My Brother's Girl
Astrid
Humihikbi ako habang nagmamaneho pa uwi. Maraming naglalaro sa isipan ko. At sa bawat paglipas ng segundo pakiramdam ko'y natitibag ang paniniwala ko kay Clad.
Paano kung tama si Malcolm? Paano kung binuhay nga ni Clad si Isabel at siya nga itong pumapatay sa Salem upang patuloy na mabuhay ang babaeng minsan niya nang minahal ng lubos?
Muli ay natawa ako ng mapakla. Minsan? Hindi ko sigurado kung minsan nga lang bang minahal ni Clad ang babaeng yun. He must've been in love with Isabel, still kahit nung mga panahong sinasabi niyang ako ang mahal niya. But can I blame him? Should I blame him? Gayong maging ako ay...Shit! Ano bang pinag iisip mo, Astrid Turner?
Iniisip ko pa lang na mahal ko ang hinayupak na iyon ay parang gusto ko nang maglaslas. Bwisit! Bwisit siya!
Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? I can't even remember. Nagsimula akong sigurado sa pagmamahal ko kay Clad and now...I'm confused. At dahil iyon kay Malcolm. Ang tanga mo, Astrid! Paano ka nahulog sa halimaw na iyon? Paano mo nagawang umibig sa magkapatid na iyon? Paano...Paanong pakiramdam ko ay higit ang pagmamahal ko kay Malcolm kesa kay Clad? Paanong gagawin ko ngayon? I can't be with Malcolm dahil may unawaan pa kami ni Clad and he's an asshole. Argh!
Sa sobrang pag iisip ko ay di ko namalayang nasa Saphore na pala ako. Agad kong niliko ang kotse sa daan pauwi sa bahay ni Vasil. Madilim na rin ang kalangitan ng makauwi ako. I wonder if he's okay? Mali. Sinaktan niya ako sa kanyang mga sinabi kaya nararapat lang sa kanya iyon.
Tapos na akong kumain at lahat lahat ay wala pa ring Malcolm Bloodworth na pumapasok sa pinto. Dala ko ang aking kumot at unan sa sala upang doon tumambay at maghintay sa kanyang pagdating.
Pinukpok ko ang aking ulo sa sobrang gulo nito, "Iniwan iwan mo siya doon ngayon ay naghihintay ka rito?" Pangaral ko sa aking sarili. Walang duda, ako na ang dakilang tanga.
Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nang magtama ang aming paningin ay agad tumaas ang kilay niya. Para akong lalagnatin dahil pakiramdam ko'y alam niya ang dahilan kung bakit bigla bigla ay naisipan kong magcamping rito sa sala.
Natatarantang sinikop ko ang aking unan at kumot upang takasan ang kahihiyang dinala ko sa aking sarili ngunit natigilan ako ng bigla ay nagsalita siya
"Hinihintay mo ako?" He asked. Saglit akong nagipon ng kapal ng mukha at binitawang muli ang mga hawak kong kumot at unan saka ko siya hinarap ng nakapameywang
"Hindi" pagtatanggi ko, "Gusto kong manonood ng movie" at nilingon niya at nakapatay na telebisyon. Hindi rin ito nakasaksak kaya mas lalong tumaas ang kilay niya at ngayon ay may naglalarong ngisi sa labi niya, "Bago ko lang kasi naisipan kaya hindi ko pa nabubuksan yung tv. Kaso nagbago na isip ko kaya matutulog na lang ako" ani ko saka siya inirapan
"Ano bang movie ang gusto mong panoorin?" He inquired politely habang naglalakad siya papalapit sa tv at nagbrowse ng movieng pwedeng panoorin doon. Natanga ako sandali, wala naman talaga akong balak panoorin eh. Pinapasubo talaga ako ng lalaking ito.
"Hindi ko alam" wala sa sariling sagot ko and I heard him chuckled. Damn, Astrid Turner! Tanga mo talaga! Ngayon ay pinagkakatuwaan niya ang katangahan ko. Asar!
"Ano! Ang ibig kong sabihin ay kahit anong pwedeng panoorin dyan" pabagsak akong muling naupo at humalukipkip
"Then we'll watch this one" aniya at pinlay yung movieng napili niya. Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa tabi ko. Agad ko namang pinulupot ang kumot sa katawan ko. Nagulat ako nung inaagaw niya ang kumot ko
"Ano!" Asik ko sa kanya at tumawa lamang siya
"Pa-share" aniya at hinayaan ko na lang. Nakakainis! Hindi ba ay magkagalit kami? Dapat ay galit ako sa kanya. Pero isang kita ko lang sa mukha niya natutunaw na yung galit na inaalagaan ko. Bumabagsak na yung pader na tinatayo ko para di siya makapasok.
I hate how he can easily get to me. Kaya niya akong manipulahin kung nanaisin niya. And I'm afraid that he'll know this kind of power he holds over me. Natatakot akong malaman niya ang tungkol rito sa nararamdaman ko. Ang malaman niyang siya talaga ang tinitibok ng aking puso.
"I'm sorry" I heard him say kaya nahigit ako mula sa pag iisip ko. Ni hindi ko nga napansing nasa kalagitnaan na pala kami ng palabas.
Nilingon niya ako at muling nagtama ang aming paningin, "I'm sorry" ulit pa niya, "Hindi ko sinasadyang sabihin yung mga nasabi ko kanina. Nagpadala ako sa selos. I saw how hard you were trying to fight for Clad's innocence at nag alab ang kaloob-looban ko. I hate seeing you taking his side with no questions, no hesitations. I hate how protective you are with him. I want you to do the same for me. I want you mine, baby. But it's obvious that you are still his. You're still my brother's girl, right?" Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib, "Malayo pa ang lalakarin ko. Marami pa akong kailangang gawin- mga bagay na dapat patunayan sa'yo para kahit papaano, kahit paunti unti ay magkaroon ako ng puwang jan sa puso mo" aniya at saka tinuro ang parte ng dibdib ko kung saan ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso, "My brother loves you. And I hate that you love him too. Because I'm so damn much in love with you, too"
"Malcolm---" hindi ko na rin nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil bigla ko nalamang naramdaman ang malalambot niyang labi sa labi ko. Naluluha ako dahil damang dama ko ang kanyang sinseridad at pagmamahal sa init ng kanyang mga halik. I've never felt this kind of happiness. Akala ko ay langit na noon ang malamang mahal ako ni Clad, kung ganoon ano itong pagmamahal sa akin ni Malcolm? Nalagpasan na yata nito ang mga langit. I'm totally, and definitely lost with his love.
Mabibigat ang aking paghinga nang tumigil siya sa paghalik. Inihilig niya ako sa kanyang dibdib kung saan malinaw kong naririnig ang tibok ng kanyang puso, "It's late, baby. Sleep" aniya. At ang mga salitang iyon ay parang hele'ng nagdala sa akin sa pagtulog.
I badly want to tell him, "You have taken away my heart. You've conquered it with your love. I am no longer your brother's girl, baby for I am yours now completely" pero mukhang sa panaginip ko na lang muna mapapahayag ang aking damdamin para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/50968253-288-k873329.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampireAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...