Chapter 49

166 5 0
                                    

Lies

Astrid

I woke up this morning with a heavy heart at iyon ang hindi ko maintindihan. Lahat ng nasa paligid ko ay mapayapa naman. Maganda ang araw at higit sa lahat ay wala nang hunters o prodigy na magtatangka sa aking buhay.

Bumaba ako at nadatnan si Malcolm na maingay na nanonood ng isang football game sa tv. Yakap yakap niya ang isang bowl ng popcorn at mag isang pinapapak ito. Di ko na lang siya pinansin.

I headed towards the kitchen kung saan sinalubong ako ng halik ng isang bihis na bihis na si Clad

"Good morning, love. I made you breakfast" aniya

"You going somewhere?" I asked habang kagat kagat ang tinapay na pinalamanan niya ng peanut butter. Hindi siya nakasagot agad kaya kumunot ang noo ko

"I'll just run some errands" he said, "I'll leave after you've eaten" tumango tango ako at nagpokus na lamang sa pagkain

Pagkatapos ay hinatid ko si Clad sa pinto, luminga linga ako sa paligid ng may napansin ako, "Di pa ba nakakabalik sina Eliz?"

"I'm sure they'll be back soon. Please don't worry yourself too much" sagot ni Clad at saka muli akong hinalikan sa noo, "Babalik rin ako" aniya at umalis na

"Bye" sabi ko kahit wala na siya at saka sinarado ang pinto

Bumalik ako sa loob kung saan nadatnan kong ganoon pa rin ang ginagawa ni Malcolm

"Looks like it'll be only me and you today, Astrid Turner" nanunuyang sabi ni Malcolm. Napangiwi ako

"Don't start, Malcolm. Maaga pa. Wag mo akong bu-bwisitin. Pwede ba?" Ngunit humalakhak lang ang loko

"I'm not!" Tanggi niya, "I'm just simply stating a fact na tayong dalawa lang ang magkasama ngayon sa bahay na ito" ngisi niya

Tumango tango ako, "Oo nga. The universe must've cursed me or something"

"Ouch! You dislike me that much, huh?"

"No" iling ko, "I hate you this much" at bigla kong naalala ang paghahalikan nilang dalawa ng Victoria na iyon. Napakababaw ng salitang dislike para sa bampirang tulad ni Malcolm.

"Kabig ng bibig, tulak ng dibdib" aniya, "You always say what you want but don't mean it. You say you hate me when we both know that you don't. Why, aren't you a pretty little liar, Astrud Turner?"

"Maybe your right" suminghap pa ako kunwari, "I don't hate you but then I don't love you either" I pouted, "Right, I just don't care about a narcissistic vampire like you, Malcolm Bloodworth" napangisi ako nang makitang nawala na ang panunuya sa kanyang itsura. Umigting ang kanyang panga at tumalim ang kanyang titig

"Lie" he said

"No" ani ko naman

"Oops! There's another lie" bumalik ang ngisi sa kanyang labi. Ako naman ngayon itong nabubugnot. I hate it when he can easily get through me. Kainis!

"I hate you!" Sigaw ko at mas lalong lumiwanag ang mukha niya

"Didn't you just said that you neither love nor hate me? That you don't care about me? Why you lied again, baby" tawa niya

Sinugod ko siya at pinagpapalo ng throw pillow. Sinasangga naman niya gamit ang kanyang braso ang bawat hampas ko hanggang sa hinuli niya ang mga kamay ko at natigil ako sa pag atake.

I didn't mind the little distance between our faces. Nasanay na ata ako. He run his thumbs into my bottom lip. Kinakapa ko pa rin ang pag aayaw ko. But I can't find it. I let him do the things he's doing to me

"If you were mine, I would've kissed your lips clean. It's not good to lie, Astrid Turner. Sooner or later you'll drown in your own lies and lose yourself" he said

"But you always lie" I whispered

Ngumisi siya, "Believe it or not I have good reasons why I lie" aniya at inangat ang tingin sa aking mga mata, "Can we go just one day without bickering? I want to spend this day with you in peace" he said

Saglit akong nag isip pero sa huli ay pumayag din, "Fine. Just one day" pagsuko ko

***

Clad

Meet me in the plaza. 10 o'clock in the morning. Sharp. -K.L

Paulit ulit kong binasa ang munting papel na nasa aking mga kamay. Narito ako ngayon sa sinasabing tagpuan sa sulat. And I can't understand bakit nga ba pinaunlakan ko pa ang sulat na ito.

Nang magising ako kaninang umaga ay nakita ko ang sulat na ito sa aking bedside table. Wala akong ideya kung saan ito nanggaling o kung pano ito napunta sa aking lamesa. O kung sino ang K.L na nagpadala ng sulat na ito.

"Wow!" Nilingon ko ang babaeng suminghap sa aking gilid, she looked familiar. She looked like someone I know from my childhood. Pero...

"You look just like her!" Nagulat ako nang lumapit ang babae at saka ikinulong ang pisngi ko gamit ang kanyang palad

Agad kong inalis ang nga kamay niya at umatras palayo sa kanya

"Sino ka? Ikaw ba ang nagpadala ng sulat na ito? Anong kailangan mo sa akin?" I asked

Mahinhin siyang tumawa, kahit ang tawa niya ang nagpapaalala sa akin sa taong iyon. Anong ibig sabihin nito?

"I'm Karina Lancaster" she said, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang idudugtong niya sa pangalan niyang iyon, "Your older half sister"

"W-what?" Napailing iling ako. Imposible!

"I don't remember having a sister! You're lying!" Pag aakusa ko

Nanliliit ang mga mata niya habang nakangising tinititigan ako. Everything about this woman reminds me of her! My very own mother! Pero...napakaimposible talaga! My mother loved my father so much hindi niya ito pagtataksilan o baka naman...

"You do not know anything about us because our mother has forgotten us too. Klea Lancaster has forgotten her children and lived a happy life Theokris Bloodworth and their children. She left us" she said, "Ano pa man ay hindi ako nakipagkita sa'yo para pag usapan iyon" aniya pa completely dismissing the topic

"I came here because I have a gift for you, my dear little half brother" aniya at sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay lumitaw ang isang bagay na di ko inaasahan.

No...way. Marahas kong nahigit ang aking hininga habang unti unting pinoproseso itong nakikita ko sa harapan ko.

"Why? You don't like it, brother?" Karina asked, her smirk is pissing me off big time! Galit ko siyang nilingon at sinigawan

"What kind of sick joke is this!" And why is Isabel standing right in front of me? How did this happen!

"Poor Isabel, looks like Clad Alexander has forgotten you already" bulong niya sa tenga ni Isabel habang nilalaro ang kanyang buhok ni nito

"Clad" napangsinghap ako nang marinig kong muli ang kanyang boses. It is Isabel! It really is, Isabel!

Tila nagkaroon ng sariling isip ang aking mga paa at humakbang sila papalapit sa babaeng kay tagal ko nang di nakita. Kahit ang aking mga kamay ay kusang umangat upang ramdamin ang mapupula niyang pisngi.

Hindi ko maipaliwanag pero narito nga siya! Nahahawakan at nararamdaman ko

Pero hindi ko maintindihan. She's supposed to be dead.

Isabel smiled at me at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. A tear fell from her eyes as she kissed my palm.

"It is me, Clad" she said in a soft whisper

"Isabel" sabi ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

--End of Saphore--

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon