Chapter 62

160 5 0
                                    

It will always be Clad Bloodworth

Astrid

"That was a very good show! Kudos to you all" Karina Lancaster said at pumalakpak pa ang walang hiya.

"You did this!" Ani Malcolm, "Binuhay mo si Isabel. Sinaktan mo ang kapatid ko. Para saan, ha! Para saan?!"

Karina's smile faded. Nilingon niya ang kanyang mga kapatid. Si Kalum na tahimik lamang at walang binibigay na ekspresyon. At si Kaleb na humihikab at may yakap na stuff toy bago muling hinarap si Malcolm.

"You were our mother's children. She left us for you!"

"Wala siyang ala-ala sa inyo. Ni hindi nga niya kayo nabanggit sa amin"

"She's forgotten at hindi na nag abala pang makaalala ulit. She's completely forgotten us because of you and you're son of a bitch's father! You ruined our family! So we're going to ruin yours!"

"Is that it? Just for revenge Karina?" I asked at agad na nabaling sa akin ang matatalim niyang mata

"This isn't just some 'revenge,' Astrid Turner. We've spent 500 years to make this happen" she answered.

Natigilan kami nang biglng tumawa si Malcolm. As in yung tawang tawa na para bang kinilikiti siya.

"You wanted to ruin our family? Damn, you're making me laugh so hard!" At tumawang muli. Nakita ko kung paanong naging iritable si Karina sa inasta ni Malcolm.

"Ah" kumalma si Malcolm mula sa pagtawa at may kung anong pinahid sa kanyang mata. Hindi nawala ang nanunuyang ngiti sa kanyang labi nang muli niyang balingan ng tingin ang kapatid, "Our family was ruined way before you executed your plan, dearest sister"

"I heard about what your father did after our mom went missing. We're still looking for his body. And then there's you and your brother. The inseparable Bloodworth brothers. I just know we have to ruin you"

"Inseparable? Mali ang akala niyo. I'm stuck with this idiot because I have no choice. You see, we weren't really that tight like you thought we were. May lamat ang relasyon namin" Malcolm paused, "What you did accomplished nothing. All of these didn't make any difference at all"

"Yan ba ang akala mo, Malcolm?" May panunuya sa tono ni Karina at nang lumingon siya sa aki'y mas nagsalubong ang aking kilay, "Ano sa tingin mo, Astrid Turner?" She asked me, "Wait 'til Clad wakes up. You see, I casted a spell on him para mapasunod siya sa kahit anong gustuhin ko. Mapasunod siyang mas bigyan ng pansin si Isabel kaysa sa ibang bagay. He wasn't completely 100% in control of his body these past few weeks. His decision was influenced by me, lalo na ang desisyon niyang makipaghiwalay ng tuluyan sa'yo, Astrid Turner" she paused, "I couldn't forget that day. Iyon ata ang pinakamahirap na impluwensyahang desisyon ni Clad. Halos mawalan ako ng kontrol! Clearly he didn't want you to go" suminghap ako at napatingin sa mukha ni Clad, "What are you going to do? Hindi bat kayo na ni Malcolm? Naging mahina lang si Clad ay nagawa mo siyang iwan at ipagpalit sa mismong kadugo niya!" She chuckled, "You're so heartless" iling iling niya

"Shut the fuck up, Karina!" Alma ni Malcolm, at sa kanya naman ngayon natuon ang titig ng kapatid

"How about you, dearest brother? I bet gustong gusto mong mabasa ngayon ang kung ano man ang tumatakbo sa isipan ng girlfriend mo? Will she leave you or not? Babalik ba siya kay Clad o ikaw ang pipiliin niya?"

"Tangina! Sabing tumahimik ka!" Sigaw ni Malcolm, halatang nawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili na siya namang sobrang ikinatuwa ni Karina

"Do you think this isn't effective? Cause I think it is. And it's all thanks to you, Astrid Turner. I told you, you'll be the one who'll ruin them" aniya at saka ako kinindatan bago sila naglaho.

Naiwan kami roon apat nina Malcolm, Victoria, at Clad.

"Sila iyon? Yung nasa vision ni Olivia" ani Victoria na para bang nasasagot na sa wakas ang lahat ng kanyang katanungan. Tumango ako at sinubukang buhatin si Clad papasok sa loob ng sasakyan. Malcolm saw me at agad na tinulungan.

Nang maipasok namin si Clad sa kotse ay agad kong sinara ang pinto. Pumuwesto na si Victoria doon malapit sa pintuan ng driver nang magsalita si si Malcolm sa tabi ko.

"When Clad wakes up, sasabihin natin sa kanya ang tungkol sa relasyon nating dalawa" ani Malcolm na para bang dapat ko itong sundin at wag nang umapela pa. Pero...

"Malcolm..." I trailed at agad kumunot ang noo niya. His face even expressed pain sa simpleng pagtawag ko sa pangalan niya. Maayos niya akong hinarap habang nilingon ko naman si Clad sa loob ng kotse.

"Ano, Astrid Turner? You didn't want to do that?" Pag akusa niya, "Ano? Itatago pa natin kay Clad ang nararamdaman natin sa isa't isa?" He asked. Mariin akong napapikit bago nagsalita.

"Hindi sa ganun. We'll tell him eventually. Just not now"

"Bullshit! Tell him now, tell him later! What difference could it make? Malalaman at malalaman pa rin niya!"

"He's hurt Malcolm! Kung totoong ayaw niya nga ang paghihiwalay naming dalawa, sa tingin mo ba'y hindi siya masasaktan?"

"He'll get hurt anyway bakit patatagalin pa? Bakit itatago pa?"

"Jesus! All I am asking is for you to be considerate of your brother's feelings!" Frustrated kong sigaw, di na namin alintana kung naroon man si Victoria at nakikinig sa pagtatalo naming dalawa.

"How about my feelings, huh?" He asked at nalaglag ang aking panga. Natameme ako at hindi nagawang makapagreact agad. He looked so hurt and it breaks my heart, "Paano ako? Yung nararamdaman ko? Kinonsider mo ba? Kailan mo kaya uunahin yung nararamdaman ko? Yung ako naman, Astrid! Akala ko ba mahal mo ako? Bakit si Clad pa rin ang pinipili mo?"

"Malcolm, I..." It's funny how his pain could easily break me, bent me. I wanted to beg. Gusto kong lumuhod at magmakaawa na hindi ganun ang ibig ko. It's not like that, baby! I silently plead.

"No...Naiintindihan ko. It will always, always be Clad Bloodworth. I remember it clearly, Astrid Turner. You don't have to explain"  he sighed, "Bumalik ka sa kanya. Pero gusto kong malaman mo na wala ka nang babalikan pa sa akin. I'm tired of being a fool just because I'm so in love with you" he wasted no time at agad na naglaho sa aking paningin gamit ang kanyang bilis.

Naiwan akong tulala at di makagalaw. I felt a tear escaped my eye but didn't mind.

"Susundan ko si Malcolm" rinig kong sabi ni Victoria at agad ring naglaho tulad ni Malcolm bago ko pa man siya magawang lingunin. Ang nakita ko na lamang roon ay ang susi ng kotseng iniwan niya sa atip nito.

She left at sinundan si Malcolm...para akong nawalan ng lakas at napaluhod. Nagpakawala ako ng isang hikbi at hindi na napigilan pa ang patutuloy tuloy nito.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon