Chapter 33

198 4 0
                                    

Master

Astrid

Kilay na magkasalubong ang iginanti ko sa abot tenga-ng ngisi ni Malcolm sa akin. He looked like he's so happy to see me. Yeah, right. I know better. Alam kong alam niya ang tungkol sa napakakomplikadong sitwasyon ko ngayon, being a twin of fate that is, and he's just here to enjoy watching my misery.

Natuto na ako sa pagbabago bago ng ugali ni Malcolm. One thing is constant: He will always, always make other people suffer. Hindi na ako magpapabulag sa mga sinasabi niya o pinapakita niya. I won't even believe his words. Nang-gagago lang siya.

Nakasandal pa rin ako sa puno while he's standing in front of me. For some reason, hindi ko maigalaw ang mga binti ko.

Malcolm took one step closer to me. At saka inilagay ang kaliwang kamay niya sa sa may bandang ulunan ko. Mas lalo kong pinakunot ang noo ko sa mga kinikilos niya

"So...Have you realized that you're really in love with me and not with my brother kaya talagang sinundan mo pa ako rito sa Saphore? I have to say, Astrid Turner. I'm really, really touched" aniya. At ang walang hiya inilapit pa talaga ang mukha niya sa akin. Bahagya ko siyang tinulak at saka ako tumawa

"What bull are you talking about?" Talagang pinakita ko sa kanya ang disgusto sa mukha ko pero nanatili ang ngisi sa kanyang labi. Ang kapal talaga! "I know you know why I'm here. Wala akong choice!" Napangiwi ako dahil sa biglaang pagsakit ng leeg ko nung sumigaw ako. Damn! Talagang pinuruhan ako nung Natalia na yun. Mukhang hindi ata ako makakapagsalita ng maayos ng mga ilang araw.

Kumunot ang noo ni Malcolm nang mapansin niya ang paghimas himas ko sa aking leeg.

"Anong nangyari jan?" Iritableng tanong niya.

"Obvious ba? That bitch just choke the life out of me" sagot ko naman. Hinuli niya ang kamay ko at ibinaba ito sa gilid ko. Ginamit niya naman ang kanyang hintuturo upang iangat ang baba ko. Nanigas ako nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa leeg ko

"Don't move" he said in a low whisper. Sunod kong naramdaman ang lambot ng kanyang labing humalik sa balat ko roon.

"Malcolm!" I warned dahil bahagyang bumukas ang kanyang bibig. I felt his tongue swirling around my neck. Parang may sinusunod itong linya.

Hindi ko naman siya mapigilan dahil alam ko kung anong ginagawa niya. He's healing my wound pero hindi ko pa ring mapigilang hindi maghuramentado dito sa kinatatayuan ko. Bakit ba kasi kailangan ganito ang paraan niya ng paggagamot.

"F-uck! Get away from her!" Ang sigaw na narinig ko bago mawala si Malcolm sa harap ko. Nang lumingon ako ay nakahiga na siya sa sahig. Clad was straddling his brother at umaambang susuntukin ito.

"Clad!" Narinig kong tumawa si Malcolm saka niya itinulak si Clad paalis sa kanya at tumayos. Medyo nawalan ng balanse si Clad dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ni Malcolm kaya ginamit ito ng huli upang suntukin ang kapatid

"Ano ba kayo!" Sigaw ko sa dalawa saka dinaluhan si Clad na siya naman ngayong napahiga sa sahig. Umambang susugod na naman si Malcolm pero pinigilan ko na, "Malcolm, ano ba! Tama na!" Tiningnan niya ako pero saglit lang saka muli itinuon ang nag aalab na mata sa kay Clad na nakatayo na pala sa likuran ko. Napapagitnaan nila ako

"That's for leaving her alone, unguarded and unprotected!" Sigaw niya sa kapatid, "Kung hindi ako dumating ay baka nakuha na siya ni Natalia!"

"Hindi ko siya iniwan! Pinatakas ko siya! Pero naisahan ako ni Natalia kaya naabutan niya si Astrid" bumaling sa akin ang mga bigong mata ni Clad, "I'm sorry, Astrid. Hindi kita nagawang protektahan"

"Hindi mo siya nagawang protektahan because you are weak, Clad!" Sigaw muli ni Malcolm. Nakita ko ang agad na pagpula ng mukha ni Clad. Oh god!

"And what about you, huh? You think you're so good in protecting her? Then explain to me bakit nasundan ka rito!" Ani Clad na parehong nagpakunot ng noo namin ni Malcolm

"Ano namang pinagsasasabi mo riyan?"

Nilingon ni Clad ang isa sa mga puno roon at sinundan namin ang tingin niya. Bigla siyang naglaho at pagbalik niya ay may dala siya. Isang tao! Itinapon niya ito sa sa harap namin ni Malcolm. Sino naman ito?

"He's been spying on us" ani Clad

"Crap!" Nasapo ni Malcolm ang kanyang noo bago lumapit sa lalaki. Hinawakan niya ito sa kwelyo at iniangat, "Hindi ba sinabi ko na sa'yong magtago ka na dahil sa susunod na makita kita ay papatayin na talaga kita!?" Nanggigil na sabi ni Malcolm doon sa lalaki. Nakita ko ang panginginig ng katawan nung lalaki

"Who is he?" Tanong ko pero nagkibit balikay lamang sa akin si Clad at ibinalik ang tingin sa dalawa.

Kumawala yung lalaki sa hawak ni Malcolm. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap nito. Batid kong gulat rin si Malcolm sa ginawa nung lalaki.

"Pakiusap!" Ani 'to, "Tulungan mo akong maging malakas! Tulungan mo akong maging katulad mo, Master!"

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon