Weak
Nakakapanindig balahibo na ngisi ang ganti ni Malcolm sa hunter na nanginginig sa sobrang takot ngayon sa harapan niya.
Kanina pa siya paikot ikot sa lugar na pinagdalhan sa kanila nung Kieran na iyon pero sa di malamang dahilan ay hindi niya matagpuan ang lagusan palabas dito. Bagkus, iba ang nahanap niya. Ang hunter na ito na nasa harapan niya.
Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Malcolm nang mabitawan ng hunter ang dala dala nitong tray ng pagkain, kung para kanino ang mga iyon ay walang ideya si Malcolm at wala rin naman siyang pakialam doon.
"N-nakatakas ka?" The hunter stuttered, "P-pero paano?" Anito at saka luminga linga pa sa paligid na animo'y may kung anong hinahanap
Pinasadahan ni Malcolm ng tingin ang lalaki. He's wearing combat suit na katulad na katulad kay Kieran. Ang pinagkaiba lang ng dalawa ang ay ang kumpyansa at arrogance na mayroon si Kieran na wala naman ang lalaking ito. Compared to the other one, this one here is weaker.
"Yo! Hunter!" Tawag ni Malcolm sa atensyon nito, he just had an amazing idea kung paano siya makakalabas rito. Agad siyang nilingon ng hunter, bakas pa rin ang takot sa itsura nito, "You should run. Or else I will kill you" sapat na ang sinabing iyon ni Malcolm upang mabilis na tumakbo ang hunter nagsisigaw pa ito at humihingi ng tulong. Agad naman siyang sinundan ni Malcolm para mahanap sa wakas ang lagusan.
ABOT-ABOT naman ang pasasalamat ni Vasil nang matanaw niya ang pinto palabas sa kulungan na iyon. He kept on pushing and pushing himself to run sa takot na baka ay maabutan siya ng bampirang iyon at gawin ang banta nito sa kanya. He can't die. Ayaw niya pa munang mamatay.
"Tulong!" He shouted saka itinulak pabukas ang pinto. Sa huling hakbang niya ay di niya inaasahang matatalisod siya at madadapa. Agad naman lumapit sa kanya ang dalawang hunter na nakaposte roon. Nakakunot ang mga noo ng mga ito.
"Tayo!" Ma-awtoridad na utos ni Kieran, ang kapitan ng team 7 ng mga hunters ng Hidden Circle. Nagmamadaling tumayo si Vasil at saka sumaludo, "Anong nangyari, Vasil!" Iritableng sigaw ng pinuno sa kanya
"Kieran-" aniya at agad siyang sinamaan nito ng tingin saka lamang niya realize kung anong natawag niya sa kanilang captain, "Sir! Isa po sa mga bihag natin ang nakawala"
"Ano! Sino? Sino sa mga iyon ang nakawala?"
"Yung lalaking bampira po Sir" he choked, alam niyang ang bampirang iyon ang pinakadelikado sa tatlong bihag. Kaya't di na siya magtataka kung bigla mang magwala si Kieran sa harap niya.
"What! And you didn't do anything?" Asar na asar na tanong ni Kieran. Humalakhak ang katabing hunter nito
"Obviously, he just ran like a girl, captain" ani 'to, "Hindi na ako magtataka kung nakatakas na ang bampirang iyon. Vasil just showed him the way out of our maze-like prison. Sigurado akong sinundan siya nito"
Napayuko si Vasil. Hindi niya man lang magawang kontrahin ang sinabi ng kasamahang hunter dahil totoo ang lahat ng mga sinabi nito. The vampire told him to run and he did. Ginamit siya nito upang makalabas sa kulungan.
"I'm sorry, captain!" Hinging paumanhin niya at saka mariing napapikit. Bumuntong hininga si Kieran.
"Now I see what everyone is talking about, Vasil Zaragoza" Kieran paused saka tiningnang maigi si Vasil na gulat at napaangat ng tingin sa kanya, "You really are a disgrace to your father, General Zaragoza" aniya at saka nilagpasan ang natungangang si Vasil.
"Halika na, Sergeant!" Tawag nito sa kasamang hunter na umismik muna sa kay Vasil bago siya tuluyang lagpasan at sundan ang kapitan, bumping him in the process.
"You're weak and useless" mahina man ay rinig na rinig pa rin ito ni Vasil. Di pa nakuntento at sinundan pa ito ng nangungutyang halakhak. Mas lalo lang tuloy nanliit sa sarili si Vasil.
"Wow" halos magpintig ang tenga ni Vasil nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Kahit kanina niya pa lamang ito narinig ay alam niya kung sino ang may ari ng nakakapanindig balahibo na boses na iyon, "Your comrades are really mean" iling iling pa nito, "Can't blame them, tho. They are just being honest. I guess, truth really hurts" kibit balikat ni Malcolm at saka pumihit upang talikuran ang hunter
Lumingon si Vasil upang magtawag ng kasama para hulihin ang bampira pero wala siyang makita ni isa roon. Sadly, he knows what he has to do.
"Tigil!" Sigaw niya rito, his hands balled into fists, "Inuutusan kitang tumigil, bampira!" Kung saang lupalop man niya nahugot ang biglaang lakas ng loob ay hindi niya alam. Basta ay nagawa na lamang niya. He's kinda proud of it too. That's the first time he stood up on his own. Marahil ang pangungutya ng kanyang mga kasamahan ang nag udyok sa kanyang gawin ito.
Muli siyang hinarap ni Malcolm, ang hintuturo'y nakaturo sa dibdib nito
"Inuutusan mo ako?" Paglilinaw nito, huli na nang marealize ni Vasil ang nagawa. Ang kanina'y tapang niya ay bigla na lamang naglaho sa kung saan at agad napalitan ng muling panginginig ng katawan. Napaatras siya ng biglang humakbang pasulong ang bampira, "Inuutusan mo ako?" Ulit pa nito na parang hindi makapaniwala, "Are you kidding me, hunter? Kilala mo ba kung sino ako? I can take your life without lifting a finger"
"Not true! Your power is only effective to supernatural beings" nabasa niya ang isang lumang file tungkol sa bampirang nasa harap niya. Malcolm Bloodworth, one of two the cursed brothers. He read about how he can take one's life and then give it back but it's only effective with supernatural creatures yun ang nakalagay roon
"You're wrong. I can take anyone's life. And by that I mean, anyone. No exemption. But my resurrecting ability might have. If I kill you now, I won't be able to bring you back to life. And even if I can, I'm not sure if I actually want to"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Simple. I want to kill you" ani Malcolm, "Pero mukhang sinuswerte ka ngayon dahil nagmamadali ako. I have things to do. People to kill, possibly my own brother. So, I'll let you live for now but when I see your pathetic face again I'll make sure you won't have any more luck such as this" he smirked, "You should start hiding for you life now, hunter. I don't forget faces that easily"
Nang makaalis ang bampira ay saka lamang bumigay ang lakas ng mga paa ni Vasil. Literal siyang napaupo sa sahig. He hated how that vampire had the upper hand against him. He should be the one threatening his life. He's a hunter and son of the general!
Vasil tried to pull himself together. Hindi niya mapapatawad ang bampirang iyon for making him feel powerless. He'll make that vampire pay!
![](https://img.wattpad.com/cover/50968253-288-k873329.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampirosAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...