Chapter 54

160 6 0
                                    

Breakfast from Hell

Astrid

Kinabukasan ay nagising ako na parang may humahaplos sa aking buhok. At nang maidilat ko ang aking mata ay halos mapatalon ko sa kama ng makita katabi ko si Malcolm. Lapastangan! Ano na naman kaya ang ginagawa ng hinayupak na 'to dito?

"Good morning sunshine" aniya sabay agaw nung kumot na pinantatakip ko sa aking katawan. For blood's sake wala akong underwear! Bakat na bakat ang nipples ko sa suot kong sando

"Anong ginagawa mo dito!" Singhal ko sa kanya ngunit ngumisi lang siya at dumiretso sa closet.

Inisa isa niyang kuha ang mga damit ko  roon

"Bumangon ka na dyan. Magbabakasyon tayo" aniya pa, lumapit ako sa kanya at pinigilan siyang buksan ang drawer na dapat sana ay bubuksan niya. Mamamatay ako sa hiya kapag nakita niya ang underwear ko na nakalagay sa drawer na iyon!

"Bakasyon? Bat biglaan? At paano na lang ang paghahanap natin kina Eliz?" Sunod sunod kong tanong. Ano na naman kaya ang pumasok sa kokote ng lalaking ito at bigla bigla na lamang nag aayang magbakasyon?

"Just!" Biglang dumako ang tingin niya sa dibdib ko at agad nagkasalubong ng kilay ko, "Mag bra ka nga! Nakakasira ng concentration yang dibdib mong bumabakat" ngisi niya

Agad kong hinarang ang aking mga braso sa aking dibdib, "Bastos!" Sigaw ko pero mas lumaki lang ang ngisi niya

"I have no time to explain. Itong jacket na lang ang isuot mo" sabay suot niya sa akin nung jacket, "Umalis na tayo" at saka hinigit ako papalabas ng kwarto.

Kinakaladkad niya ako hanggang sa marating namin ang sala.

"Bakit ba tayo nagmamadali, Malcolm? Kita mo bang nakapajama pa ako?" Ani ko sa kanya, "Malcolm!" Sigaw ko dahil di niya ako pinapansin

"Ssh!" Saway niya, nagulat ako sa bigla niyang pagpapatahimik sa akin

"Bakit---" hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa tawanang narinig ko mula sa kusina, agad kumunot ang noo ko, "Sino yun?" At nilingon ang gawi ng kusina

"Halika na" madiin niyang sabi, almost begging saka muli akong hinila papalabas ng bahay pero maagap kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa aking palapulsuhan at mabilis na naglakad patungo sa kusina kung ko narinig yung kaninang tawanan.

I wonder who or what's in the kitchen at gustong-gusto itong itago sa akin ni Malcolm.

And then the answer came to me nang makita kong masayang naghahanda ng almusal si Clad kasama ang babaeng may blonde na buhok at berdeng mga mata

"What the fuck is going on here?" Sabay silang napaangat ng tingin sa akin. Unti unting nawala ang ngisi sa labi ni Clad habang parang humihingi ng tulong naman ang mga mata ng babaeng nasa tabi niya. Isabel. No wonder Clad loved her. Napakaganda niya.

"Ooh" biglang sulpot ni Malcolm sa tabi ko, "Would you look at that? My dear brother is back and he brought someone with him. Hi, Isa!" Masiglang bati niya na sinamahan pa niya ng pagkaway

Sarcastic.

"Good day, Malcolm" ganting bati sa kanya ni Isabel

"Aren't you supposed to be dead? How are you alive?" Pangungutya ni Malcolm, muli ay napalingon si Isabel kay Clad para makahingi ng saklolo. Bumaling ako ng tingin sa kay Clad na matalim ang tingin sa kanyang kapatid

"We made breakfast. Kumain na tayo" pag iiba ni Clad sabay bagsak nung pinggang nasa harap niya

Inihanda ni Isabel ang hapag at tinulungan siya syempre ni Clad. Nauna kaming naupo ni Malcolm. At malaki ang pasasalamat ko dahil siya ang naupo sa tabi ko. Naupo na rin sina Clad at Isabel sa harap namin.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon