Chapter 87

93 4 0
                                    

Revealed

Third Person's POV

Nagmamadaling ikinandado ni Salome ang pintuan ng kanyang bahay. She packed everything knowing that she has to leave immediately. The rogue wolves she sent to murder the young Rivera didn't come back alive. Not even one. They were all murdered by that Bloodworth vampire.

She knew that, that vampire has a motive for looking for Kayla in the first place. Hindi niya sigurado kung ano iyon pero may hinuha siyang may kinalaman iyon sa resurgere. Ang spell na matagal nang binura ng kanilang pamilya. It was black magic! Forbidden! Hindi na nga dapat iyon naimbento pa. Hindi na dapat nagkaroon pa ng ganoong spell. But no thanks to the Rivera clan, they made it possible. Mabuti na lamang at maagap iyong natigilan ng kanyang mga ninuno bago pa man ito maipasa sa susunod na henerasyon ng Rivera.

Ang pamilya niya ang may responsilidad na burahin ang mahikang iyon, hanggang sa naipasa sa kanya ang responsibilidad na iyon. At hindi maaring siya ang maging dahilan ng pagbabalik muli ng resurgere. Hindi siya maaring mabigo sa pangangalaga nito.

Salome grabbed her suitcase at naglakad na palayo sa kanyang bahay. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang pigilan siya ng isang baritonong boses na kilalang kilala niya.

"You going somewhere old witch? We can give you a ride if you want" nanunuya ang boses ng bampira. Mariing napapikit si Salome bago hinarap si Malcolm. She saw Kayla behind him. At sa malayong likod nila nakaparada ang isang sasakyan. May nakikita rin siyang lalaki sa loob nito.

"May kasalanan ka sa akin, Salome" ani Malcolm saka ito naglakad papalapit sa kanya.

Nanginginig na umatras siya mula rito. Malcolm saw how scared she was kaya naman umismik ito. He stopped three feet away from Salome.

"Wala akong ginawang masama sa iyo! Bayad na ako sa utang ko sa'yo!" Tama, the only reason she gave Malcolm that information about Kayla was because she felt indebted towards the vampire. Hindi niya naman inaakalang mahahanap niya agad ang dalgita, "Ano pa ba ang kailangan mo sa akin, Malcolm Bloodworth?" Halos magmakaawa siya sa harap ng lalaki

"I need you to unlock the spell of this blank page," inilahad ni Kayla ang hawak niyang spellbook at dahan dahan itong tiningnan ni Salome, "I need you---" muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Malcolm, "-to reveal to us what's written in this page" he said

"But that spell is forbidden!" Giit niya, "It's a black magic! It's dangerous! Dapat ay hindi na ito naimbento pa!"

"I do not care if this spell will raise hell! All I care about is bringing her back!"

Nanatili ang mga mata ni Salome sa mukha ng bampira. Mariin siyang napapikit saka humigpit ang hawak niya sa boteng nakakwintas sa leeg niya. Ang kaninang takot na nararamdaman ay napalitan ng determinasyon. No, she will not fail in keeping that spell locked whatever the cost may be.

Naramdaman ni Malcolm ang pagbabago ng nararamdaman ng matanda. Kung kanina ay amoy na amoy niya ang takot mula rito, ngayon ay naglaho na ito. Nang magbukas muli ng mata ang matanda he saw determination, he didn't understand.

Marahas na hinila ni Salome ang bote kaya napigtas ang pagkakatali nito sa kanyang leeg. She opened it at inilapit sa kanyanh bibig. Malcolm did not stop her dahil hindi naman nito alam ang nangyayari.

"I will never do what you want me to do, vampire. You need my blood to unlock that spell and you won't be able to get it"

"I'll kill you if that's what I have to do. I swear, old witch! I will damn kill you kaya habang nakikiusap pa ako sa'yo ay pumayag ka na!"

"I know you will. Kaya naman uunahan kita" aniya, "When I drink this potion, my body will turn into a stone. My organs, blood, everything will turn into stone. And you won't be able to unlock that spell anymore"

Namilog ang mata ni Malcolm sa narinig, "Liar! Hindi mo gagawin iyan!"

"It's possible, Malcolm. Madame is really good in making potions" ani Kayla na nasa likuran ni Malcolm.

Malcolm's desperation and anger grew more and more. Hindi dapat makainom ng kahit isang patak man lang si Salome ng potion na hawak hawak niya. If she did, it's the end for him and for Astrid. Maaring hindi niya na makakapiling pang muli ang babaeng minamahal niya.

Malcolm's fangs showed up. He's ready to attack pero naunahan siya ni Salome. She chanted a spell at may kung anong sumabog sa mismong kinatatayuan ni Malcolm. Napaatras siya ng ilang hakbang at agad nakaramdam ng hapdi sa katawan.

"You won't get you hands on that spell" ani Salome bago itinaas ang bote at nilapit sa bibig

"No!" Sigaw ni Malcolm. Tila bumagal ang paligid. Kitang kita ni Malcolm ang pagdikit ng bote sa bibig ng matanda pati ang pagbaba ng likidong kulay rosas sa bunganga ng bote.

Ngunit bigla biglang lumitaw si Clad at sinampal ang bote mula sa kamay ng matanda. Nanlaki ang mata ni Salome sa muling pagkakakita niya sa banpirang muntik nang pumatay sa kanya anim na buwan na ang nakakalipas. Sa pagkakabigla ay nahigit niya ang kanyang paghinga at nawala ang atensyon sa boteng nabitawan niya na pala. Nahulog ito sa kalsada at malakas ang tunog ng pagkakabasag noon.

Agad na tumayo si Malcolm and forcefully shove his hands on the witch's chest, reaching for her heart. Nang mahawakan na iyon ni Malcolm ay dinukot niya mula sa pagkakabaon ang kamay. He mercilessly ripped her heart of her body. Salome fell on the ground.

"Kayla!" Tawag ni Malcolm sa kay Kayla. Agad naman itong lumapit at inilahad muli ang blankong pahina.

Pinatakan ni Malcolm ng tumutulong dugo mula sa hawak niyang puso ni Salome ang pahina. And then, little by little the letters began to appear. The spell was finally revealed.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon