SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nagulat ako kay Ma'am Lucia, bakit kaya siya nandito sa bahay?
"Crystal, anu pang tinutunganga mo dyan?, teka galing ka ba sa J?" pansin ni Kuya Topz sakin, pababa siya dito sa sala.
"Alex" sabi naman ni Ma'am Lucia kay Kuya Topz, napakunot yung noo ko magkakilala pala sila.
"Crystal, umakyat ka na sa kwarto mo" pormal na sabi ni Kuya Topz.
Napatango lang ako kay Ma'am Lucia saka ako umakyat sa kwarto namin ni Diamond.
Sa itsura ni Kuya Topz, alam kong nakakatakot yung aura niya.
Pagdating ko sa kwarto, nakadapa lang si Pearl sa kama nito.
"Kanina pa ba kayo nila Kuya, umuwi? tanong ko.
"Yah," sagot nito.
"Si Ceasar?" tanong ko ulit.
"Nasa kwarto na niya" sabi ulit ng kapatid ko, napansin kong may hawak siyang libro ata un.
Bah, himala nagbabasa siya?
"Nilalagnat ka ba?" tanong ko saka ko lumapit sa kanya at sinalat ang noo at leeg niya.
"Ate, anu bang ginagawa mo? wala akong lagnat no hmp" inis na sabi nito.
Napailing na lang ako, kahit kailan talaga napaka sungit nitong kapatid ko na ito, buti pa ang kambal nitong si Ceasar eh, mabait kaya nga mas close kami nun eh.
"Himala ata nagbabasa ka? Mabuti yan, mag aral ka kesa yang mga crush ang atupagin mo bata ka pa" sabi ko.
Nakapagpalit na rin ako ng damit at lumabas na ko sa kwarto, pagbaba ko wala na si Ma'am Lucia at Kuya Topz sa sala.
Napakibit balikat na lang ako. Saka ko umupo sa sopa at binuksan yung tv. 24oras pa lang yung palabas.
Napatingin ako sa wall clock 7pm na pala pero wala pa din sina Mama, tumayo na ko para tignan kung may pagkain na kami.
Buti naman meron na. Maaasahan din naman si Kuya Topz eh, hay naisip ko ulit yung trabaho ko, in 1month aalis na kami sa J, napabuntong hininga ko. Tama, walang masama kung magpasa ko ng resumé sa Bueno Bakeshop.
~*~*~*~*~*~*
TRISHA AMIRAH CABRERA
Nakatambay lang kami ni Steph dito sa bakeshop ni Tita Ricca, kahit naman di namin close sina Sam favorite tambayan namin itong place na toh.
"Steph, Trish gabi na ah? may kailangan ba kayo?" bati ni Tita Ricca samin.
Mama siya ni Sam, baka kasi di niyo alam hahaha.
"Wala naman po Tita, kayo po bakit andito pa kayo? gabi na rin po ah?" tanong ni Steph.
"Nagpapatawa ka talaga Steph, malamang ako yung may ari nitong bakery" nakangiting sabi ni Tita Ricca.
Hahaha pasaway talaga tong si Steph oh.
"Tutal andito na rin lang kayo, pwede bang tulungan niyo ko mag free taste ng mga bagong cake na ginawa ko, kung papatok ba sa mga costumers ko" sabi ulit ni Tita.
Ngumiti lang kami sa kanya, saka niya kami dinala sa work room niya.
Si Tita Ricca pa rin kasi ang personal na nagbabake ng mga cakes dito, ayaw niya raw kasi ipaalam sa iba yung recipe niya baka gayahin hehehe. Saka ayaw niya raw matengga sa bahay nila,
Sabagay si Tito Vince kasi laging wala rin sa bahay nila, bz si attorney hehehe si Sam naman bz sa mga barkada niya, at si Ate Samarra naman, nasa Paris daw eh at nag aaral din maging pastry chef.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...