Let go
Astrid
"Impossible" ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Nag iwas ako ng tingin sa kay Victoria at umiling iling, "They can't die. They're immortals! Malcolm don't die!"
"But they did! At least that's what Olivia saw. In her vision three unknown beings killed Malcolm and Clad. Hindi na sila nabuhay pang muli"
Suminghap ako. Three unknown beings? Maaring ang mga Lancaster iyon. So its true? Pwede ba iyon? I can't believe that I'm saying this but it could be....Shit!
"Kailangan kong makausap si Malcolm" ani ako at sana'y lalagpasan si Victoria pero maagap niya akong pinigilan
"He left" she said
"What! At saan naman siya nagpunta sa ganitong disoras ng gabi?"
"Sinundan niya si Clad. We saw him head out kanina habang magkausap kami ni Malcolm sa kusina. I'm sure walang alam si Clad na sinusundan siya ni Malcolm ngayon"
Damn it! Saan naman kaya sila magpupunta ngayon?
"Argh!" Napasigaw ako sa sobrang frustration. Agad kong hinagilap ang aking boots, dagger at ponytail.
"Where are you going?" Victoria asked, matalim ko siyang nilingon habang nagsisintas ng sapatos
"To find those idiots of course!" Ani ko
"I'm coming with you" presinta niya at di na ako umangal pa. She could be of help wag lang siyang magtatangkang saktan ako.
Papalabas na kami ng aking kwarto, nakabuntot naman sa akin si Victoria, nang may marinig kaming sigaw mula sa kabilang kwarto.
Nagkatinginan kami ni Victoria
"Who's that?" She asked, naglakad ako patungo sa pinto kung saan nanggagaling ang iyak. I almost forgot na narito nga pala siya
"Isabel Renee" sagot ko sa tanong ni Victoria sabay bukas ng pinto at tumambad sa amin ang nakaluhod at luhaang si Isabel. May lapnos ang kanyang balat na para bang sinusunog siya sa apoy. What the...hell is happening!
"Isabel!" Agad ko siyang inakay at iginaya pabalik sa kanyang kama
"Bitiwan mo ako, Astrid!" Hagulhol niya. Anong nangyayari sa kanya
"How are you alive, human?" Ani Victoria sa aking likuran, "You're supposed to be dead 500 years ago. We burned you alive!"
"You did what!?" Nilingon ko si Victoria
"It was her punishment for loving someone from our kind" she said as if it was nothing
"That's how you died, Isabel?" Tanong ko ngunit tanging iyak lamang ang isinagot niya sa akin. Ilang segudo lamang ay muli siyang napasigaw sa sakit kasabay noon ang paglitaw ng ilan pang lapnos sa ilang bahagi ng kanyang katawan
"What's happening to her, Astrid Turner!" Ani Victoria na mukhang natataranta na rin. At saka ako may napagtanto
"She's dying...like how she died years ago. The spell wants another payment in order for her to stay alive"
"A-ano?"
"Clad used resurrection spell upang mabalik sa mundo ng mga buhay si Isabel. Now it wants its price paid. At marahil naghahanap ngayon si Clad ng taong pwede niyang ipagpalit sa buhay ni Isabel"
"I get it but I don't understand"
"Clad is in Salem. Naghahanap ng mapapatay na witch pambayad sa buhay ni Isabel!"
"You mean he's the serial killer?" Tanong niya at tumango ako
"Tama na...tama na" hikbi ni Isabel. Nilingon ni Victoria si Isabel at agad kong nakitaan ng poot ang kanyang pagmumukha.
"Tama na talaga Isabel! You turned Clad into a murderer para lamang mabuhay ka? How could you!" Sigaw ni Victoria sa kanya. Parang winawasak ang puso ko habang pinapanood si Isabel na umiiyak sa kanyang kama. Tinapik ko sa balikat si victoria upang pakalmahin siya
"No, Astrid Turner! She needs to know what she's doing to Clad Alexander!" Aniya at muling nilingon si Isabel, "You are ruining his life! Sinisira mo ang pagkatao niya"
"Mahal ko siya! Gusto ko lang siyang makasama! Is that wrong, huh LeBlanche?"
"Mahal? Pinapahirapan mo yung tao! Innocent people. Iyon ang nadadamay dahil sa pagmamahal na sinasabi mo. Clad's principles too. He could be dying inside para lang jan sa pagmamahal mo! Pagmamahal pa bang matatawag yan?" She paused, "Tinanong mo ba siya kung gusto niya ito? Ikaw ba, Isabel? Gusto mo ba ito?"
"Hindi ako ganoon kasama para gustuhin ito. Pero anong pagpipilian ko? Wala! My choices are taken away from me when you and your kind took away my life 500 years ago!" Natameme si Victoria sa sinabi ni Isabel. They were both panting as if they ran miles because of that argument. Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na hindi magsalita.
"Sometimes we have to accept the fact that we could not get everything we want in our lifetime" I trailed. At sa akin naman ngayon natuon ang atensyon ng dalawa. Mataman kong tinitigan si Isabel, "You had your chance to show Clad how much you love him ages ago and he's done the same, that should be enough for the both of you. You were destined for each other, no doubt about that. The thing is that it wasn't suppose to last" ani ko at muling humagulhol si Isabel
"Shut up, Astrid Turner! I know why you're doing this" nagpalipat ang ang tingin niya sa amin ni Victoria at tumigil iyon sa akin, "Ikaw! You just want Clad to yourself! Ano? Ngayong naramdaman mo na kung panong magmahal si Malcolm narealize mong Clad is still better! That's why you want me out of the picture! Para iyong iyo si Clad! At ikaw naman Victoria, you know how much the younger Bloodworth loves Astrid. You also want me out of the picture para si Astrid at Clad ang magkatuluyan at kayo naman ni Malcolm! Ano? Tama naman ako di ba!"
PAK!
Sinampal ko siya. The thought of Malcolm and Victoria together boils my blood! Damn it! This woman doesn't understand it at all!
"Please see reason, Isabel Renee! This isn't about us and our complicated relationships, this is about you and Clad! Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? He's in Salem probably killing innocent people in exchange for yours. Para lang mapagbigyan ka. He's no longer the Clad Alexander we knew, who was noble and gentle. You turned him into a monster. Naaatim mo yun, really?" Suminghap ako at sinubukang kalmahin ang sarili. Sinapo ko ang aking noo at saka nagbuga ng malalim na hininga bago muling hinarap si Isabel.
"This isn't the time to be selfish. If you really love him then let him go, Isabel. You know it's time to let go, so...let go"
![](https://img.wattpad.com/cover/50968253-288-k873329.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter
VampirgeschichtenAstrid Turner is a Vampire Hunter who seeks to avenge the death of her parents in the hands of those damn bloodsuckers. Nang makarating ang balita sa kanilang organisasyon na dalawang kilalang vampire aristocrats ang mag-aaral sa Bloodworth Academy...