Would you?
Astrid
Mahigpit kong niyakap si Elizabeth matapos niyang isinalaysay sa amin ang nangyari sa kanila ni Morgan nitong mga nakaraang linggo. Tulala na lamang siya at di na lumuluha pa. Tingin ko'y pagod na rin ang mga mata niya sa kakaiyak.
"Those Lancasters really wants to mess with us!" Nagulat ako sa biglaang paghampas ni Malcolm sa mesa. He's been really violent kanina pa. Nagpipigil lang pero ngayon mukhang putol na ang pisi ng kanyang pasensya.
"Then we'll mess with them, if that's what they want" ani naman ni Clad, "Nanggigigil na rin talaga ako sa mga iyon"
"Don't tell me you're going to fight them? Hindi niyo ba narinig mas malakas sila sa inyo! Hindi niyo sila kaya! Malcolm?"
"At anong gusto mo, Victoria?" Yes, the whore is still here, "Ang hayaan namin si Morgan sa kamay ni Kaleb?"
"We can't! Astrid, babalikan natin si Morgan di ba?" Naiiyak na tanong ni Eliz. Nagulat ako sa kanyang reaksyon pero tumango ako and assured her
"Of course, Eliz. We're going to save him" kumalma naman siya at huminga ng maluwag.
"Then shall we go now? Siguradong naghihintay na iyon si Morgan" she said, napalingon ako sa dalawa at saka nakita ang pag iling ni Clad.
"You're weak and exhausted, Elizabeth. We all are" aniya sabay lingon sa amin, "We'll give everyone a time to rest and prepare. We'll attack after sunset" ani Clad. Akmang aalma ulit si Eliz ngunit inunahan ko na siya at inilingan. Agad niya namang naintindihan kaya napatango na rin siya at tumahimik.
Nang mukhang maayos na ang usapan at lahat na ay nagkaintindihan unang umalis sa sala si Malcolm, as usual agad siyang sinundan ni Victoria, at saka naman si Clad.
Inalalayan ko si Eliz pabalik sa kwarto at tinulungang makahiga sa kanyang kama. Humihikbi na naman siya.
"Eliz naman. Wag ka nang umiyak. Babalikan at ililigtas naman natin si Morgan eh" medyo naiiyak ko ring sabi. Talaga naman yung mangkukulam na iyon!
"Hindi, Astrid eh. Dapat sabay kaming tumakas dun. Dapat magkasama kami. Pero...pero iniwan ko siya!" She cried, i tried to hush and comfort her
"Ssh... Hindi mo siya iniwan. He chose to save you. And you should be thankful for that dahil mamayang gabi ikaw naman ang magliligtas sa kanya" sabi ko at medyo kumalma siya, "Ikukuha muna kita ng tubig" I sighed at saka lumabas sa kwarto.
Nagtungo akong kusina upang kumuha ng tubig at pagkain na rin para kay Eliz nang madatnan ko si Victoria roon. Agad nagtama ang aming mga mata.
Inirapan ko siya at agad inihanda ang sadya ko rito.
"Alam mong ang mangyayari ngayong gabi ay pangunang parte ng nakita ni Olivia. Kung kakalabanin nila ang nga Lancaster mamatay sila, Astrid Turner" aniya
"We're going to save our friend, Victoria. Not even death could stop us" sagot ko naman, nilingon ko siya ng bahagya at saka umismik, "That's why I'm wondering why you're still here. Kung natatakot ka, bukas ang pinto. Makakaalis ka na, coward"
My breath hitched when suddenly she forcefully backed me on the wall. Tangina! Di ko siya uurungan akala niya! Pilit kong tinatanggal ang braso niyang sumasakal sa akin
"Don't you dare insult me, human!" Sigaw niya sa mukha ko. But then, her mood suddenly changed. Umatras siya ng ilang hakbang sa akin. Agad kong hinawakan ang aking leeg at napangiwi sa sakit nito. Nakita ko ang pag ngisi ni Victoria
"I could've killed you, you know" aniya ngunit matalim na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya, "But no...dahil magagamit pa kita or should I say may magagawa ka pa" lumapit ulit siya at agad akong naalarma, "Hindi ba't mahal mo naman si Malcolm? Importante rin sa'yo si Clad. Sigurado akong hindi ka magdadalawang isip na tulungan sila"
"Eh ano naman iyon sa'yo" tama siya, hindi nga ako magdadalawang isip na tulungan si Clad at Malcolm...lalo na syempre si Malcolm. Kahit gago ang bampirang yun, di ko pa rin kayang pigilan ang sarili kong mahalin siya.
"Kahit kapalit nito ang buhay mo?"
"A-anong ibig mong sabihin?" She leaned closer and whispered something in my ear
"Ang kapangyarihan ng kambal ng tadhana" aniya, I felt her hands on the sides of my waist. At nang iniangat niya ito'y hawak niya na ang aking dagger. She smirked.
"Pierce this dagger into your heart and they will live. Malcolm Bloodworth will live" she said at ibinagsak sa aking kamay ang aking dagger.
"Give us what's rightfully ours. At iyang kapangyarihang nasa loob ng katawan mo ay pag aari naming mga bampira. That power could surpass the strygx' power and we may make it alive tonight" aniya at saka iniwan akong tulala roon
My life in exchange for theirs? Hindi...Tiwala ako sa kapangyarihan at kakayahan nina Malcolm at Clad. Kakayanin nila ang kanilang mga kapatid, maililigtas namin si Morgan nang hindi na namin kailangang magsakripisyo pa ni Eliz.
But what if...what if ganoon nga ang mangyayari?
Ngayon pa lang ay natatakot na ako...hindi para sa sarili ko kundi para sa pagmamahal ko kay Malcolm. Dahil batid ko ang lawak ng kayang kong hamakin para lang sa kanya. Indeed, this love is toxicating.
Nang bumalik ako sa kwarto ay mahimbing na ang tulog ni Eliz. Inilapag ko na lamang ang hinanda kong pagkain at naupo sa aking kama. Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang aking palad. I'm completely fucked up!

BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampirAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...