Chapter 59

165 5 0
                                    

Death

Astrid

Dali-dali kong hinila si Malcolm paalis ng dancefloor at palabas ng mansyon. Di ko na pinansin ang mga nagtatangkang tingin sa amin ng ibang panauhin. All I know is that I need to get this reckless vampire's ass out of that mansion.

Nang makalabas kami ay siniguro kong walang tao sa paligid at saka ko siya binitawan at hinarap.

"How could you say those things inside that house? Paano kung may makarinig sa'yo? Paano kung marinig ka ng mga Lancaster na iyon? Paano kung may super sensitive hearing din sila tulad mo?"

"Then that means they are not witches" he paused, "They must be something else. A higher being like our mother" he smirked

"They are higher beings" aniya na para bang ngayon niya lang ito napagtanto, "But what kind? I have to find out"

"Anong gagawin mo, Malcolm?" Bumaba ang tingin niya sa akin, he looked surprise for a moment na para bang nakaligtaan niyang naroon nga pala ako, kasama siya.

"Stay out of this, Astrid. This is between me and my mother's children" he said with finality at saka ako tinalikuran. Agad akong umapela at naglakad lampas sa kanya upang harangan at harapin siya.

"What! No way! Sabi mo mas makapangyarihan sila. I can't let you fight this alone. Ayoko! Sasama ako sa'yo" matapang kong sabi. He smiled at me as I try to calm my self down. Itinaas niya ang kanyang kamay at sinundan ko ng tingin ang mga iyon. He caressed my cheek like he would always do.

"I really admire your bravery, baby. Pero di na magbabago ang isip ko. This is my fight. Alone" aniya at muli akong nilagpasan pero hindi pa rin ako sumusuko kaya pinigilan ko siya sa kanyang braso.

"Malcolm...please" I begged. Kumunot ang noo niya at nakitaan ko ng pagkairita ang kanyang mukha

"No, Astrid Turner. I just got you. Who knows what will happen kapag isinama kita sa laban naming ito. I can't afford to lose you. Not now, not ever lalo pa't sinabi mong mahal mo na rin ako. I'm going to keep you even if that means I'll lose my self along the way"

Tikom ang aking bibig habang pinapakinggan siya. Nanunuot sa bawat salita niya ang kanyang sinseridad and it made me speechless.

"Then, at least tell me what you're planning to do" i whispered, mataman niya akong tinitigan na para bang tinitimbang niya kung dapat niya ba akong pagbigyan sa hiling ko. In the end, he did.

"I'm going to save Clad's ass from Isabel and Karina. I have no proof pero malakas ang kutob kong ginagamit nga ni Karina si Isabel upang mapasunod si Clad" wala na siyang idinugtong pa at nang mapagtanto ko iyon ay tumango na lamang ako. Hindi talaga siya magbibigay ng mas espesipikong detalye maliban roon, ano?

He reached for my hand and guided me back to the house where the party is going on.  We stayed there hanggang sa matapos ang party; ako'y nakaupo at mag isa sa table habang si Malcolm ay nangangalap ng dagdag impormasyon tungkol sa kanyang mga kapatid sa kung saan. Kahit man lang sa pangangalap ay hindi niya ako isinama! As if naman may masamang mangyayari sa akin kapag may kinakausap ako. Paranoid boy! So that's it I was alone all night. Bumalik lamang si Malcolm nang nag aya na siyang umuwi.

When we got home dumiretso ako sa kwarto. He called me pero inirapan ko lang siya at di pinansin. I bet he knows by now na nagtatampo ako sa ginagawa niyang pagprotekta sa akin. He's making me feel useless! I want to help! I want to help him. Gusto kong nakikita siya oras oras at alam ko ang galaw niya bawat minuto para di ako mag alala. Pero obvious namang hindi niya iyon maintindihan.

Sa sobrang pag iisip ko ay di ko namalayang nakatulog pala ako nang hindi nakapagpapalit. Nagising ako ng may narinig ako kaluskos at yabag ng sapatos sa loob ng aking kwarto.

Hinagilap ko sa ilalim ng aking unan ang aking dagger. I waited and then without hesitation ay itinapon ko iyon sa kung sino mang narito sa aking kwarto na alam kong hindi si Malcolm, Clad o Isabel.

"Ouch" nagulat ako ng nakitang si Victoria LeBlanche pala iyon. Nakabaon ang aking dagger sa kanyang abdomen.

"What are you doing here" I asked

"Thanks, I really feel welcomed, tvnnir" halakhak niya saka tinanggal ang aking dagger mula sa kanyang katawan at hinayaan itong bumagsak sa sahig

Tumayo ako upang nakapagpalit ng mas komportableng damit. I didn't mind if Victoria's watching me. So what, pareho naman kaming babae

"I came here to talk to Malcolm" she said at muling naglakad lakad paikot sa aking kwarto. Habang sinusuot ko naman iyong shorts at itim sa round neck shirt na napili ko sa closet

"About what?" Bahagya niya akong nilingon at ikinunot ng aking noo ang kanyang pagtawa

"To warn him of course. Olivia's been seeing things" I felt the sudden change in her mood nang banggitin niya ang pangalan ni Olivia

"Akala ko ba ay hindi niya kayang makita ang hinaharap nina Malcolm" if I remembered correctly, sinabi pa iyon mismo sa akin ni Olivia

"That's what we thought too. But I guess, lumalakas na ang kanyang ability but still it's too much for her. She's been in a pretty rough shape since last week. Last week rin niya nakikita ang mga visions niya tungkol kina Clad at Malcolm" ani Victoria, hinarap ko siya ngayon at ganun naman siya sa akin

"And what exactly did she see?" Lumunok ako pero parang ang hirap. May kaba sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. Victoria looked at me intently, at gumanti ako ng titig. I don't know what's running in her mind right now and I'm not sure if I wanted to know dahil nung bumukas ang bibig niya upang pakawalan ang isang salita ay halos gumuho ang mundo ko sa mismong harapan ko. It took my breath away that I couldn't properly breathe.

"Death"

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon