CHAPTER 3

437 15 4
                                    

YOHANN JASRED DELA VEGA

Nakangiti akong lumapit kay Sapphire.

Break time na namin, kanina ko pa siya hinahanap kasi naman gusto ko pa siya makilala ng husto.

"Hey, Sapphire pwedeng pa share?" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako. Ewan ko ba, feeling ko umiiwas ito sa lahat ng student dito, at feeling ko hindi talaga ito ang tunay niyang ugali.

"Sige lang," tipid lang itong ngumiti sakin.

Pinagmamasdan ko lang siya. Napaka interesting niya talaga.

Napansin ko yung pagpasok nila Ellie dito sa canteen. Napangisi ako, hindi kasi yan pumupunta dito sa canteen madalas sa labas talaga kami kumakain.

"Waaa sila Eleazar nandito sa canteen"

"Sikat talaga kayo noh? Lalo sa mga babae" sabi naman ng katabi ko.

"Sila lang siguro yun" nakangiting sabi ko sa kanya.

Ng tumunog yung cp niya na nasa bulsa lang pala. Isang 3310 yung nilabas niya.

"Go, wag mo na pigilang tumawa baka mamatay ka pa dyan eh, kasalanan ko pa" sabi nito.

"Puro ka talaga kalokohan" nakangiting sabi ko sa kanya, saka ginulo yung buhok niya.

Sinagot naman nito yung tawag, kahit kaharap ako.

"Prince, ikaw pala bakit?" tanong nito.

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.

Maganda naman siya eh, nga lang mas maganda pa rin yung mahal ko.

"Mamaya pa ko makakapunta dyan, after class, sige bye" sabi nito.

Napalingon ito sakin, ng mapansin sigurong nakatitig ako sa kanya.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Sino yung tumawag? bf mo?" nakangiti pa ring sabi ko.

Napansin kong umiling iling ito.

"Pwede bang wag kang panay ngiti??? mukha kang engot eh psh sige una na ko sa'yo" sabi nito saka tumayo na, at iniwan na ko.

Napailing na lang ako saka tumayo na rin.

Alam ko, naweweirduhan na sakin yung apat kong mga kaibigan. 1week pa lang ang nakakalipas ng iwan ako ni Lady.
Pero eto, nakangiti na ko sa ibang babae.

Noon pa ko sinasabihan nila Ellie na wag ko na ituloy yung panliligaw kay Lady, alam daw kasi nilang hindi siya ang nararapat sakin.

Saka sinasabi din nila nagpapanggap lang itong maging PRIM and PROPER at maging api apihan para makuha ako.

Pero anu magagawa ko? Minahal ko na siya huli na, kasi ngayon parang di ko kaya ng wala siya.

Napabuntong hininga ko, saka ako umupo sa may swing na nandito lang sa may garden.

Wala na kong gana pasukan pa yung ibang subject first class pa lang naman and I'm sure pati sila Ellie hindi na babalik sa klase.

"Sabi na andito ka na naman eh," napatingin ako sa umupo sa tabi ko.

"Anong motibo mo at naglalapit ka dun sa scholar na iyon?" tanong ni Ellie sakin.

"Wala naman,masama na bang lumapit ako sa mga babae?" tanong ko din sa kanya.

"Hindi, pero yung sinabi mong property mo yung babaeng yun??? parang dapat akong kabahan or should i say, dapat ata akong maghanda ulit" sabi nito sakin.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon