Chapter 94

250 5 1
                                    



Astrid Agatha

"Binenta mo ang kapatid mo Malcolm!?" Sigaw ko sa nakaupong si Malcolm. Nakatayo ako sa harapan niya, his hands on my waist. I told him I want to know everything that happened between Kayla and him and Clad, kaya narito kaming muli sa kanyang kwarto upang pag usapan iyon.

Mas nagngitngit ako sa galit ng makitang wala man lang siyang pagsisi sa mga nagawa niya, instead he looked like an arrogant prince who's sitting on the couch comfortably. Damn bastard!

"Why not? If it means having you back I'd gladly sell just anyone including my brother" kibit balikat niya

Halos mapapadyak ako sa sobrang frustration, "You didn't change at all! Napaka selfish mo pa rin, Malcolm!"

"I didn't see anything wrong with what I did, Astrid" may diin niyang sabi sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at wala sa sariling tinaggap ko ito. He made me sit on his lap. Hinahaplos ang kamay ko. At inaamin ko medyo nabawasan ang inis ko sa ginawa niyang iyon.

"I didn't think it was wrong, baby. Kayla wants to know who was the murderer in Salem months ago, and I happen to know who. That's why I used that to my advantage to make her help me get you back. Kung hindi ko ginawa iyon, hindi kita makakasamang muli"

"That's why it was wrong, Malcolm" he really has his way of making his good intentions seems bad.

"I told Kayla she shouldn't get too close with Clad. I also warned Clad to stay back. Hindi ako nagkulang ng paalala sa kanila. They just wouldn't listen. And I..." My eyebrow shot up ng halos hindi niya madugtungan ang kanyang sasabihin

"I really have no intentions of telling her that it was Clad who murdered her mother. I have at first, but then I changed my mind. I was about to lie to her but then Clad blew it up and told her, himself. You see, baby it wasn't my fault"

I sighed, "What's going to happen now? You said she fell with him"

"Who knows?" He shrugged, "Malalaki na sila at parehong marunong magdesisyon ng para sa sarili nila. Let them deal with their own problems"

Tumango tango ako. Oo nga naman, they're both responsible adults. May punto si Malcolm.

Isang katok mula sa pinto ang nagpatayo sa akin mula sa pagkakakandong ko kay Malcolm. Nakita ko ang pag alma sa kanyang mukha. Pumihit ang seradora at pumasok si Vasil.

"Woah! Bumalik ka na nga, Astrid Turner" masayang bati ni Vasil saka tuluyang pumasok sa loob ng silid.

I smiled genuinely. Alam kong nitong nakaraang buwan ay hindi niya iniwan si Malcolm. At malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil doon.

"Oo. Maraming salamat sa pagsama mo kay Malcolm, Vasil"

"It was nothing. I had fun watching master desperately calling your name every time he's drunk" aniya at humalakhak. Ngumisi rin ako at nilingon si Malcolm na matalim ang pagkakatitig kay Vasil. Obviously, hindi niya nagustuhan ang paglalaglag ng kaibigan.

"Shut your mouth, Vasil" may diin niyang sabi rito, "Why are you even here? Hindi ka kailangan dito"

"Nagpunta ako rito upang ibigay ito" aniya sabay lapag ng isang sobre sa harapan ni Malcolm

"Sino ang nagbigay nito?" Ani Malcolm habang binubuksan ang sobre at kinuha sa loob nun ang isang papel.

"Si Clad, he went to my house earlier. Ipinapabigay niya ang sulat na iyan sa iyo, master. Kaya naman agad akong nagtungo rito. Express delivery"

Agad nagsalubong ang kilay ko, bakit naman magpapaabot ng sulat sa amin si Clad through Vasil gayong kasama naman namin siya rito sa bahay? At umalis siya? Hindi ko napansin.

"What does the letter say, Malcolm?" I asked. Kinakabahan ako sa kunot ng noo ni Malcolm. Alam kong hindi kaaya aya ang laman ng sulat na iyon ni Clad

"He's gone" ani Malcolm at gumanti ng titig sa akin, "At hindi na siya babalik"

"Why would Clad Bloodworth leave?" Isinatinig ni Elizabeth ang kanina pang gumugulo sa isipan ko. Narito kami sa kusina at naghahanda ng makakain. The boys were outside at hinahanda ang lamesa sa may gilid ng pool. The Bloodworth mansion is a sight to behold, I have to say.

"Hindi ko alam, Eliz" sagot ko naman saka ipinasok sa oven iyong lasagna.

Humarap sa akin si Eliz, "Hindi kaya dahil sa inyo ni Malcolm? He's in love with you pero si Malcolm naman ang mahal mo. He can't stand watching you both kaya umalis na lamang siya" aniya. Naisip ko rin yan kaya naman sobrang sama ng loob ko. I'm guilty anyway

"I actually don't have any idea pero sana naman h'wag ganun. Maybe he has to leave to clear his mind remember what happened to him and Kayla? Yung ikinuwento ko sa iyo"

"Right! Yung gulo rito kaninang umaga, di na ako nakiusisa. I'm too sleepy and tired to give a damn. Natulog na lang ako ulit" kibit balikat niya saka muling hinarap ang mga hinihiwa.

I smirked, "Right, bumalik ka nga pala uli sa kwarto ni Morgan noon" I teased at nakita ko ang pagkakatigil niya. Kaya naman natawa ako ng malakas.

Natigil lamang iyon ng mapatalon si Eliz sa gulat dahil sa howl na narinig namin mula sa labas.

"Ano iyon!" Medyo hysterical niyang sigaw? I'm shocked actually to see that kind of reaction from her. Tutok na tutok siya sa labas ng nakabukas na bintana at tila ba ikinakatakot niya ang maaring pumasok roon.

Naglakad ako upang isara ang bintana saka siya muling hinarap, "Calm down, Elizabeth. Hayop lang iyon" I assured her

She calmed down a bit pero ramdam kong tensyunado pa rin siya. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at sumandal sa counter. Naihilamos niya kanyang palad sa kanyang mukha. And I couldn't help but wonder, ano kaya ang gumugulo sa isipan niya?

"That's a wolf's howl, hindi ba?" She asked

Tumango tango ako, "Yes. It's full moon kaya siguro ganoon" ani ko at tiningala ang maliwanag at bilog na buwan mula sa bintana. Nilingon kong muli si Elizabeth, "What's wrong?" Tanong ko ngunit hindi agad siya nakapagsalita.

Umayos siya ng tayo at tiningnan akong mabuti, "Astrid, wala bang kakaibang nangyari sa'yo mula nang makabalik tayong muli rito?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"I've been having nightmares...about a wolf" she said, "Tingin mo, bakit kaya?"

Bago ko pa man masagot ang tanong ni Eliz ay dumating na si Morgan at naagaw niya ang atensyon ng aking kaibigan.

"How's the food coming?" Masiglang sabi ni Morgan at agad na dumiretso sa tabi ni Eliz.

Saka lamang tuluyang kumalma si Elizabeth ng makita ang warlock. It's like he took all her inhibitions away just as simple as that.

I smiled as I watched them silently but that smile faded when the howling came again. Napalingon akong muli sa labas ng bintana. I don't think it meant anything. I hope so.

---End of Salem---

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon