Chapter 69

144 7 1
                                    

Not coming back

Clad

"Do you really think you can defeat us? Ha! You lowly vampires! Wala kayong binatbat sa amin!"

Karina laughed hysterically. I closed my eyes and smirked. Tangina naman kasi. Sino ba naman kasing nagsabing sumugod dito ng walang plano?

Humakbang lang kami ng isa, agad na napaluhod na nila kami sa lupa. So this is the kind of power our mother has? Kung ganoon ay ganito siya kalakas? Pero bakit...hindi niya nilabanan iyong lalaking kumuha sa kanya noon. Edi sana ay magkakasama kami ngayon.

"This isn't enough, Karina. I want to torture them more" rinig kong sabi ni Kaleb. Binuksan ko ang aking mata at nakita ang pagtango ni Karina sa suhestiyon ng kapatid. They started to recite some spell at nang matapos iyon I felt my bones breaking. I screamed in pain. Damn! Even Malcolm's screams reached my ears!

"Tangina niyo!" Mura niya sa aming mga kapatid but they just laugh at us

"We are going to crush you from the inside and out!" Ani Karina, "After all the things you've done to us? To our family? Kulang pa iyan!"

"You three are so childish!" I said, "Kayo lang ba ang naiwan? Pamilya niyo lang ba ang nasira? Ha!" Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinaglalaban ng tatlong ito. All because our mother left them? She lost her memories! She couldn't remember na may mga anak at pamilya siyang naiwan! And they blamed us? Dahil kung hindi dahil sa amin ay hindi titigil ang aming ina sa pag alala sa nakaraan niya? Kung wala kami ay marahil naalala niya sila ng mas maaga? Mas matatanda nga sila sa amin pero parang bata naman kung mag isip! Their minds are twisted!

"Shut up, Clad Bloodworth! You don't know anything!" She said, napailing ako. Totoo nga na mahirap buksan ang mga saradong isipan. Kahit anong paliwanag mo, they will refuse to understand it. At ipipilit nila yung kung anong sa kanila. Igigiit nila yung sakit na naramdaman nila. Kinain sila ng poot at hinanakit, that's why their reasons are bent! And revenge is the only thing that could avenge their wounded soul. Tangina. Wala na bang mas tatangina jan? Nakakatawa.

"Why are you laughing?" Ramdam ko ang irita ni Karina, tinitigan ko siya at mas lalong natawa.

"Hahaha!" I laugh so hard na mas ikinagalit nila that's why they recited another spell at nang matapos iyon ay agad akong natigilan sa sakit na nararamdaman sa aking kalamnan. My bones are breaking and now my organs?

Matalim akong nag angat ng tingin kay Karina. She smirked.

"I must say, hindi rin kayo basta basta. It took almost all of us to pin you both to the ground. Kahit sa mga spells ay nahihirapan kaming kalabanin kayo. You two are by far the strongest opponents we have ever had. But of course you know what happens to the enemies," she paused, "They die" I felt a strong power that's trying to take me down. Damn it!

"Any last words, hmm?" She asked me. Well if I a have any para iyon sa kanila

"Fuck you" I said, at saka naman niya nilingon si Malcolm na kanina pa nanahimik sa malayong gilid ko.

"How about you, little brother?" Karina asked him. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko malaman kung anong itsura niya. But it looks like kanina pa wala rito ang atensyon niya at naroon sa malayo na kanina niya pa tinitingnan.

"Fuck! Drop that fucking dagger, Astrid Turner!" Bigla na lamang sigaw ng aking kapatid. Nalimutan ko ang lahat ng sakit at parang nagmanhid ang buo kong katawan habang pinapakinggan si Malcolm na paulit ulit na tinawag ang pangalan ni Astrid.

B-bakit?

"What is she trying to do?" Umismik si Karina at nilingon na rin ang kanina pa tinitingnan ni Malcolm, ganun din ang iba pa niyang kapatid. B-bakit ba? A-ano bang nangyayari? And why am I feeling so scared and nervous na hindi ko kayang tingnan ang kanina pa nilang tinitingnan. But all it took was Malcolm's loud cry parang iangat ang aking tingin sa kung nasan si Astrid.

Walang pasabing tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata nang makita kong sinaksak ni Astrid ang kanyang sarili. Her eyes was closed and she was biting her lip. Tears flow from her eyes and my world stopped. Every thing around seemed to stop.

What did she do! Nang bumagsak ang kanyang katawan ay agad akong nakaramdam ng kakaibang lakas. I felt power. And it's very strong.  Doon ko lamang napagtanto ang ginawa niya...she completed the sacrifice!

"Isn't she the girl you both fell in love with?" Karina asked us, "Nakinikita niya na sigurong mamamatay kayo at isusunod namin siya kaya inunahan niya na lang kaming patayin ang sarili niya. Tsk. Tsk. You didn't saved her" she said and I watch as Malcolm stood up and held her up in the air. Sakal sakal siya ni Malcolm sa leeg. Kalum tried to save his sister pero naunahan siya ni Malcolm. Using his free hand, he ripped Kalum's heart off his body. Agad sumunod ang iyak ni Karina para sa nawalang kapatid. I left Malcolm there, with the power of the twins of fate, walang hirap niyang matatalo ang mga Lancasters.

Dumiretso ako sa tabi ni Astrid, "Astrid! Astrid!" Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan. Tinanggal ko ang punyal na nakasaksak sa kanyang dibdib. I breathe air into her mouth. I tried damn hard to revive her! Fuck! At saka ako may naisip! I could turn her! I could turn her into a vampire!

Tinagilid ko ang kanyang ulo and bit the soft flesh of her neck. When I transferred enough venom ay dinungaw ko ang kanyang mukha.

"Wake up, love! Wake up!" I plead pero walang response. I tried again. Sa kabilang leeg, sa kanyang balikat, sa braso, sa pulso, sa kahit saang parte ng kanyang katawan but whenever I try to check if she's responding to my bite. Lagi akong nabibigo. She's still pale and cold! Tinakasan na siya ng init...ng buhay.

I cried when I realized...the girl I love is long gone and she's not coming back. Not this time.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon