Chapter 29

221 6 0
                                    

Twins of Fate

Clad

Halos mabingi ako sa sinabi ni Morgan. Hindi ko nga alam kung tama ba ang narinig ko o ano. Did he just say that Elizabeth Taylor is a supernatural?

"Pano naman nangyaring isa akong supernatural? Parehong tao ang mga magulang ko. I was once a human before, bago pa man ako gawing bampira ni Malcolm" ani Elizabeth na tulad namin ay mukhang gulat rin sa sinabi ni Morgan.

"Is it because she's a vampire now? Kaya ba nasama siya sa atin dito sa Saphore?"

"If that's the case, dapat narito rin ang ibang bampirang ginawa natin noon" sagot ni Malcolm, "She's a supernatural creature, alright. But not because she's a vampire" tuloy niya pa saka nag angat nang tingin kay Elizabeth na para bang isa itong malaking katanungang kailangan niya masagot

"Anong klaseng supernatural being naman siya kung ganoon?" Tanong ko at matamang tinitigan na rin si Elizabeth. Nagulat kami ng bigla niyang hampasin ang kanyang hita. Bakas sa kanyang pagmumukha na naiirita siya. Pero bakit? We are trying to solve the mystery here and it is for her own sake!

"Can you please stop talking as if I'm not here?" Pakiusap niya sa aming tatlo at saka binalingan si Morgan, "Professor Bates" aniya at saka bumuntong hininga, "I'm sorry pero hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi niyo. I am a human or was a human, considering my status now, for blood's sake! Never akong nagkaroon ng supernatural powers tulad ng inyo o kung ano pa man. I was completely ordinary" paliwanag niya at saka tumango tango naman itong si Morgan. Was I hearing things or did Elizabeth Taylor really did call this j-ackass Professor Bates? Kawawa naman ang mga naging estudyante ng unggoy na ito kung ganoon

"But there is one supernatural power only given to human beings" pahayag ni Morgan and I think something clicked inside my head

"You don't mean..."

"The twins of fate" Morgan interrupted

"The myth?" Malcolm said in disbelief

"What is the twins of fate?" Elizabeth inquired. I crossed my arms. I know that myth very well kaya naman ako na nagpresintang sumagot

"The twins of fate are born every 500 years from different parents. They are supernatural beings but are born humans  because in this world humans are slaves to us vampires. At ang kambal ng tadhana ay nagbibigay ng kapangyarihan sa aming lahi. We sacrifice them para mas lalo kaming lumakas"

"Pero nang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang witches, werewolves at vampires at nahati ang aming mundo sa tatlong bahagi--- ang Saphore, Salem at Lykos- isa sa mga kondisyon hiningi ng dalawang iba pang nilalang ang mawala ang sumpa ng kambal ng tadhana. Pumayag ang mga bampira and the witches performed a spell upang malipat ang sumpa sa ibang dimensyon" napatango tango ako dahil ngayon napagtagpi tagpi ko na ang lahat, "And we just realized that the curse was brought to Firenze" muli kong tinitigan si Elizabeth, "You are a twin of fate"

"So the myth is real?" Ani Malcolm na parang hindi pa rin makapaniwala

"Apparantly, we have one sitting with us here" nakangising pahayag ni Morgan sabay akbay nito kay Elizabeth

But one question still remains

"If we have one twin here, where is the other one?" Tanong ko

"Is that the big question, really" sabat naman uli ng kapatid ko, "Because I think the bigger question is who is the other one?"

"Malcolm's right" ani Morgan

"So I'm not alone?" Elizabeth said as if she just realized it. Umayos siya nang upo, "Pano natin malalaman kung sino ang kakambal ko?"

"Well, the twins experiences same fate. Thus, they are called the twins of fate. They have same exact birthdays and happenings in their lives. So, why don't you tell us about yourself, Elizabeth?"

"Why?" Kunot noong tanong ni Elizabeth

"Just do it, missy" asik ni Malcolm sa kanya

Elizabeth heaved a sigh before she spoke, "Well I'm Elizabeth Marie Taylor. I was born September 07, 1998---"

"The exact same date we were transported in Firenze" ani ko

"And that was the night of Lunar Sangguinis--- the blood moon" sabi naman ni Malolm pero ang biglang pagiging interesante ni Morgan sa sinabi ni Elizabeth at nagpukaw sa atensyon namin

"Interesting" aniya at saka itinuon ang buong atensyon niya kay Elizabeth, nagawa niya pang hawakan ang magkabilang braso nito, "Tell me more. What about your parents?" He asked

"My parents, Jane and Travis Taylor, are dead. Seige Brickenridge killed them when I was twelve"

"A vampire?" Tanong ko and she nodded

"Holy crap!" Morgan exclaimed at agad kaming napalingon sa kanya. Kumunot ang noo ko sa ekspresyong ipinapakita niya

"What is it, Morgan?"

"I only know one person who has experienced the same fate. She was born on the night of the blood moon, too. Lost her parents in a vampire attack when she was twelve"

Hindi ko alam kung bakit malakas ang pintig ng puso ko. May naiisip ako pero...I don't want to assume. She can't be here, can she?

"Who are you talking about?" Rinig ko ang katiting na pag asa sa boses ni Malcolm. So I guess he is also thinking of what I am thinking.

"Astrid Turner" Morgan answered. Nahigit ko ang sarili kong hininga. Is it possible? That she could be here with us?

"Astrid is here, too?" Maluha luhang sabi ni Elizabeth, "Kung ganoon, nasan siya? San natin siya makikita?"

"Wherever she is, we have to find her quick" Morgan looked at me and then to Malcolm, "She's a twin of fate. Sa loob niya nakatago ang kapangyarihang makakapagbigay lakas sa mga bampira. If hunters, or worst surviving vampires, hear about this. Hahabulin nila siya" he then look at Elizabeth, "They are in great danger. We have to protect them both"

"I am not going to just stand here. I'm going to find her!" Sigaw ni Malcolm at agaran siyang naglakad patungo sa pinto pero natigilan siya nang magsalita ang hunter na bihag namin. Damnit! Pano namin nakalimutan ang isang 'to!

"I get it now" Kieran said na nakapagpatigil sa aming lahat, "You are the Bloodworth brothers. You're back and you brought with you the twins of fate, huh?" He said, "That's interesting"

"Mabuti naman at nagsalita ka at naalala kong patatahimikin pa nga pala kita" bumalik si Malcolm at huminto sa harap ng ngumising hunter. He held his arm up. Mahahaba na ang kuko niya. I'm guessing he is going to rip his heart out. My brother does that when he's pissed.

"Any last words, hunter?" He asked at mas lalo lang ngumisi ang hunter

"Yes" sagot naman nito, "You are all under arrest" aniya at may kung anong dinura galingsa bibig niya. Sinundan namin ng tingin ang maliit na bolang nanggaling sa bibig niya. Mukhang ito yung piercing sa dila niyang kanina niya pa pinaglalaruan. Nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan itong gumulong

"S-hit! Run!" Ang huling sigaw na narinig ko bago kami nagkagulo.

***
Pinunit ni Kieran ang kapirasong tela sa suot niya black tee shirt at itinali ito sa kanyang sugatang mga palad. Ilang sandali pa ay nawala na rin ang usok na bumalot sa kabuuan ng mansyon. Ang device na pinakawalan niya kanina ay isa sa mga pinakapaborito niyang sandata ng Hidden Circle, ang organisasyon ng mga hunters na kinabibilangan niya. Nakadisguise kasi ito bilang tongue piercing at napakaconvenient sa mga sitwasyong tulad ng naranasan niya kanina kung saan ginapos at binihag siya ng magkapatid na Bloodworth na iyon.

Tumayo siya upang iexamin ang mga katawang nakahandusay ngayon sa sahig. Napakunot ang noo niya nang may napagtanto siya.

"Anak ng---! Nakatakas pa yung isa!"

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon