Chapter 67

147 8 1
                                    

Lifeless

Astrid

Narito ako sa veranda. Tapos na akong magbihis at mag ayos. Nakaset na rin sa utak ko ang labanang magaganap ngayong gabi. I'm good to go. Pinapanood ko na lamang ang paglubog ng araw hudyat ng mga mangyayari mamaya.

Napangiti ako. Hindi ko malaman kung eto ba ang unang pagkakataon na napanood ko ang paglubog ng araw at bakit tila kahali-halina ito ngayon. Parang ito ang unang beses na nakita ko ito. Maybe it's because finally I've reached that uncertainty kung pagkatapos ng gabing ito mabubuhay pa kaya ako? Pagkatapos ba ng gabing ito ay magkakaroon pa rin ba ako ng pagkakataong mapanood ang isang napakagandang paglubog ng araw na tulad nito? I wonder...

Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Nagtama ang aming paningin at matamis ko siyang nginitian pero umiwas lang siya ng tingin at agad na tumalikod sa akin.

"Akala ko walang tao" aniya at akmang babalik ulit sa loob na agad na ikinataranta ko

"Malcolm, sandali!" Tumigil naman siya, "Pwede ba tayong mag usap?" Nanatili siyang nakatalikod sa akin ng ilang segundo pero nilingon niya rin ako at saka tumango. He closed the door behind him at naglakad patungo sa aking tabi. Humarap siya sa papalubog na araw at saglit kaming natahimik. Tumikhim ako bago nagsalita.

"I'm sorry" panimula ko, "Patawad sa nangyari kagabi. I was just torn with my feelings because I cared for Clad, he's your brother. Pero mahal kita, Malcolm at dahil alam kong mahal mo rin ako kaya nagbaka sakali akong maiintindihan mo kung bakit ganoon ang desisyon ko kagabi pero mali na naman ako at tama ka. Hindi ko nga naisip kung anong mararamdaman mo. I'm sorry, baby" I saw him stiffened matapos ko siyang tawagin noon. I smiled pero agad ring naglaho iyon nang maalala ko ang ginawa niya kaninang umaga.

"But I didn't like what you did after that. Is that how you're going to lash out on me? Na kapag nasaktan kita manghahagilap ka ng ibang babae para ako naman yung masaktan? Aren't you being unfair, baby huh? Do you want to see me in another man's arm every time na mag aaway tayo?" Umismik siya at hinarap ako. Kitang kita ko ang galit at poot sa kanyang kulay asul na mga mata. Those blazing electric blue eyes that never fails to enchant me

"I saw you in Clad's arms after that" he said

Kahit ngayon ko lang iyon narinig ay di na ako nagulat, "Oh, nakita mo pala iyon?" Medyo natatawa pa ako na mas ikinagalit niya naman

"And you didn't even deny it! Damn!" Sabay sapo sa kanyang noo

"What's the point of denying? You saw us, ano pang ide-deny ko? You'll just hate me more for lying, wouldn't you?" Inalis niya ang kamay na nakaharang sa kanyang mga mata at tiningnan ako

"You're still not getting anything from me" aniya at tumango tango ako. Hindi ko alam kung nag iinarte ba siya at gusto niyang suyuin ko pa siya o talagang seryoso siya. He held my shoulders with both of his hands and I felt electrified,

"I love you" he said, "but this isn't right. You're consuming me! Nawawala ako sa sarili ko kapag kasama kita! Wala akong kontrol sa emosyon at desisyon ko kapag kaharap na kita. Do you know why I wanted you to deny what I saw? Dahil kahit ano! Kahit ano na lang na sasabihin mo paniniwalaan ko! Magbubulagbulagan ako dahil mahal kita. I'd rather live in a world full of lies than to live in truth without you. And this love, isn't healthy! I can't love you without forgetting about myself at iyon ang kailangan kong matutunan, ang mahalin ka nang may natitira pa ring pagmamahal para sa sarili ko. That's why we can't be together. Not yet. Not until we're both matured enough to know how much we should love each other"

He stared right into my eyes just as I stared back into his. This is it, Astrid Turner. He's damn serious this time.

"I understand. Hihintayin ko na lang kung kailan ka babalik. Kung kailan mo ako matutunang mahalin ng sapat at di sosobra. Hihintayin kita, Malcolm" I bit back a sob, "Hihintayin kita" ulit ko pa, kahit na wala nang kasiguraduhan kung mapagbibigyan pa ba ako ng tadhana na hintayin ka

I felt how his hands weakened and fell on his sides. Nagtitigan lang kami. Walang imikan hanggang sa naputol iyon dahil sa muling pagbubukas ng pinto. It was Victoria.

"Aalis na tayo" aniya, kung ganoon ay sasama siya.

Tumango si Malcolm at agad nagtungo sa pinto upang sundan si Victoria at saka naman ako kumilos.

Bumaba kami sa sala kung saan naghihintay si Eliz at Clad. Nakita kong hawak ni Eliz ang kanyang espadang may parehong disenyo sa aking punyal. I saw how Victoria's eyes lit up ng makita niya iyon, saka niya ako nilingon at tiningnan kung dala ko rin ba ang aking dagger. She smirked and raised a brow at me. I knew what she meant. Mamaya di ako makapagpigil at mapatay ko siya eh.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad nang umalis patungong Lancaster mansion. Nang marating namin ang mansyon ay napakatahimik nito at mukhang wala pang tao. But still it was magnificently beautiful just like the Hartford manor.

Napangiti ako ng mapakla ng may naalala. Now who said the Hartford manor will be the last place I'll ever be before I die? Mukhang eto pa nga atang mansyon na ito eh. Well at least it's a mansion.

"Let's go in" ani Clad, knowing this two brothers they never liked playing hide and seek, magpapakita agad sila at iyon nga ang aming ginawa.

Pagkapasok, wala pa ring tao. Napalingon kami nang may narinig kaming kaluskos ng kadena.

"Morgan!" Sigaw ni Eliz at agad tumakbo patungong west wing kung san nanggaling ang ingay. Agad kaming sumunod. Sa kadulu-duluhan ng hallway ay may isang malaking pinto. Agad itong binuksan ni Eliz at sa loob ay naaninag ko ang isang lalaking nakakadena pataas ang kamay.

"Morgan!" Sigaw ni Eliz, at doon ko nakumpirmang si Morgan nga iyon. Agad niyang sinalubong ng yakap ang nag-aagaw malay na si Morgan. Lumapit rin si Clad upang putulin ang kadenang nagkukulong kay Morgan. Nang maputol iyon ni Clad ay agad sinalo ni Eliz ang katawan ni Morgan. She's a vampire kaya nakaya niya ang bigat ni Morgan. They were walking towards us ng may pagsabog na naganap. Narinig ko ang malakas na tili ni Eliz dahil malapit lang sa kanila ang pagsabog.

"Elizabeth!" Sigaw ko, she used her vampire speed upang makarating sa amin. Nilingon ko siya sa aking likuran at nang makitang ligtas sila ni Morgan ay doon ako nakahinga ng maluwag. Now I can focus on fighting.

"How dare you take our hostage away?" Si Karina ang unang lumabas, at syempre sumunod ang dalawa niya pang kapatid.

"Don't involve our friends in this mess, Karina! Kami ang kailangan niyo, kami ang kalabanin niyo!" Hamon ni Clad. Karina smirked

"You sound like you're begging to be killed, brother"

"At sinong nagsabing kami ang mamatay ngayong gabi?" Ani naman ni Malcolm

"Trust me, all of you will be killed" ani naman ng batang Lancaster, he's playing with his necklace na vial ang pendant which is unusual because it was too big para maging pendant.

"Dadaan muna kayo sa amin bago niyo sila magagalaw" Malcolm

"That should be easy" Kalum smirked

Akmang susugod na si Kalum ngunit natigilan siya ng may marinig kaming bumagsak mula sa aming likuran.

Nang lumingon ako I saw Victoria standing, hawak niya ang espada ni Elizabeth at may bahid iyon ng preskong dugo. At...at si Elizabeth, she's lying beside Morgan's body...completely lifeless.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon