Chapter 45

196 7 0
                                    

Flashback

Klea & Theo

Humahangos na tumatakbo si Klea sa kaloob looban ng kagubatan ng Dryad. She's running from someone who's been calling her name

"Klea!" Tawag muli ng misteryosong boses

Impit na napatili si Klea. Umiiyak sa sobrang takot. Nang magising siya kanina'y blanko ang utak niya. Wala siyang maalala. And then the faceless voice started calling to her--- calling her 'Klea'- and she realized marahil iyon ang pangalan niya.

Dahil sa sobrang nanlalabo na ang kanyang mga mata ay hindi niya napansin ang isang malaking ugat ng punongkahoy na nakaharang sa dadaanan niya at walang pasabi natisod siya nito kaya siya nadapa.

"Ah!"

Napalingon naman si Theokris nang marinig ang sigaw ng isang babae. Kasalukuyan siyang nage-ensayo ng mga oras na iyon at walang pagdadalawang isip na humayo upang hanapin ang babaeng iyon.

Ilang minuto lamang ay nahanap din ni Theokris ang babaeng sumigaw. Nadatnan niya itong nakadapa sa lupa at umiiyak. Kakaibang kaba ang naramdaman niya habang humahakba papalapit sa humihikbing babae

"A-ayos ka lang?" Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae upang sana'y alalayan ito patayo ngunit napaatras siya ng marahas nitong iwinaksi ang kanyang mga kamay

"Bitawan mo ako!" Sigaw ng babae at nanatilu ito sa dati nitong posisyon

"Gusto lang naman kitang tulungan" ani Theo. Napatigil sa paghikbi ang babae at agad na nilingon si Theo

"Hindi ba ikaw yung humahabol sa akin?" Tanong niya rito sabay pahid ng kanyang luha

Hindi agad nakasagot ang binata. Natulala siya dahil sa ganda ng babaeng nasa harap niya. Sigurado siyang hindi niya pa ito nakikita kailanman dahil kung oo ay malamang matagal niya na itong pinakasalan

"Uhm" sa unang pagkakataon ay hindi alam ni Theo ang sasabihin. At kung alam man niya'y siguradong mauutal utal siya

Lumapit si Klea sa kay Theo at kumapit sa damit nito.

"Tulungan mo ako!" Iyak niya, "Pakiusap, tulungan mo...ako" aniya at hindi inaasahang mawawalan siya ng malay

"T-teka!" Natatarantang niyakap ni Theo ang dalaga upang hindi ito tuluyang humandusay sa lupa.

Tiningnan niyang mabuti ang itsura ng dalaga at wala na siyang nagawa pa, "Damnit!" Kinarga niya ito at dinala sa kanyang bahay.

Dahan dahang iminulat ni Klea ang kanyang mga mata at nilibot ito upang makita ang kanyang paligid. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng marealize na hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Sandali...hindi pamilyar sa kanya ang kahit ano. Wala siyang alam na kahit ano!

"Mabuti naman at gising ka na" agad siyang napalingon sa nagsalita. She tilted her head on the side habang pilit na inaalala kung saan nga ba niya unang nakita ang mukha ng lalaking iyan

Nakaupo ito sa isang upuan ilang metro ang layo mula sa kanyang kinahihigaan at direktang natitig sa kanya ang malalalim at mapupungay nitong mga mata

"Uhm" hindi malaman ni Klea kung bakit parang bigla naman ata siyang nakaramdam ng kaba sa simpleng titig sa kanya ng lalaki, "O-oo. Salamat sa pagtulong mo sa akin" aniya sa lalaki

Tumayo si Theo at kinuha ang hinandang tray ng pagkain sa mesang katabi niya. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ni Klea

"Kumain ka na muna. Nangangayayat ka" he said saka akmang susubuan ang dalaga. Tumango naman ang huli at tinanggap ang sinusubong pagkain ng lalaki. Lihim namang napangiti si Theo.

The Vampire Prince and the Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon