Chapter 80

109 5 0
                                    

Deal

Kayla Gabrielle

"A-anong sinabi mo?"

Every thing around me stilled. Para akong nabingi. Kahit ang sarili kong binitawang mga salita ay halos di ko marinig.

He smirked, evilly.

"You want revenge, right?" Nanunuya ang kanyang tono, "I can help you" aniya at nagsimulang maglakad paikot sa akin

"Just do what I told you" he stopped behind me and whispered in my ear, "And I'll tell you who was the serial killer that killed your mother"

Marahas ko siyang hinarap at saka ako nagpakawala ng suntok ngunit naiwasan niya ito. Umatras siya ng ilang metro mula sa akin pero hindi ako nagpapigil at sinugod siya, "Who killed my mother! Sabihin mo!" Sigaw ko habang inaatake ko siya ng sipa at suntok. But he just expertly dodge my every attack.

Hinuli niya ang aking mga kamay at bumalik kami sa nauna naming posisyon kanina. Siya sa aking likuran hawak ang mga kamay ko.

Humalakhak siya bago nagsalita, "I'll tell you just do what I want first" aniya at binitawan akong muli

"Do we have a deal, Kayla?" He asked. Matalim ko siyang tinitigan. He stared at me too. He knew I'd do anything for my mother. So...

"Fine! I'll do what you want" pagsuko ko

"Of course you would" aniya. Arogante talaga

"Pero paano ko malalaman na tutuparin mo nga ang pangako mo? At kapag tinupad mo nga, pano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?" malay mo magsasabi lang siya ng kung kaninong pangalan riyan at dun ipasa ang sisi sa pagkamatay ni mama at ng iba pang witches anim na buwan na ang nakakalipas? Baka nga siya pa iyong serial killer eh!

"Do not fret, Kayla. Dadalhin kita mismo sa kanya. Ako ang maglalapit sa inyong dalawa" the way he said it para akong kinilabutan. Para bang imbes na makatulong ay gagawan niya pa ako ng panibagong problema.

Napabuntong hininga ako. I felt something weird happening somewhere near me at nang nilingon ko ito I saw the wolf shifting into a person. Ngunit nanatili itong walang buhay.

"Malcolm" tawag ko kay Malcolm pero nauna na niyang nilapitan ang bangkay ng kaninang sumugod at sana'y papatay sa akin

"He's a werewolf" aniya, "A rogue one" dagdag niya pa

"Why did he attack me?" I asked

"It's either ikaw ang natyempuhan niya o may nag utos sa kanyang patayin ka" sagot niya habang matamang nakatitig sa akin. Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.

Alam ko ang tungkol sa mga rogue wolves. Parang sila ang mercenaries rito sa aming mundo. Gagawin nila ang kahit anong ipag uutos mo kapalit ang pera

"Someone wants me dead?" I gasped. Bakit? Anong ginawa ko?

"Damn it!" Mura niya sabay may binulong sa sarili na hindi ko maintindihan. Humarap siya aking muli ng nakapameywang.

"I need you alive hanggang sa magawa mo ang pinapagawa ko. Pababantayan kita" aniya sabay buhat sa bangkay ng lalaki sa balikat niya na parang sako.

I'm kind of offended sa sinabi niya. But as if my aasahan akong magandang salitang lalabas sa bibig niya so I ignored it

"Where are you taking him?"

"Ililigpit ko. Everyone will freak out if they see  a dead body here" he said as he fished his phone out of his pocket at may tinawagan gamit yun

"Pumunta ka rito sa likod ng building. May pababantayan ako sa'yo" aniya at agad tinapos ang tawag

"I don't need a babysitter. I can take care of myself" ani ko at umirap nang bumaling ulit ako sa kanya ay nakita kong nangingisi siya habang tinitingnan ako.

"With that attitude, I'd think otherwise little girl" aniya at may bahagyang nilingon sa gilid, "He's here"

At sabay noon ang pagbukas ng backdoor at paglabas ni Vasil Zaragoza. I know him. He's my loud and annoying seatmate

"Master, I'm here!" He declared at naglakad papalapit kay Malcolm pero agad rin siyang napaatras nang makita ang buhat ni Malcolm, "Bangkay ba yan!"

Malcolm rolled his eyes at inayos ang  pagkakabuhat sa bangkay

"Ililigpit ko lang ito. Bantayan mo siya ng maigi Vasil" turo sa akin ni Malcolm saka naman ako nilingon ni Vasil

"Oh, hi Kayla" bati niya at ngumiti lang ako ng tipid bilang tugon.

"I'll be back" ani Malcolm at umalis na. Dinampot ko naman ang mga gamit ko para pumasok na sa loob. Ramdam kong pinapanood ako ni Vasil.

"You don't have to do this" sabi ko ng hinarap ko siya, "I can take care of myself"

"I know you can" ikinagulat ko ang pag sang ayon niya sa sinabi ko, "I know you. Nakikita na kita noon. You're a tough girl who depends on no one. Sure you can take care of your self pero..." Nagkamot siya ng ulo at lumaki ang ngisi, "Sinabi na ni Master eh. Di pwedeng di sundin" aniya at humalakhak siya.

What is he? Malcolm's lap dog? Napangiwi ako. Hindi ko ata kayang sikmurain ang ginagawa niya. Naglakad na ako at iniwan siya roon pero agad niya rin akong sinundan. He's tailing me like a dog! Mabuti na lamang at hindi niya ako kinukulit.

Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng may naalala ako. Halos sabunutan ko ang sarili ko nang mapagtantong wala akong kaide-ideya tungkol sa spell na sinasabi ni Malcolm na specialty kuno ng pamilya ko. Now where the fuck am I going to find that?

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon