Chapter 55

136 5 0
                                    

Invitation

Astrid

Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Malcolm. I don't want to be alone. I need his company.

Bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha niya, "Tingnan mo nga naman ang panahon. Now it's Astrid Turner's turn to knock on my door. Come in" he said at pumasok ako saka naupo sa kama niya.

"You never knocked at my door" sabi ko

"Right. Basta lang ako pumapasok" ngisi niya

"Mabuti naman at alam mo!" Umirap ako saka humalukipkip. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang silid, simple at malinis. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang humilig sa cabinet na kaharap ng kanyang kama, pinapanood ako.

Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata, "What brings you here?" He asked

Bumuntong hininga ako at humiga, "Clad and I talked" sabi ko

"And?" Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa akin. And then I saw him sitting beside me

Dinudungaw niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. I wonder if he always look at me that way. Ngayon ko lang kasi ito nagawang pansinin

"We broke up" I said almost in a whisper. I watched how his eyes grew wide in disbelief

"What? Why?" Halos natataranta niyang tanong, "Is it because of Isabel?"

"That---" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin nang muli niya akong inatake ng sunod sunod niyang mga tanong.

"Are you hurt? Are you okay? Did he made you cry? Damnit, Astrid Turner! Fuck! Did the douche made you cry?" Natanga ako sa ikinikilos niya. I didn't know he'd be this concern about my feelings, "Answer me!" He shouted

Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pag ngisi at saka hinawakan ang magkabilang braso niya, "Calm down" I said, "We both agreed to it"

"What?" Aniya, "Pero bakit? Hindi ba ay mahal niyo ang isa't isa?" Ngumuso ako, hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. I thought he's in love with me. Bakit mukhang di ata siya natutuwa sa balitang hiwalay na kami ni Clad at marami pa siyang tanong

"Mas pinili niya si Isabel kesa sa akin..."

"I'm really going to kill that bastard!---" akmang tatayo na siya para sugurin si Clad pero hinila ko siya pabalik upo sa kama

"And I'm in love with someone else now" nakita ko siyang natigilan saka dahan dahan akong nilingon

Kagat niya ang pang ibabang labi kaya nagtagal ang titig ko roon, "What did you say?" He asked

Napaangat ako ng tingin sa kanyang mga mata, "You're wrong. I'm no longer in love with Clad Bloodworth. I..." Muli ay bumaba ang tingin ko sa kanyang labi, "I'm in love with someone else now" sabay baling ulit ng tingin sa kanyang mga mata only to find out they were staring at my lips! Oh god!

"Who?" Tanong niya pa as he reached formmy cheeks and caressed it, "Who has your heart now, Astrid Turner?"

Napakagat labi ko at nakita ko kung paano pa mas tinitigan ni Malcolm iyon, "You" I answered at agad siyang ng angat ng tingin sa akin, "You have my heart now, Malcolm Bloodworth"

Akmang hahalikan niya na ako. I closed my eyes anticipating the kiss pero bago pa man lumapat ang kanyang labi sa aking ay may narinig kaming katok mula sa pinto at sinundan iyon ng boses ni Isabel

"Malcolm, narito ang mga kapatid niyo" sigaw niya mula sa kabilang side ng pinto.

Sunod sunod na nagmura si Malcolm, "Tangna'ng timing yan oh!" At naglakad upang pagbuksan si Isabel. Nakita ko pa ang pagkagulat niya nang makita ako sa loob

Nilingon ako ni Malcolm and showed me a half smile, "We'll talk again after I deal with this" he said at umalis

Naiwan ako roon kasama si Isabel na nasa labas ng pinto

"Kayo na ba?" She asked. Kung tutuusin mabait at mahinhin si Isabel. Siguro ako lang talaga itong malupit

Matalim ko siyang tiningnan habang naglalakad ako papalapit sa kanya, "I don't think that's any of your business, Isabel Renee" I said at saka nilagpasan siya

"You should be with him" aniya na nakapagpatigil sa akin ngunit nanatili akong nakatalikod sa kanya, "You should be with Malcolm. Because Clad is mine. He won't choose anyone over me"

Napangisi ako at hinarap siya, "If I'm going to be with Malcolm hindi iyon dahil sa inyong dalawa ni Clad. Kundi dahil iyon ang gusto ko. Dahil mahal ko siya" sabi ko, "And one more thing, wala akong balak makipag agawan sa'yo para kay Clad. Iyong iyo na siya. Saksak mo sa baga mo" ani ko at iniwan siya doong nakanganga

Kaimbyerna! Sino ba siya para diktahan ako? Iniisip ko pa lang na marinig halimbawa ni Malcolm ang pinagsasasabi niya ay talagang ako ang magbabalik sa kanya sa pinanggalingan niyang hukay!

Dumiretso ako sa sala kung saan alam kong naroon si Malcolm at ang mga sinasabing kapatid raw nila sa ina

"So you are Malcolm, our youngest sibling" a girl with curly brown hair said nang sinalubong niya si Malcolm na pababa sa hagdan. Magkasunod lang kami

Pumagitna si Clad sa dalawa, "Malcolm, this is Karina Lancaster. Our sister" pagpapakilala niya sa babae na may malaking ngisi, "And here's Kalum, also our sibling" sabay lahad ng kamay sa lalaking nakapamulsa at nakatayo sa likuran ng tinawag niyang Karina.

I stayed up the stairs at tahimik na pinapanood ang mag anak. Tumango si Malcolm, walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

"Meron pa tayong isang kapatid, si Kaleb" Karina said, "Hindi nga lang siya nakapunta ngayon. He's...busy. Pero mamaya sa party ay naroon siya" aniya at ngumisi ulit

Kumunot ang noo ko. There's something about her smile that gives me a weird feeling.

"Party? Akala ko ba ay family dinner lang ang mangyayari mamaya?" Tanong ni Malcolm

"The plan has changed" kibit balikat ni Karina, "We want to formally introduced the Bloodworth brothers as part of our family. Our friends deserves to know that's why we're throwing a party"

"We came here para iabot ang invitation. You're the guest of honor" sabay tingin niya kina Clad at Malcolm

Inabot ni Clad ang mga imbitasyon dahil di kumilos si Malcolm, "Thank you, Karina" aniya sa babae na sinuklian siya ng ngiti

"Well, we should go. Eto lang naman ang ipinunta namin dito. Aalis na kami" ani Karina at agad dumiretso sa pinto. Nakasunod sa kanya iyong si Kalum.

"Oh! And Clad" tumigil siya para lingunin muli si Clad, "Say hi to Isabel for me, will you? I hope she's still doing fine" umigting ang panga ni Clad habang sinusundan ng tingin ang pag alis ng kanyang mga kapatid.

Napasinghap ako. Paanong nalaman ni Karina ang tungkol kay Isabel? And the way she talks about her para bang alam niya ang nangyayari rito. May kinalaman ba siya sa muling pagkabuhay ng babae? What exactly is Karina and Kalum Lancaster? Hindi ba'y anak sila ni Klea Bloodworth? Kung ganoon...nasa kanila ang sagot sa kung anong klaseng creature rin ang ina ni Malcolm and Clad.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon