Chapter 24

267 7 0
                                    

The Night We Went Back Home Part 3

Hindi alam ni Malcolm ngunit nagustuhan niya ang naging sagot ni Astrid sa tanong niya. Maybe because that was his answer too. Na kahit pa tinraydor siya ng mga tinuring niyang kaibigan hanggang huli kaibigan pa rin ang tingin niya sa mga ito. The only damage done is hindi niya na ata kaya pang magtiwala sa ibang tao. They have broken his trust completely.

Sabay na naglalakad sina Malcolm at Astrid nang madaanan nila ang walang malay na si Elizabeth mabuti na lamang at parang nags-space out si Astrid at hindi niya napansin si Eliz kundi alam ni Malcolm na g-gyerahin na naman siya ng hunter na iyon.

Nagpaiwan ng kaunti si Malcolm at hinayaang umunang maglakad ang dalaga saka niya saglit na chineck ang kalagayan ni Elizabeth. At nakahinga siya ng maluwag ng makitang ayos lang ito. She was just dead dahil binali ni Cross ang leeg niya but she'll wake up anytime soon.

"Good thing you are okay, I can't have that dumb hunter crying in front of me, again" he whispered saka sinundan ng tingin si Astrid na naglalakad palayo at nakatalikod sa kanya.

For the first time aaminin niya na. He is in love with that dumb hunter. Totoo nga ang sinabi nitong "kapag nasasaktan ang mahal mo mas doble ang sakit nito sa'yo" because he experienced it when Astrid cried in front of him parang pinipiga ang puso niya. Gusto niya itong lapitan, yakapin at mag-sorry but his brother was already doing all of it. That was the first time he realized na ang g-ago niya nga. And only Astrid Turner can do that to him.

Nagsalubong ang kilay ni Malcolm ng mapansin ang kaliwang braso ni Astrid kaya mabilisan siyang sumaklolo sa tabi nito at inexamin ang kamay nitong napuruhan

"Ay naku naman! Bat ka nanggugulat?" she asked, ngunit nanatiling  nakatingin si Malcolm sa braso niya

"What happened to your arm?"

"Obvious ba? Malamang napuruhan! Yung mga elite force kasi ng elders sinugod kami ni Clad kanina---ah!" hindi napinatapos ni Malcolm sa pagsasalita si Astrid. He gently kissed her wound and it miraculously healed

"Kailangan ba talagang hinahalikan yung sugat para gumaling?"

Naiilang kasi si Astrid sa naging kilos na iyon ni Malcolm. Napangisi naman si Malcolm saka umunang maglakad kay Astrid. There is another way that he can heal without involving intimate touch such as kissing and licking the wounds. Simpleng hawak niya lang ay gagaling rin naman ito. But of course, it was Astrid Turner, everything that he is doing for her involves a secret agenda.

"Dami mong satsat. Tara na" aya niya rito muli namang sumunod sa kanya si Astrid. Binabagtas nila ngayon ang daan patungo sa gitna ng academy kung saan matatagpuan ang malawak na lupaing iyon.

"So...Did you talk with my brother?" Malcolm asked

"Yes...He said he loves me" nakangiting sabi ni Astrid. Napa-tss naman si Malcolm

"Really? Why would he say that?" halos di makapaniwalang tanong ni Malcolm

Astrid's mood changed kaya saglit siyang napahinto. Nariyan na naman kasi yung classic Malcolm na walang magandang sinasabi. But she held her head up at naglakad. Malcolm still walking in front of her.

"Dahil yun ang nararamdaman niya" lakas loob na sagot ni Astrid

"And you believed him?" Malcolm still trying to destroy her confidence

"Yes...Bakit parang ang hirap sa'yong paniwalaan na mahal na ako ni Clad. Naka-move on na siya kay Isabel"

Napahinto si Malcolm sa tanong na iyon ni Astrid and he faced her.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon