Chapter 38

176 7 0
                                    

No Way Out

Astrid

"And done!" Ani Elizabeth sabay suot noong bag na naglalaman ng mga nabili niyang gamit.

I have one too. Kanina pa din ako nakaayos. Si Eliz lang talaga ang hinihintay ko.

"I can't believe na nakuha mo pang magpagupit ng buhok" sabi ko sa kanya sabay tayo.

She cut her hair hanggang balikat. And it looks good on her. Niyaya niya rin akong magpagupit kanina but I refused. I love my long jet black hair. Ayokong ipagalaw 'to kanino. Itinali ko na lang ito into a ponytail para kahit paano ay hindi maging sagabal lalo na ngayo't we're like refugees here in the city.

"Mas madali akong makakagalaw kapag maikli lang ang buhok ko" aniya. Hindi na ako nakipagtalo. Tama na man siya eh

"We better hurry. Siguradong nag aalala na si Clad" sabi ko sa kanya at lumabas na doon sa staff room. She's just following behind me.

Pagkalabas ko agad nahagilap ng mata ko si Clad na parang kani-kanina pa natataranta.

Sabi ko na nga ba.

"Where have you been!" Ang agad na salubong niya sa amin, "I was worried nang hindi ko kayo agad nakita rito. I thought..."

"Chill, mister" Eliz interrupted, "Walang nangyari masama sa amin. Nasa staff room lang kami kung saan tinulungan kami ng mga staff na makapag ayos"

"Eliz is right, Clad. But I'm sorry kasi pinag alala ka pa namin" I said

"Well we should go. Baka kanina pa din tayo hinihintay nina Morgan at Malcolm" ani Elizabeth saka umuna sa paglalakad. Sumunod din naman kami ni Clad

"You look good" puna ko sa kasuotan niya kahit simpleng white v-neck shirt lamang ito at faded jeans. Kitang kita ko ang bawat bitak ng kanyang muscle. It's...tempting.

"I know" bulong niya sa akin at pareho kaming natawa.

Narating namin ang lugar kung san namin napag usapan magkita kita uli. Sa harap iyon ng isang bar na may pangalan na The Grill. At mula sa salamin nitong bintana ay tanaw na tanaw namin ang dalawa na nakaupo sa bar counter. Nakapag palit na rin sila.

Pumasok na kami at agad umupo si Eliz sa tabi ni Morgan.

"I'd like to have one of what they're drinking" rinig kong sabi nito sa bartender habang iginigiya naman ako ni Clad na maupo sa isang two-seater table malapit lang rin sa kanila kaya nagagawa ko pa ring marinig ang usapan nila.

"You're only seventeen" sita ni Morgan, "Cancel that order" ani naman nito sa bartender

"Why'd you do that!"

"Bawal miss. You're a minor"

"I'm almost eighteen"

"Almost. But your not eighteen yet"

"Just give her the damn drink!" Ani Malcolm na hindi na rin napigilang sumingit sa away ng dalawa

"Yes!"

"No!" Sabay na sabi nina Morgan at Eliz, "Orange juice ang ibigay mo sa kanya" sunod sunod na lamang na napatango ang bartender na kanina pa din naguguluhan sa kanila at agad inasikaso ang order ni Morgan para kay Eliz

"Ni hindi ko nga gusto ang orange juice!" Nginisihan na lamang ni Morgan si Eliz nang ilapag ng bartender ang orange juice sa harap nito.

"Hey" biglang naagaw ang atensyon ko ng hawakan ni Clad ang kamay kong nakapatong sa table

"S-sorry. May sinasabi ka ba?" Ni hindi ko na siya napansin dahil sa pakikinig ko sa tatlo

"Kakain muna tayo rito. Then we'll find a place to stay. Anything you want?" He asked at saka ko naman binalingan ng tingin ang menu-ng na nasa aking harap

Sinabi ko sa kanya ang order ko at saka siya nagtawag ng waiter upang umorder.

Pinagmamasdan ko siya sa bawat kilos niya and I couldn't help but be thankful and proud that he's mine. I mean, ano pa bang ibang mahihiling ko sa isang lalaki? Clad Bloodworth is perfect. He is so perfect for me. He's kind and gentle and everything that's not Malcolm

Oh s-hit! San naman nanggaling yun, Astrid Turner? I couldn't possibly compare Clad to Malcolm. Cause it's obvious that Clad is perfect in any and every aspect. While Malcolm is...well Malcolm.

"What's wrong, love?" Nagbalik diwa ako ng marinig ko ang tanong ni Clad. Umaling naman ako saka ngumiti

"Nothing. Naisip ko lang na sobra pala talaga kitang mahal" I said. Ginantihan niya rin ako ng ngiti pabalik. Iniangat niya ang kamay kong hawak hawak niya at saka ito hinalikan. Bumilis agad ang tibok ng puso ko ang ikinilos niyang iyon

"And I'm in love with you too" he said, "So in love, Astrid Turner"

"Higpit ng hawak mo jan sa baso ah! Kapag yan nabasag ikaw magbabayad" napalingon ako ng bahagya sa kina Malcolm at Morgan

"Shut. Up" mariing sabi naman sa kanya ni Malcolm na ikinatawa na lamang ng kanyang kaibigan

"Sobrang pait ba ng lasa ng alak ha at ganyan ka?" Tawa ulit ni Morgan

"F-uck. You. Stupid a-sshole" ani Malcolm at saka siya tumayo. Saan naman siya pupunta?

"O san ka pupunta?" Isinitinig ni Morgan ang katanungan ko. Ngunit hindi pa man nakakaisang hakbang si Malcolm ay agad na siyang bumalik sa kanyang upuan. Di rin nakatakas sa aking pandinig ang sunod sunod niyang mura

"What's happening?" Halos sabay pa naming tanong ni Morgan

"Cops @ 4 o'clock" he answered at nilingon ko ang gawi ng entrance. Nakita ko roon ang dalawang pulis na mukhang may hinahanap rito sa loob ng bar.

Sana naman ay hindi kami ang hinahanap. Naalarma na ba ng Hidden Circle ang kapulisan ng syudad? Naireport na nga kaya kami ni Kieran? O yung anak mismo ng heneral na si Vasil? Sana naman ay hindi.

Damn, Astrid Turner! Calm the fuck down! Mukhang ako pa ata ang mambibisto sa aming lahat ng narito.

Agad akong napaiwas ng tingin ng magtama ang tingin namin ng babaeng pulis. And hell be damned! Naglakad sila patungo sa amin. My hands are sweating at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"What do they want?" Rinig kong bulong ni Elizabeth na mukhang di na mapirmi sa kanyang kinauupuan. Tahimik lang naman ang tatlong lalaki na aming kasama.

"Well what do we have here?" Para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig ng marinig ko ang boses ng babaeng pulis. Sa tabi niya ay ang isa pang pulis. Lalaki naman ito.

No one dared to speak. At tanging ako lamang ang nag angat ng tingin sa babae. Isusuko niya ba kami sa mga hunter? Anong gagwin ko--- namin?

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon