Chapter 63

142 5 0
                                    

Shelter

Astrid

Early morning ay naghahanda ako ng breakfast. Kahit alas tres na ako nakauwi at nakapagpahinga kagabi ay sinikap kong maagang magising ngayon. Gusto kong suyuin si Malcolm. Hindi ko maitatanggi, nasaktan ko siya. Hindi ko kinonsider ang feelings niya. Bago pa lamang ang relasyon namin at may insecurities pa rin siya sa naging relasyon namin ni Clad. He needed assurance lalo pa't naging kami sa isang medyo alanganing sitwasyon. He needed my assurance na mahal ko nga siya but I failed to give him that. Pero siguro naman ay hindi pa ako huli, I'm gonna prove him that I love him. Susundin ko ang gusto niyang mangyari.

Napangiti ako nang matapos kong ihanda sa tray ang mga pagkaing niluto ko. I'm not really fond of cooking but then again Malcolm is a vampire, hindi niya kailangan nito. But just for the sake of romance, I'll do it.

Ingat na ingat at dahan dahan akong naglakad patungo sa kwarto ni Malcolm. Kumatok ako ng isang beses ngunit walang sumagot. Kumatok ako ng isa pa ngunit ganoon pa rin, walang nasagot. Siguro ay napakahimbing ng tulog niya kaya napagdesisyunan kong pihitin ang doorknob at laking pasalamat ko ng bumukas ito. I took one step inside his room. And there, in the middle is his king size bed, kung saan nakadapa si Malcolm. Hubo ang pang itaas na bahagi ng kanyang katawan at ang ibaba naman ay natatabunan ng makapal na comforter.

Lumapit pa ako at saka nilapag sa bedside table niya ang tray ng pagkain. I sat beside him and tried to wake him up.

"Malcolm..." Ani ko, "Baby, wake up" I smiled. This is the first time I called him that. Baby. Now I understand why he calls me that. It sounds sweet. Masaya sa pakiramdam.

Ngunit agad ring naglaho ang aking ngisi nang may kung sinong bumangon sa tabi ni Malcolm- si Victoria LeBlanche.

Kasalukuyan niyang sinusuot ang kanyang damit pang itaas. Pansin kong iyon iyong suot niya kagabi. She slept here? With...Malcolm? That victorious smile pasted on her face confirmed my thoughts. Parang napapasong tinanggal ko ang aking kamay sa katawan ni Malcolm. At saka nagmamadaling tumayo .

"A-anong ginagawa mo dito, Victoria?"

Mas lalo pang lumaki ang ngisi niya at tamad na sumandal sa headboard ng kama.

"You can't tell?" Hamon niya, "Pasensya na, Astrid. Hindi kasi ako yung tipong nagki-kiss and tell eh" she giggled

I stiffened when I noticed Malcolm shifted at nang bumaba ang tingin ko sa kanya'y agad nagtama ang tingin naming dalawa. His eyes were void of emotions while mine gives off everything!

What did you do, baby?

"What are you doing here, hunter?" Malcolm asked saka inakbayan si Victoria na nasa tabi niya

"I think she brought you breakfast, Seph" si Victoria ang sumagot para sa akin, not that I need her to do that for me!

Nilingon ni Malcolm ang hinanda kong pagkain na nakalapag sa bedside table niya. I thought he'll feel guilty pero ngumisi lamang siya

"Why? Tapos na bang kumain si Clad? Nauna mo na ba siyang dalhan ng pagkain?" Panunuya niya.

I felt tears pooled in the corner in my eyes but I remained strong. Hindi niya pwedeng makitang nasasaktan ako ngayon. Hindi...hindi pwede.

Umiling iling ako, "Clad still asleep. He hasn't woken up yet"

"Then what are you doing here? You should go to him first. Baka gising na siya at hinahanap ka niya sa mga sandaling ito" aniya

Mariin akong napapikit at naramdaman kong tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tumango tango ako at saka dumilat. Matapang ko siyang tiningnan sa mata and saw how his walls cracked as he stared back into my teary eyes.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon