Chapter 47

158 7 0
                                    

Back off

Astrid

"Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Klea Bloodworth at nananatiling desiccated si Theokris Bloodworth sa loob ng kanyang pamamahay"  she paused, "We're always together dahil pinao-obserbahan kayo sa akin ng aking ama" ani Olivia

Nilingon ko ang magkapatid na Bloodworth mukhang malalim ang iniisip nila. I wonder what's running in their minds right now. Pero ang mas inaalala ko ay kung ano nang mangyayari ngayon

"I don't care if your truly a pureblood vampire or not. Wala akong pakialam sa kung anong kaya niyong gawin. All I want is to make those hunters bleed with my own hands!"

Victoria almost looked hysterical. Her aura screams danger and death. Nilingon niya si Malcolm, may kakaibang ngisi sa kanyang mga labi, "You can throw your vampire army into the garbage after I do this" aniya at sa isang iglap sunod sunod niyang pinugutan ng ulo ang sampung bagong bampirang ginawa ni Malcolm.

Clad and Malcolm wasn't kidding noong sinabi nilang walang makakapantay sa galing at bilis ni Victoria sa pakikipaglaban.

When she finished, she licked her bloody hands clean. Tulad ng ginagawa ni Malcolm kapag nababahiran ng dugo ang kanyang kamay. And I realized, magkatulad sila. Fuck!

"Isuko niyo na sa amin ang babaeng yan" she demanded, agad namang humakbang sa harap ko sina Clad at Malcolm. A protective stance

"Never" sabay pa sila nang sinabi iyon. They're determined to protect me kahit ang ibig sabihin noon ay kalalabanin nila ang kanilang mga kaibigan at nakatataas sa kanila.

I want to stand beside them. I want to fight with them. Ayokong narito lamang ako sa kanilang likuran at hinahayaang silang ilagay ang kanilang buhay sa panganib para sa akin. If they are determined to protect me then I am also that determined to fight for myself and my life.

I took out my dagger and prepared for battle. But then I caught Ezekiel's eyes, I know something bad is about to happen

Sa isang iglap ay biglang naglaho si Ezekiel sa aking paningin. Ang sunod ko na lamang na naramdaman ay nasa likod ko na siya at hawak niya ako sa leeg. He took my dagger from my hands and threw it to Clad. Tinamaan si Clad sa may bandang tyan at namilipit sa sakit

"Clad!" Maagap niyang kinuha ang dagger at itinapon naman ito sa kay Victoria who's pinning Malcolm to the ground. Natamaan ang babaeng bampira sa balikat. Malcolm grabbed that chance to have the upper hand. At saka ginapos rin si Victoria, tulad ng ginagawang paggapos sa akin ni Ezekiel. Nang nilingon ko si Clad at hawak niya na rin sa leeg si Olivia.

Sa loob ng isang minuto, nangyari ang lahat ng iyon. Napakabilis ng mga pangyayari. Sunod sunod at malulutong na mura ang narinig ko mula sa lalaking Cortrade.

"Now this is what I call a fair fight" basag ni Malcolm sa tensyon

"Let me go, Seph!" Pagpupumiglas ni Victoria

"I'll let you go if he let's her go" tukoy sa amin ni Malcolm

Ilang segundo ring nagsukatan ng titig ang dalawang lalaking bampira bago ako marahas na itinulak ni Ezekiel papunta kay Malcolm. Agad rin namang pinakawalan ni Malcolm si Victoria upang masalo ako. At sa kabutihang palad ay nasalo nga niya ako. Agad humigpit ang yakap sa akin ni Malcolm ng matanggap niya ako sa kanyang mga bisig

"Now let Olivia go!" Sigaw ni Ezekiel. Napalingon ako kay Clad. Nagbago na naman ulit ang kanyang mga mata. Ngumisi siya at niluwagan ang pagkakahawak kay Olivia

"Via, do you want to go?" Tanong niya rito

Tumutulo ang luha ni Olivia ngunit walang bakas ng kahit anong emosyon ang naroon sa kanyang mukha, "If you want me to go then I'll go" aniya

Napasinghap ako, "No way..." Narinig ko namang ngumisi si Malcolm. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa akin pero nanatili kami sa tabi ng isa't isa

"What did you do to her!" Sigaw muli ni Ezekiel

"I'm sorry Kiel, Tori. I stared back" ani Olivia, lumuluha pa rin

Sinasabi ko na nga ba

"No..." Halos di makapaniwala si Victoria

Akmang susugurin niya si Clad ngunit nauna si Ezekiel. Ayon nga lang si Malcolm ang sumalubong sa kanya. Sinalubong niya ng sakal ang lalaki.

Napaluhod si Ezekiel at tila hirap huminga. What is Malcolm doing to him?

"Anong ginagawa mo sa akin?" Naghihingalong tanong ni Ezekiel sa kay Malcolm

"I'm slowly taking away your life" ngisi ni Malcolm, "Let this be a lesson learned, Cortrade. Never ever touch her. Pull that kind of stunt again and I'll kill you for real" at saka niya ito binitawan

Ibinaling ni Malcolm ang tingin mula kay Ezekiel patungo sa naninigas na si Victoria

"Same goes for you, Victoria" aniya, "Siguro naman ay malinaw na ang lahat" ipinagdampi ni Malcolm ang kanyang palad at masayang nginitian ang bawat isa, "No one is going to sacrifice the twins of fate or they'll answer to me. At ngayon ay napatunayan naming mas malakas kami sa inyo so you know the wisest thing to do" mula sa ngumingiting mga mata ay naging matalim ang titig ni Malcolm sa dalawa, "Back.Off" mariin at puno ng pagbabanta niyang sabi

Napalingon kami sa bumagsak na si Olivia.

"She'll wake up soon" ani Clad at agad na lumapit sa akin

"Are you alright?" Nag aalalang tanong niya. Nagawa niya pang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa

"I'm..." Di sinasadyang napatingin ako sa kay Malcolm na pinapanood pala kami, pero umiwas din ako agad, "fine"

"Let's go" napalingon kami kay Malcolm na biglang sumulpot sa aming gilid, ang bilis naman ata niyang nakarating rito. Kanina ay katitigan ko pa siya roon, "They'll come back to their senses soon and who knows what'll happen"

Tumango si Clad at iginiya kami papalabas.

Nang nakabalik kami sa Dryad forest ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Is it really finished? Talaga bang di na kami hahabulin ng mga prodigies? Clad and Malcolm made it very clear. Sana nga lang ay matanggap nila iyon. Kahit alam kong mahirap tanggapin na ang dalawang miyembro ng branch family ay natalo hindi lamang ang tagapagmana ng main families kundi pati na rin ang itinuturing na pinakamalakas sa kanilang uri. Well, that's a big blow.

***

Nang makalabas ang magkapatid na Bloodworth at ang isa sa kambal ng tadhana ay agad na nilapitan ni Ezekiel Cortrade si Olivia.

"Olivia!"

Olivia opened her eyes slowly at sunod sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Tinahan at niyakap naman siya ni Ezekiel

"He almost controlled me" hikbi ni Olivia

Mariing napapikit si Ezekiel. He remembered his father, ang unang naging biktima ng ability ni Clad Bloodworth. He's breathing but he's dead inside. Kumikilos lamang siya kapag sinasabi ni Clad. Ayaw niyang mangyari iyon kay Olivia.

Napalingon ang dalawa ng marahas na napaupo si Victoria sa sahig

"I can't believe it" tulala si Victoria at nangungulid rin ang luha, "This is impossible!" Sigaw niya at saka humagulgol

Hindi niya matanggap na dito magtatapos ang plano niyang paghihiganti dahil pinipigilan sila ng magkapatid na iyon.

Nilapitan ni Olivia si Victoria at saka niyakap. Habang tahimik lamang silang pinapanood ni Ezekiel

"We've been fighting non-stop for five hundred years" aniya, "We're exhausted. I guess, kailangan na nating magpahinga, Tori. We really need to rest"

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon