ganoon rin ang ginawa ni Eliz sa kanyang sarili. Oo nga't naligo ako kanina pero yung damit na suot ko ay sobrang dumi at may ilang natuyong putik na mantsa.
"I think we should all shop for clothes" rinig kong nagsalita si Morgan kaya agad kaming napalingon sa kanya. Sa tabi niya ang magkapatid na Bloodworth na matamang nakatingin sa akin
"Pero san tayo kukuha ng pera?" Tanong naman ni Eliz sa gilid ko
"I'll handle it" ani Malcolm at saka kami tinalikuran. Pinanood namin siya habang naglalakad siya papalapit sa isang lalaking kababa lamang ng kanyang magarang kotse. Kinausap niya ito saglit at agad na bumalik sa amin.
"Here" aniya sabay hagis ng isang bagay sa akin. Then I realized isa iyong wallet. Matabang matabang wallet
"Ninakaw mo 'to!" Tamad niya akong binalingan ng tingin
"Di mo ba nakita ang nangyari? Maluwag niyang ibinigay sa akin iyan" he smirked
"That's because you compelled him to" ani ko, "We can't take this. Ibalik mo ito" inabot ko sa kanya iyong wallet pero tinitigan niya lamang iyon sa kamay ko hanggang sa kinuha ito ni Eliz mula sa akin.
"Actually...we can" aniya, "We have to. Kung hindi natin aayusin ang sarili natin pagdududahan tayo ng mga tao rito"
"Elizabeth has a point" nilingon ko si Morgan at saka si Clad. Tiningnan niya ako pabalik and he looked sorry
"Sorry, love. We have no other choice" he said
"So" Elizabeth trailed, "We'll buy clothes and other essentials first. Mauuna na kami sa inyo" ikinawit ni Eliz ang kanyang kamay sa akong braso at hinila ako palayo roon
"Wait!" Tumigil kami ng muling nilingon ang tatlo. Dumako ang tingin ko sa kay Clad na siyang pumigil sa amin, "Hihiwalay kayo sa amin? You know it's not safe"
"Damn whipped!" Rinig kong bulong ni Morgan, "Ang sabihin mo ayaw mo lang mahiwalay kay Astrid"
"And don't! Don't you dare suggest we go with them. Girls, clothes, shopping? Not a great combo" dagdag niya pa
"Still. You can go with them, Clad. Magkita na lang rin tayo rito mamaya" napalingon ako kay Malcolm na siyang nagsalita. Nagtama ang aming tingin pero saglit lang dahil agad siyang tumalikod at naglakad palayo.
"Oh ho ho" natatawang sambit ni Morgan habang itinuturo ang papalayong si Malcolm, "What happened to him? Parang kahapon lang ang ingay ingay nun ngayon naman sobrang tahimik" aniya at sinundan na din si Malcolm
"Let's go! Let's go!" Aya ni Eliz at saka umalis na rin kami roon.
Napadpad kami sa isang shop, two blocks away from where we parted, agad nagpunta si Elizabeth sa mga rack ng damit at pumili roon.
Nilingon ko naman si Clad na nasa tabi ko.
"You should shop for clothes too" turo ko sa shop across na the street na nagbebenta ng clothes for men
"I'm fine" he said
"Clad, please. Ayos lang kami rito. And besides malapit lang yan mapupuntahan mo naman agad kami kung may mangyari man" pakiusap ko.
Nakikita kong nagdadalawang isip pa siya pero sa huli ay pumayag rin.
"I'll be quick I promise" aniya sabay halik sa pisngi ko at saka siya lumabas roon sa boutique para puntahan ang shop sa kabila. I smiled at saka lumapit na rin sa mga rack ng damit roon paa makapili.
Habang namimili ako nahagip ng tingin ko ang isang black leather jacket na suot ng isang mannequin. Agad ko itong nilapitan. Hinaplos ko ang tela at di ko inaasahan na may makakasabay ako sa page-examin nung damit.
Napatingin ako sa babae at ganun rin siya sa akin. She has red hair at sobra sobrang ganda niya.
"Victoria! I'm good to go" napalingon kami sa isa pang babae na tumawag sa babaeng kaharap ko. That girl is also very beautiful and she has silver white hair.
Binalik ng babaeng kaharap ko ang tingin niya sa leather jacket at saka binaling sa akin ang tingin.
"You should take it. Bagay sa'yo" aniya. She smiled at umalis na kasabay yung babaeng may puting buhok.
Wow. I wonder if they're models? I'm not a girl's girl pero nakaka-insecure sobra ang ganda nila. It's almost supernatural.
"Astrid!" Nilingon ko si Elizabeth at nakita kong sa damit na hawak ko siya nakatingin, "Ooh, ganda niyan ah. Nice choice" tukoy niya sa jacket, "Anyway, I talked to the owner of this boutique and she agreed to let us use their bathroom here para makapagpalit. Salon din ang katabi nitong boutique, same owner, at pumayag siya to let us pamper ourselves there for free!" Excited niyang sabi
"Ang bait naman ng owner na iyan" I told her. Why would she give us service for free?
"Of course she is. I compelled her to be. Being a vampire doesn't really suck at all!" Aniya at saka pumihit paalis. I was left there na nakanganga
"What!" Why on earth would she do that? Ugh! Ang mga bagay talaga na natututunan niya kay Malcolm!
"Elizabeth!" Sigaw ko at saka sinundan na rin siya

BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampireAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...