Chapter 41

175 6 0
                                    

I'm sorry

Astrid

"May dala pa akong extrang kumot at unan para sa inyo" tinanggap ko naman iyong inaabot niya sa amin.

"Salamat, Vasil"

"I can't believe mag isa ka lang na nakatira sa magandang bahay na ito. How about your parents at yung kapatid mong hunter, si Kieran?" Tanong ni Eliz habang nililibot ang kabuuan ng kwartong ibinigay sa amin ni Vasil. Dinala niya kami rito sa kanyang bahay upang dito tumuloy pansamantala.

"Hindi sila rito nakatira. May sariling bahay ang daddy ko at si mama Amanda. Si Kieran naman ay sa headquarters na tumutuloy. Ganun rin naman ako minsan, pero inuuwian ko pa rin ang bahay na ito. Sa mommy ko kasi ito" ani Vasil. Napahinto naman ako sa pag aayos ng aking gamit ng mapagtantong may hindi tumutugma sa kwento ni Vasil

"You mean sa mama Amanda mo? Yung pulis kanina?" Eliz

"Hindi" sagot niya, "Yung mommy ko ang unang asawa ng daddy ko. But she died days after giving birth to me. Nagpakasal ulit ang daddy ko, kay mama Amanda na may anak na rin noon na halos kasing edad ko, at siya ang nagpalaki sa akin"

"So she's your stepmom at stepbrother mo naman iyong Kieran" I see, well it kinda make sense

"Ganun na nga" aniya, "Basta kung may kailangan kayo tawagin niyo lang ako. Sa ngayon, kailangan ko pa munang umalis nagpapabili kasi sina master ng alak eh wala ako nun dito" agad kumunot ang noo ko

"Inutusan ka ng Malcolm na iyon?"

"Napakawalang hiya naman talaga niya, oo" ani Eliz at sang ayon ako sa kanya

"Deh, okay lang. Sige" he said at umalis na

"Ang bait bait ni Vasil pero bakit nagpapaalipin siya kay Malcolm?" Ani Eliz sabay bagsak sa kanyang kama. Dalawa kasi ang kama rito sa aming kwarto

"Ginusto niya iyon" simpleng sagot ko kahit na sa loob loob ko ay parang gusto ko nang bugbugin si Malcolm sa pang aabuso niya sa kabaitan ni Vasil

"Mabuti na lang at nakuha natin ang mga gamit na nabili natin kanina kung hindi ay wala tayong gagamitin" she said at saka tumayo, "Maliligo na muna ako at saka matutulog. Pagod na pagod ako" at agad siyang dumiretso sa banyo.

Tinotoo ni Eliz ang sinabing pagkatapos niyang maligo ay matutulog siya kaya sa hapag ay hindi namin siya kasama. Bakas naman sa mukha ng iba ko pang kasama ang pagod. Kahit ako panay ang paghikab sa hapag. Nakakahiya nga eh.

Pero nang makahiga naman ako sa aking kama ay di naman ako makatulog. Nasan na ang pagod ko at bakit ayaw naman ata niyang magparamdam ngayong handa na akong magpahinga? Panay ang balikwas ko sa kama hanggang sa nagsawa na ako't naupo na lamang ako. Muntikan pa akong mapasigaw nang makita kong nakaupo si Malcolm sa isang upuan across my bed! Shit! Panong--- gano katagal na siyang nariyan? Agad kong hinila ang aking kumot papunta sa aking dibdib.

"What are you doing here Malcolm?" Pabulong na sigaw ko sa kanya sa takot na magising si Eliz na mahimbing ang tulog sa kabilang kama

"Watching you" aniya sabay lagok sa bote ng alak na hawak niya, "Can't sleep?" He asked at alanganin akong tumango

"Ewan ko ba. Kanina ramdam na ramdam ko ang pagod pero ngayon ay halos di ako makatulog" kwento ko

"Me too" aniya. Nakasandal ang ulo niya sa pader kaya medyo nakatingala siya pero ang mata niya ay direktang nakatitig sa akin

"You're drunk" puna ko na ikinangisi niya. Pinanood ko siyang tumayo at lumapit sa aking kama at umupo sa gilid ko.

"I'm just drinking but I am not drunk, baby" he whispered sabay ipit ng ilang takas na buhok sa aking tenga. Umilag ako at matalim siyang tinitigan

"Malcolm" I warned, "You're drunk. Bumalik ka na sa kwarto mo. I don't want anyone to see us, lalo na si Clad" sabi ko at akmang babalik sa pagkakahiga at ignorahin na lamang ang kanyang presensya pero pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking braso

"So what if he sees us here? Edi hayaan mo siyang makita tayo!" Sigaw niya

"Ano ba Malcolm! Magigising si Eliz" sita ko sa kanya

"I'm sorry" nagulat ako sa agaran niyang paghingi ng tawad, "I'm sorry, baby" he said sabay pahid ng kung ano sa pisngi niya. Madilim kaya hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha but is he...is he crying? Bakit? Bakit umiiyak ang isang Malcolm Bloodworth sa harapan ko? Something weird is happening inside my chest tulad ng palaging nangyayari kapag nagkakalapit kami ngunit hindi ko iyon kayang ignorahin ngayon. What is he doing...

"Bumalik ka na sa kwarto mo, Malcolm" taboy ko sa kanya. I don't want him here. Being with him is too much for me. And I can't take it.

"I love you" aniya

"Malcolm, napag usapan na natin ito. Pinag usapan na natin 'to. I told you already, si Clad ang mahal ko!"

"Bakit? Bakit siya? Bakit hindi ako? Baby, please tell me. Anong meron si Clad na wala ako? Alam mo bang mabibiyak na ang ulo ko sa kakaisip kung bakit siya ang mahal na mahal mo at hindi ako na mahal na mahal ka" he said, "Make me understand, baby. Please" he begged saka niya pinagdikit ang aming mga noo

I was frozen. Parang natigil ang mundo ko. I...thought he was lying nung sinabi niyang mahal niya ako. But seeing him now...hindi pwedeng hindi siya nagsasabi ng totoo. Holy crap!

"Malcolm..." I trailed pero anong sunod kong sasabihin? Hindi ko alam. Lumayo ng konti sa akin si Malcolm upang palisin ang kanyang mga luha. Sunod sunod ko namang narinig ang kanyang mga mura.

"Fuck! What's with these tears? Fucking tears! Ayaw tumigil! Fuck!" Aniya

"I'm sorry" ang tangi kong nasabi. Saka ako napayuko nang maramdaman ko ang nakakapasong tingin niya sa akin

"I'm sorry what?" He asked. May bahid ng irita sa kanyang tono, "Sorry hindi ako ang mahal mo? Na kahit magmakaawa ako sa harap mo hinding hindi ako ang pipiliin mo? If that's what you are sorry for then I don't need it" he said, "I don't fucking want to hear it" at bigla na lamang siyang nawala sa harap ko.

Hindi ko alam pero hinanap ko siya. Nagbabakasakaling hindi niya pa nililisan ang silid na ito. Di ko na rin pansin ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

What the fucking fuck? Di ko maintindihan! I'm...scared! I'm so scared! Why am I so fucking scared? I'm so scared of what he's making me feel! Shit!

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon