The One and Only
Astrid
Tulala akong pinapanood ang pagsayaw ng apoy na nasa aking harapan. Gumawa si Clad nang panibago dahil pinatay ko yung kaninang ginawa ko.
Tahimik siyang nakaupo sa tabi ko, pinaglalaruan ang daliri sa kamay kong kanina niya pa hawak. He explained to me why I was brought here together with them at hindi pa rin ako makapaniwala.
"I'm a supernatural, huh?" I'm thinking outloud. Pakiramdam ko kasi kung iisipin ko lang ang mga bagay na ito ay hindi ko pa rin ito magagawang paniwalaan, "That's why I'm here. Because originally, dito talaga ako nanggaling" tumango tango ako, kahit papaano ay nagsi-sink in na sa akin ang bagong impormasyon na ito
"Twins of fate. Kami iyon ni Elizabeth. And we are like some power source for the vampires. If they sacrifice us mas lalakas ang mga taglay niyong kapangyarihan" nilingon ko si Clad na mapupungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. 'Sacrifice.'
"Are you going to kill me--- us?" Si Elizabeth at ako, para makuha nila ang kapangyarihang maibibigay namin sa kanila?
Namilog ang mata ni Clad. Marahil ay di niya inaasahang tatanungin ko siya ng ganoon. Wala naman akong magagawa. I have to know kung magagawa ba nilang isakripisyo kami for that power lalo pa't they are being hunted by the hunters. Kung nagawa nilang isakripisyon noon ang daan daang mga tao para lang mabuhay sila, anong pinagkaiba ng nangyayari ngayon sa nangyari noon sa Firenze? They are in danger and they wanted to live, period.
"Why are you even asking me that, Astrid? Do you really think I could sacrifice--- kill you even! Kapalit lang ng kapangyarihan?" Napayuko ako, he sounded betrayed like I don't trust him.
"I don't know" pag amin ko, "Sabi mo kasi nanganganib din kayo rito dahil sa mga hunters. I just thought that, maybe, for you to save yourselves, hindi kayo magdadalawang isip na isakripisyo kami" niyakap ni Clad ang ulo ko at nilapit ito sa kanyang dibdib. He rested his chin on my head. It felt...nice and comfortable.
"I will never ever exchange your life for mine, love" he said, "And I don't see the reason for me to do it. That hunter said that all vampires are dead. Ako at si Malcolm na lamang ang natitirang pureblooded vampire rito, and then there's Elizabeth. Surely the three of us will find another way to live in peace with those hunters. No need for sacrifices or powers"
Somehow, what Clad said calmed me down. That's what I need. Kailangan ko lang ng assurance na kahit anong mangyari, I will always be safe around him. Lalo na ngayo't narito ako sa isang mundong hindi ko kabisado. Kailangan na kailangan ko siya.
Humiwalay sa akin si Clad kaya nagtataka ko siyang tiningnan. Natatawa naman siya nang nakita ang itsura ko. Halata ba na ayaw kong bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin?
"We're out of firewood. Maghahanap na muna ako" aniya at wala sa sariling napalingon ako sa apoy
"Sasama ako" presinta ko pero agad siyang umiling
"Stay here and keep yourself warm. I'll be quick" aniya sa ako hinalikan sa noo at mabilis na naglaho. Yeah right, vampire speed.
Bumalik ako sa pagtunganga sa apoy. Maliit na ito at mukhang nag aagaw buhay. Dapat ay bilisan ni Clad dahil kung hindi wala na siyang apoy na maabutan.
Nagitla ako nang makarinig ng biglaang pagkaputol ng sangga. Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang tunog at doon nakita ko ang isang babae. She's wearing a three fourth plain denim shirt at black pants. I've never seen her before kaya marahil ay taga rito siya sa Saphore. Wow, siya ang kauna unahang taga-Saphoreng nakita ko. I surprised that they look...normal. Akala ko kasi ang mga tao rito ay nakagown o iba ang sibilisasyon rito but judging by the way she looks, mukhang magpareho lang ang sibilisasyon ng Firenze at Saphore.
![](https://img.wattpad.com/cover/50968253-288-k873329.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampireAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...