Chapter 48

175 5 0
                                    

Behind that Door

Elizabeth

"Maayos naman ang uniform niyo. Siguradong walang makakakilala sa inyo. Disguise, check!" Ani Vasil at tumango tango pa. Napairap na lamang ako sa kawalan. He's been checking and rechecking everything for the past ten minutes. Ayaw niyang umalis hanggat hindi nache-check ang lahat

"Tapos alam niyo na rin---"

"For blood's sake, Vasil!" I interrupted at saka ko narinig ang mahinang halakhak ni Morgan sa gilid. But I have no time for him dahil sigurado akong ipapaulit na naman sa amin ni Vasil ang do's and don'ts sa loob ng headquarters, nakakailang recite na kami noon, "Stop over-reacting. We wasted ten minutes dahil jan sa mga do's and don'ts mo. Ilang metro na lang ang entrance ng HQ o!" Tinuro ko ang malaking gate na may tatlong hunters na nagbabantay, "Utang na loob! Pumasok na tayo nang matapos na ito" ani ko at saka bumunghalit sa tawa si Morgan. Ugh!

"S-sorry, Elizabeth. Talagang kinakabahan lang ako" aniya at humawak sa dibdib, "First time kong magpapasok ng intruder sa HQ. Sigurado akong itatakwil ako ng tatay ko pag nalaman niya ito"

"Vasil" napalingon kami sa kay Morgan na biglang nagseryoso, "Alam mo bang ito ang unang training mo kay Malcolm. He asked me to observe you during this mission and report back to him. Eto ba ang gusto mong sabihin ko sa kanya? Na naduduwag ka?" He asked

Nakita ko kung paano namutla si Vasil sa narinig. Agad nagbago ang itsura niya pagkabanggit sa pangalan ni Malcolm. He admires him that much, huh. Mula sa pagiging kabado ay naging determinado ang kanyang mukha.

"Hindi, sir Morgan!" aniya, "Tayo na po sa loob" at nauna siyang naglakad. Sumunod naman kami.

Humilig ako ng kaunti kay Morgan at bumulong, "Totoo bang sinabi 'yun ni Malcolm sa iyo?" I asked

"No" ngisi niya, "Wala namang pakialam ang gagong yun sa hunter na ito eh" at muli siyang tumawa

Napasapo na lamang ako sa aking noo. Damn! Mababaliw talaga ako sa mga lalaking kasama ko rito!

Morgan said nothing about this mission. Ang sabi niya lang ay kailangan naming mainfiltrate ang HQ at may hahanapin kami sa loob. Pero hindi na siya nagpaliwanag pa but I think may kinalaman ito sa mga witches na tumutulong sa mga hunters--- ang strygx ayon sa narinig ko mula kay Kieran. Morgan's been asking infos about them. I wonder why he wants to meet them so bad? Kung sabagay, ang alam ko ay sinisisi ng mga bampira ang coven nina Morgan na siyang tumutulong sa mga hunters. I guess he wants to clean their coven's name and reveal the witches na siyang talagang may sala.

It's kind of heart warming, actually, na malamang mahal na mahal pa rin ni Morgan ang mga witches na nagcondemn sa kanya, at pinapangalaagaan pa rin niya ang mga ito.

He should've been respected and loved. Wala naman siyang kasalanan. So what if he's a fruit of something immoral. Hindi naman siya ang gumawa noon. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkainis sa mga witches doon sa kanila. Ang kikitid ng utak.

Naging maayos naman ang pagpasok namin sa loob. Everything went smooth. Nasa unahan si Vasil, ako ang sumusunod habang si Morgan naman ang huli. Kanina pa rin kami nakakasalubong ng mga hunters pero dahil sa  disguise namin ay hindi nila kami pinaghihinalaan.

Napatingin ako sa dalawang hunters na makakasalubong namin. Pansin ko ang lagkit ng tingin nila sa akin. Teka...bakit? Di ba gumagana sa kanila itong disguise ko. Kabado ako nang tuluyan magkakasalubong na kami, saka lang ako nakahinga nang makalagpas sila sa akin. Buti na lang. Ngunit agad rin akong nakaramdam ng iba sa aking likod. Pagkalingon ko'y nakataas na ang kamay ni Morgan at nagbabagong anyo ang dalawang hunters kanina

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon