CHAPTER 42

191 9 0
                                    

TRISHA AMIRAH CABRERA

Nakita ko sina Izza at Steph na nagkukwentuhan kaya lumapit ako.

"Bes, sisimulan na ba natin yung pag aayos sa venue para mamaya sa party?" tanong ko.

"Ha? Ang alam ko kasi---" hindi na naituloy ni Steph yung sasabihin niya dahil tinawag ito ni Sapphire.

Napailing na lang si Izza.

"Wag mo ng isipin yun, tara samahan mo ko maglakad lakad" sabi ni Izza, napakibit balikat na lang ako.

Habang naglalakad kami sa tabing dagat naalala ko yung nangyari samin. Sa 8months na magkakasama kami, napansin kong malaki na ang pinagkaiba ng samahan namin noon sa ngayon.

Kung dati, nagkakailangan pa kaming lahat, ngayon hindi na masyado well sa mga boys naiilang kami pero saming mga girls? Very vocal na kami.

"Naalala mo ba nung unang punta natin dito?" tanong ni Izza.

"Yeah, naka gown ka pa nun akala nga namin kasal niyo na ni Jygx nun hehehe" sabi ko pa.

Natawa din ito. Saka umupo sa may batuhan, sumunod naman ako sa kanya at umupo rin ako.

"Akala ko noon, hindi tayo makaka survive dito, akala ko, uuwi din tayo agad akala ko din noon na hindi niyo matatagalan ang ugali ko" nakangiti pa ring sabi nito.

Nilingon niya ito saka ngumiti.

"Hehehe, mabait ka naman eh, saka kaya ka lang naging bully kasi napapasama ka sa mga maling kaibigan, pero kamusta na ang career mo? Tingin mo pagbalik mo may career ka pa?" tanong ko.

Bigla kong naisip yung mga naiwan namin sa manila. Kamusta na nga kaya sila? Hinahanap kaya nila kami? Sila Mommy at Daddy, nag aalala kaya sakin? Ang A.D.U, namimiss ko na rin 8months kaming hindi pumasok sigurado hindi kami makakapasa ngayon hay...

Napabuntong hininga ako, ng dumating kami dito hindi ko naisip ang mga iyon. Pero ngayong naka 8months na kami dito sa isla saka ko naalala lahat yung mga naiwan namin sa manila.

"Ang lalim nun ah? Well, for sure pagbalik natin, mag ququit na ako as an actress" nakangiting sabi nito.

Nilingon ko siya. Saka nagtatakang tinignan.

"Narealize ko, ayaw ko ng maging actress mag shishift na ako sa pagiging agent hehehe" natatawang sabi nito.

Napangiti lang ako. Sabagay kahit ako man, mas gusto ko na maging agent like Ray and Cess.

"Sana, wala na dun yung mga gustong kumuha kay Sapphire" nasabi ko na lang.

"Sana nga" sang ayon naman ni Izza sakin.

"Izza!" napalingon kami parehas sa likod namin.

Papalapit samin si Jygx.

Napangiti ako, alam kaya ni Izza na may gusto sa kanya si Jygx? Well, paano ko nasabi? Halata sa tingin netong lalaking to kay Izza eh. Saka nung minsan nag uusap silang mga boys, napadaan ako tas ang topic nila ay kaming mga girls, narinig kong sabi niya.

"Yah, totoong mahal ko na si Izza, pero... hindi naman ako ang mahal niya"

Kaya naaawa din ako sa kanya. Siguro yung fiancé talaga nito ang mahal ni Izza na tinutukoy ni Jygx?

"Problema mo na naman?" tanong ni Izza dito.

"Kanina pa kita hinahanap eh, tara nga" sabi pa nito, saka hinila si Izza.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon