Chapter 74

128 9 0
                                    

Get you back

Malcolm

Gulat akong napatalon ng naalimpungatan ako sa aking pagtulog.

"Nasan ako?" Tanong ko at agad nasapo ang aking ulo. Damn, ang sakit!

"Master, ikaw na ba yan? Wala ka na bang sapi?" Nilingon ko si Vasil na halos dumikit na sa salamin ng kotse sa sobrang layo sa akin. Agad kumunot ang noo ko.

"Pinagsasasabi mo ba, Vasil?" Nilingon ko ang paligid  at nakitang nakapark ang kotse ni Vasil sa harap ng bahay namin. Nakauwi na pala kami? Ang alam ko ay umiinom ako sa bar eh.

"Hay, salamat! At Vasil na rin ang tawag mo sa akin. Kinikilabutan ako sa tawag at tingin mo sa akin kanina eh" he said at tiningnan ko lang siya ng may pagtataka, "Ano? Di mo tanda, Master? Tss! Lagi naman eh"

"Diretsuhin mo na nga lang ako, pwede ba!" Sigaw ko at agad napangiwi ng makaramdam ng sakit sa aking panga. Tangina, napaaway ba ako nung lasing ako?

"Eh kasi naman, Master kanina nagha-hallucinate ka naman sa deads mong jowa" nilingon ko siya ng may matalim na tingin

"O, sabi mo di ba wag kong babanggitin pangalan niya sa harap mo" depensa niya, "Pero kapag lasing ka na siya lang lagi ang nakikita mo. Pangalan niya lang ang bukambibig mo. Ikaw din 'tong di nasunod sa mga utos mo"

"Hindi ko alam yang pinagsasasabi mo, Vasil" I said, but deep inside why do I feel guilty? Saan ba nanggagaling 'tong mga pakiramdam na'to

"Hindi alam? Eh kanina nga halos rape-in mo na ako dito sa loob ng kotse ko dahil akala mo ako yung deads mong jowa"

"Tangina! Mangilabot ka nga sa mga pinagsasasabi mo, Vasil! Bakit ko naman gagawin yun? Kadiri ka!"

"Kadiri talaga, Master! Kadiri ka talaga! Hanggang ngayon tumataas balahibo ko sa twing naaalala ko yung pananamantalang ginawa mo sa akin!" Aniya na parang nandidiri talaga, natahimik siya saglit pero nagpatuloy rin, "Miss na miss mo na siya Master, ano? Anim na buwan na rin pala, pero ang hirap pa ring paniwalaan. Ang hirap tanggapin. At hanggang ganoon tayo, na hindi matanggap ang nangyari, hindi tayo makakausad. Tulad na lang kunwari kapag nagkasugat tayo, una nating nararamdaman yung hapdi. Pero kapag patuloy lang nating dinadamdam yung hapdi at di titingnan man lang yung sugat, paano natin magagamot yun? Pano maghihilom? Kaya kailanganin muna nating tanggapin ang lahat at hayaang paghilumin ng panahon ang sakit na nararamdaman"

Natulala ako sa harapan habang ngiting ngiti naman si Vasil sa mga sinabi niya.

"O di ba, Master ang talino ko. Naisip ko yun" halakhak niya

"Vasil" banta ko saka siya nilingon

Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan sa gilid ko, "Hahaha" kabado niyang tawa, "Ikaw naman, Master di ma biro. Tatahiin ko na 'tong bibig ko pag uwi sa bahay. Ikaw master pumasok ka na sa inyo para makapagpahinga ka na" aniya. Inirapan ko siya saka ako bumaba.

"Bye bye Master!" Sigaw niya saka ko narinig ang ingay ng papalayong makina.

Pumasok ako sa bahay at agad dumiretso sa kusina upang makakuha ng alak. Kinuha ko yung paborito ko at agad na nilagok ito. Ubusin ko na lang 'to sa kwarto. Papanhik na sana  ako sa taas nang may nahagip ang aking mata pagdaan ko sa sala.

Napahinto ako at tiningnan ang nag iisang picture frame na nakadisplay roon. It was a picture of her with Clad. Kuha nila ito noon sa Firenze. Kinuha ko ang picture frame. Ito ang unang pagkakataon na tinitigan ko itong mabuti. She was smiling brightly in this picture. She looked genuinely happy. Binaba kong muli ang frame. Kumikirot puso ko. Di ko kasi masagot yung tanong na: Did I ever make her genuinely happy? Ang tanging alaala ko sa kanya ay yung tinulak ko siya palayo.

Lumagok ako mula sa bote ng alak na hawak ko at naglakad paalis. Hindi na sa taas ang punta ko kundi sa baba.

Sa baba kung saan siya naroon.

Nasa harap na ako ng pintuan ng basement pero nagdadalawang isip pa rin ako kung sa wakas ba ay titingnan ko na siya. But then I made the call.

Nanginginig ang aking mga kamay ng pinihit ko pabukas ang pinto. The first thing I saw is her golden casket. Di ko akalaing tatakasan agad ako ng lakas kaya napaluhod ako sa sahig. I stayed like that for a minute bago ako sumandal sa hamba ng pinto still sitting on the floor.

Tears pooled in the corner of my eyes. Damn! Mariin akong pumikit at pinisil ang aking mga mata gamit ang aking mga daliri. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Sa loob ng limang minuto, tanging pagsinghot ko lamang ang naririnig ko.

"Tangina" sunod sunod ang mura ko nang hindi pa rin huminto sa pagtulo ang luha ko.

When she died, hindi ako umiyak. I just felt empty, numb. Clad didn't gave me the chance to grieve. And I realize that I don't want to. You only grieve when you lose someone or something important to you. I didn't lose her. I refused to lose her. Kaya bakit ako umiiyak ngayon?

"You're so unfair, baby" I cried, "Ah! Damn stupid tears! You really like making me cry, huh?" Sisi ko pa sa kanya. Nung medyo kumalma ang pakiramdam ko ay tumingala na lamang ako para hindi na maiyak muli.

"I hate you, you know" panimula ko, kahit alam kong di niya ako maririnig, still I wanted to say this, "I hate you because you're making it a habit to hurt me. Though I am guilty, nasaktan kita noon pero tama bang ito ang iganti mo sa akin? Every day I suffer because you're not here! Every day I have to live without you! Alam mo ba kung gaano kahirap iyon? You died, pero ako araw araw akong namamatay because I couldn't bear the thought that I have an eternity to endure the agony of your death!"

"You are so unfair, baby! Why did you left me? Why did you kill yourself? For me? For us? Damn! I told you I'd die for you! Hindi ikaw yung mamatay para sa akin? I never asked you that but you did! Ang tigas ng ulo mo" sabay sabunot ko sa aking buhok. This is so frustrating!

"Hindi dapat ganito eh. Hindi dapat ikaw yung nanjan. Dapat ako! Dapat ako yung namatay para sa'yo! Dapat ikaw yung buhay at nag eenjoy sa buhay mo but fuck! Iniisip ko pa lang na masaya kang nabubuhay ng wala ako parang gusto ko na agad bumangon sa hukay. You're not allowed to be happy without me. Ako lang dapat ang may karapatang pasayahin ka. Pero kapag naiisip ko naman na araw araw kang umiiyak dahil wala ako hindi ko rin yun kakayanin. I don't want you sad"

"I'm fucked up! Mahal na mahal talaga kita! Baliw na baliw talaga ako sa'yo!" Natawa ako at tumigil sandali. I let the silence envelope me bago ako nagsalitang muli

"Everyone's forcing me to move on. Sila kaya ang sa lugar ko? They do not know the extent of what they are asking from me. Moving on from you means losing my life! Ngayong wala ka na nga eh I'm barely living. Yung mga ala-ala mo na lang nagpapabuhay sa akin and they want me to forget you? It's like they're asking me to take my own life! I can't move on from you. Ayoko! Hindi pwede! Hindi ako susuko! Ibabalik pa kita!" Tumayo ako at nanatili sa may pinto still looking at her casket from afar.

"Hindi kita lalapitan. Hindi kita titingnan because I promised myself na sunod na makikita kita buhay ka na. Alive and breathing, running in my arms. You may have left me, Astrid Turner but one of these days ibabalik din kita dito sa piling ko. I'll get you back, baby" ani ko at saka tumalikod na, "I'll get you back" ulit ko pa saka tuluyang umalis sa basement.

I'd go to the land of the dead even if it's impossible then I'll make it possible! Para sa'yo. Para sa atin. Kung kinakailangang kaladkarin ko ang kaluluwa mo pabalik rito, gagawin ko. I'll get you back and I will never lose you after that.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon