Chapter 81

95 5 0
                                    

Justice

Kayla Gabrielle

When the bell rang signaling the end of school for today, ay dali dali akong umalis. Dad called me kanina na hindi niya ako masusundo dahil mago-overtime daw siya sa kanyang trabaho. He works in the government by the way. He also told me to go home early para may kasama si mommy. And that's what I'm going to do. I'll just have to hail a cab.

"Kayla!" When I turned to see who called me, I saw Vasil running after me.  Ayan na naman siya

He never left me! Ultimo pagpunta ko sa cr ay susundan niya ako. Talagang sinusunod niya ang utos ni Malcolm sa kanya na para bang ikakamatay niya kung susuwayin ito.

Akmang tatakbuhan ko na siya ng harangan naman ako ni Malcolm. Damn it!

"Who are you running from?" Kunot ang noo niyang nang magtanong sa akin. Saktong sumulpot si Vasil sa tabi ko

"Hindi bat sinabi ko sa'yong bantayan mo siyang maigi?" Pangaral niya kay Vasil na pilit hinahabol ang kanyang hininga, ikaw ba naman ang makipagsisikan sa dagat ng estudyante sa hallway di ka kaya hingalin?

"Tingnan mo! May tinatakbuhan siya at mukhang nasa peligro!" Aniya sabay hila niya sa akin patungo sa kanyang tabi

"Ako master" he breathe, "Ako yung tinatakbuhan niya" turo niya sa kanyang sarili

Mas lalong nagkasalubong ang kilay ni Malcolm saka siya lumingon sa akin.

"You're running away from him?" Aniya at umirap ako. And that's enough for him to confirm his thoughts. Kaya ako naman ang pinarangalan niya

"Hindi bat sinabi ko na rin sa'yo na wag kang aalis sa paningin niya? I need you alive!" He said at napangiwi ako sa lakas ng boses niya

I crossed my arms and raise my brow, "Well he's an annoying guard! And how many times do I have to tell you too that I don't need a babysitter!"

"Well wether you like or not he's going to guard you 24/7"

"Haaa?!" Angal naman ni Vasil

"So you have no choice but to like it. Hanggat di mo nagagawa ang pinagagawa ko mananatili siyang nakabantay at nakasunod sa iyo kahit saan ka man magpunta"

"Teka Master, wala sa usapan yan---"

"So if you want him gone start working on that spell!" Mahabang salaysay niya na hindi man lang pinakinggan ang mga pag alma ni Vasil.

"I'm going to work on it kaya nga nagmamadali akong umuwi" sabi ko sabay tulak sa kanya palayo sa akin. Bwisit

"Vasil will take you home" pinal niyang sabi at sabay kaming napalingon kay Vasil

"Teka Master, ako lang ang magbabantay sa kanya? Edi ba witch siya? Pano kung sumpain ako niyan" ngumisi ako sa narinig. Well that is not a bad idea

"I'll help of course. Pero hindi ako pwedeng palaging nakabuntot sa kanya or Clad will suspect" ani Malcolm at agad akong natigilan ng marinig ang pamilyar na boses

"What will I suspect?"

Dahan dahan akong napalingon at doon nakita ko si Clad who's walking majestically towards us. I bit my lip and averted my gaze. He's too beautiful I couldn't look at him for more than a second. Pakiramdam ko'y nagkakasala ako. Wait, what?

"What are you talking about, brother? I think you heard wrong" Malcolm lied.

Nag angat ako ng tingin when I felt a pair of eyes gazing at me. Mapanuri ang kanyang mga mata

"She looks familiar" iyon ang una niyang sinabi at saka nilingon si Malcolm, "Why are you with her?" He asked his brother

"Not me!" Agad na alma ni Malcolm, "She's with Vasil" he said, "He's pursuing her" aniya pa na siyang nakapalaglag ng panga naming dalawa ni Vasil

"A-ano?" We both said in chorus, saka niya kami tinaliman ng tingin.

Agad na inakbayan ako ni Vasil na siyang ikinagulat ko. Oh no! Don't tell me

"Oo nga. Nililigawan ko" turo niya sa akin, "Ganda 'no" sabay halakhak niyang halatang kabado

Napatingin ako kay Clad. Kunot ang noo niya. Gusto kong umiling at nagmakaawang wag niyang paniwalaan ang kasinungalingan ng dalawang unggoy na ito pero bakit ko naman gagawin iyon? Nasisiraan na ata ako ng bait.

Siniko ko si Vasil kaya napabitiw siya sa akin, "Edi kung nanliligaw ka, basted ka na!" Sigaw ko kay Vasil. Binalingan ko ng tingin si Malcolm. He looked very amused. Inirapan ko nga saka ako umalis roon.

At syempre agad akong hinabol ni Vasil. Ang walangya! Kung anu-ano pa ang sinisigaw. Kinikilibutan ako!

"Babes! Babes sandali!" Mas lalo akong napatakbo. At hindi ko alam kung pano pero nagawa niya akong abutan. Hinuli niya ang aking braso kaya ako napahinto.

"Ano ba Vasil!" Sabi ko sabay waksi sa kamay niya, "Naiinis na talaga ako sa pagiging pakialamero niyo ni Malcolm ah! Gagawin ko naman yung gusto niya di na kailangan nito!"

"Oo na. Sige na. Wag ka ng highblood. Ihahatid na kita" aniya sabay hila sa akin.

Padabog naman akong nagpatianod sa kanya. Wala na talaga akong kawala sa mga ito.

"At isa pa" ani ko nang pareho kaming nakasakay na sa kanyang kotse. Binuhay niya ito at pinatakbo na paalis. Nilingon ko siya at ganun din naman siya sa akin, "Wag mo na ako ulit tawaging babes! Kilabutan ka nga!" Sabi ko sabay rub sa magkabila kong braso dahil pinagtataasan ako ng balahibo.

"Okay! Okay!" Halakhak niya, "Di naman talaga ikaw ang babes ko eh. Mas mature. Mas maganda" aniya at hindi ko mapigilang di maoffend, gago!

"Not that you're immature or ugly. Don't get me wrong" biglang bawi niya, "But she's the prettiest for me. Talo kahit sino. Dyosa yun eh"

"Ewan ko sa'yo, Vasil. Mukha kang tanga. Pupusta ako! Di alam ng 'dyosa' mo na may gusto ka sa kanya"

"Di nga niya ata alam na nage-exist ako eh" aniya

Agad naman akong naguilty. Kainis naman 'tong lalaking 'to! Lakas maka-emo.

Di na kami nag usap matapos nun. Nang marating namin ang bahay, agad akong nagpasalamat at bumaba.

Pumasok ako sa bahay at bumeso kay mommy saka ko pumanhik sa taas, sa aking kwarto. Agad kong nilock ang pinto ng aking kwarto at nilabas ang spell book na siyang katangi tangi kong alaala sa kung sino talaga ako.

Oras na upang hanapin ang spell na iyon. Konting tiis na lang mama, mabibigyang hustisya ko na rin ang pagkamatay mo.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon