Chapter 72

140 7 0
                                    

Help us

Clad

Unang nagpakawala ng halakhak si Malcolm. Ako naman ang sumunod

"You're kidding us, right? We're 517 year old vampires at ibabalik mo kami sa highschool? What the!" Malcolm

"No, Di ko kayo ginu-good time. Trust me, high school is a good idea to start anew. We'll meet new friends, make new memories. Memories that will bury the bad ones! Hindi ba't maganda iyon?" Olivia asked, at natigilan ako. She has a point. High school is a good distraction to take our minds off the past. This could help us to move on.

Tumango tango ako, "I think it's a good idea. I'm in"

Napatalon at napapalakpak si Olivia sa aking sinabi, "Great! How about you Malcolm? Sa nakikita ko ay ikaw ang may pinaka may kailangan nito" nilingon ko ang aking kapatid na nakasimangot sa akin. He didn't like it when I agreed to go back to high school. Makikita mo iyon sa matatalim niyang matang nakadirekta sa akin.

"Well, I think this is bull. I'm not going back to high school" inirapan niya kaming lahat saka sumandal sa couch. He crossed his arms.

"Ayan! Ayan ang sinasabi ko" tinuro turo pa siya ni Olivia, "You're so stubborn kaya di ka maka move on eh!"

Agad na dumilat si Malcolm. At humilig kay Olivia. Kung di ko lang siya kilala ay aakalain ko nang pagbubuhatan niya ng kamay ang aming kaibigan.

"Who said I haven't moved on? Naka move on na ako! Matagal na" giit niya, liar, "I just don't like the idea. It's boring and gay" nilingon niya si Ezekiel na tahimik na nakahilig sa hamba ng pintuang nagko-konekta sa kusina at sala, "Do you like this idea, Cortrade?" Tanong niya rito

"Olivia wants it so bad, so..." Kibit balikat niya kaya ngumisi si Malcolm

"Kiel!" Alma ni Olivia

"What? I'm just saying..." Depensa pa niya

Tumayo si Malcolm mula sa pagkakaupo, "Well, I'm not going. Kung gusto niyo kayo na lang" aniya at umalis na roon

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Olivia pag alis ni Malcolm. Tumayo na rin ako at tinapik siya sa kanyang balikat.

"Thanks, Via" I said, I know she's only doing this to help us

"I've already enrolled us all, even Morgan. I wish Victoria could join us too pero..." Hindi niya itinuloy at agad ko siyang naintindihan. Victoria could no longer come. She killed Elizabeth and Morgan was furious, he banned her and threatened her na kapag magpakita pa siya ay walang pag aalinlangan niya itong papatayin. We don't know where she is ever since that day the she ram away.

"I'll try to talk to them both" ani ko na labis niyang ikinatuwa

"Thanks! Bukas na ang pasukan, okay? Wag niyong kakalimutan!" Aniya saka nagpaalam na aalis na kasama si Ezekiel.

Nang makaalis sila ay agad akong nagtungo sa silid ni Malcolm. Naabutan ko siya roong bihis na bihis at s-spray ng pabango

"Where are you going?" I asked

"Out" sagot niya ng di man lang ako tinapunan ng tingin. Naglakad siya at nilagpasan ako. Agad ko siyang hinabol.

"Malcolm, yung tungkol sa offer ni Olivia, I really think its a good idea. We should take it" sabi ko habang nakasunod sa kanya. Huminto siya kaya napahinto rin ako. Saka niya ako hinarap.

"Nasabi ko na ang sagot ko, Clad. Hindi ako mag aaral. I don't want it mas lalong di ko kailangan ito!"

"That's what you think but we need this, Malcolm. We need this to move on" giit ko. Napasapo siya sa kanyang noo at mariing ipinikit ang kanyang mata. Halatang naiinis na siya sa usapang ito at gusto niya na itong tapusin agad.

"Tanginang move on yan! Nakamove on na nga ako! Wala na sa akin yung nangyari! Bakit ba pinipilit niyong di pa ako nakakamove on sa kanya? I get it! She left and she's not coming back anymore!" I remained cold.

"I can hear you lies louder than your words, Malcolm. Hindi mo pa rin tanggap na wala na siya"

"Fuck! Di mo ba ako narinig? Tanggap ko na nga! Tanggap na tanggap ko na na wala na si..." He paused, ramdam kong hindi niya alam kung paano tatapusin ang kanyang sinabi, "siya!"

"Then why can't you say her name?" Tanong kong nakapagpatigil sa kanya, he clenched his jaw and shot me daggers with his eyes, "Because it brings back the pain, right? I can't say her name either" I chuckled, "It brings me back to the moment when she died, and when I have to endure long days and months of the agony of losing her" I said as I stared back into his eyes.

Tumawa siya at agad nagkasalubong ang aking kilay, "Edi lumabas din ang totoo. You're the one who needs this. Ikaw ang kailangangang mag move on at hindi ako. Kaya ikaw ang sumama roon at wag na wag mo akong idamay, Clad Bloodworth!" He said as he stormed out of the house. Again I was left, he just slapped me hard with the truth. Lakas talaga maka-comeback nung gago.

Naglakad ako without destination in mind. Basta natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakadungaw sa kanya. She didn't change one bit. Ganoon pa rin siya, maganda, makinis, maputla. No signs of warmth. No signs of life. For six months she has been here lying, lifeless.

Inangat ko ang aking kamay upang hawakan ang kanyang pisngi. Oh how I wish to see them blushing again. I remember, whenever I kiss her she'd blushed. Her rosy cheeks would turn into a deep shade of red. I smiled bitterly. And I remember I need to tell her things that happened today just like how I would always do everyday.

"Hi love" I trailed, "It's another day without you. Pasensya ka na ha, gabi na kita napuntahan rito. I got distracted during the day" my nose wrinkled with that lie, ewan ko ba kahit di niya naman ako naririnig I don't want to tell her what really happened

"Malcolm's a mess and it's my fault. I'm sorry. Hindi ko siya nabantayan. Wala talaga akong kwentang kuya o kapatid man lang. Kahit ang babaeng para sa kanya ay nagawa ko pang ipagkait at angkinin. This is the first time I'll tell you this, but I'm sorry for trying to keep you to myself gayong alam kong di ka na akin. Worst, I chased away the one who owns your heart at di siya hinayaang makalapit sa'yo, hagkan ka noong mga panahong di pa tintakasan ng init ang katawan mo, o halikan ka man lang noong mapupula pa ang labi mo. I was hurt, badly hurt that I couldn't see reason. Hindi ko naisip na baka hinihintay mo siya noon. I'm sorry dahil hinadlangan ko kayo. Patawarin mo ako, Astrid" I cried

"Ako rin siguro ang dahilan kung bakit ganyan na siya ngayon. You should have been here. He's always at his best behavior when he's with you. Now he's at his worst because you're not here anymore"

"Help him, love. Help us to move on from you. Ang sakit sakit na eh. Sabi nila time heals all wounds pero bakit ganun? Bakit yung sakit na dulot ng pagkawala mo habang tumatagal lalong lumalala? Lalong sumasakit, lalong nakakamatay? You're really different, love. Kaya siguro nahumaling kami ni Malcolm sa iyo. Ang sarap mong mahalin, sobrang sarap na sobrang hirap mo ding kalimutan. I'm not sure if that's good or bad but it's killing me. The pain's killing us, it's too much"

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon