SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
"Nag aaksaya ka lang ng panahon sakin Sheena, kaya pwede pakawalan mo na ko? At itigil mo na yang kabaliwan mo!" sigaw ko.
"Nice, kahit nakatali ka na at malapit ng mamatay matapang ka pa din?" nakangising sabi naman ni Sheena.
Tinignan nito ang relo at tumayo na. Bigla akong kinabahan sa mga ngiti niya.
"Sayang, kung di mo sana inagaw si Zhendra at ang The Kings samin malamang maging tahimik ang buhay mo dito sa A.D.U," nakangising sabi nito sakin habang lumalapit.
Ng nasa malapit ko na siya bigla niyang sinabunutan yung buhok ko.
Ramdam ko yung sakit sa pagkakasabunot niya sa buhok ko.
"May irereveal ako tutal naman mamamatay ka na" nakangising sabi pa ulit nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Alam mo bang ako ang nagpakalat ng issue na nilalandi mo sina Eleazar at Yohan? At kinaibigan mo si Zhendra para mapalapit sa The kings? Poor little scholar girl, makaalis ka man ngayon dito pinag pipiyestahan ka naman ng mga media at netizens at I'm sure mas ikakabaliw mo yung mga balitang yun hahahaha kaya magpasalamat ka at di mo na mararanasan ang mapahiya, hindi mo na mararamdaman ang pag usapan pa at ang kahihiyang dulot ng balitang yun hahaha" sabi muli ni Sheena sakin saka galit na binitawan yung buhok ko.
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo o ng ibang tao" sabi ko sa kanya.
"Talaga??? Eh di wow" sabi nito at muli niya kong sinampal.
"Tsk... nagagawa mo lang akong saktan dahil nakatali ako eh, hindi ka patas lumaban" galit na sabi ko sa kanya.
Tumawa lang ito ng nakakaloko.
Maya-maya lumapit yung Cynthia dito samin.
"Sheena, 5:55 na kailangan ko ng umuwi baka maghinala na sila Mommy sakin" nag aalalang sabi niya.
"Ganoon ba? Sige aalis na tayo maya maya, tutal mukhang wala naman pupunta para iligtas itong babaeng ito eh" sabi ni Sheena at lumayo na sakin.
Pumunta na sila sa isang pinto malamang lalabas na sila at kinakabahan na ako. Katapusan ko na nga ba?
"Magdasal ka na Torres, times up goodbye to you!" nakangising sabi ni Sheena.
At sa isang iglap nakita kong lumabas na sila ng kwarto at napansin ko din ng buksan nila ang dalawang kulungan.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay ko ang paglapa ng tigre at leon sakin.
Kainis lang, di naman ganito yung ineexpect ko sa pagpasok ko sa A.D.U eh...
Naririnig ko na yung ingay ng mga leon at tigre pero napadilat ako ng marinig ko yung biglang pagbukas ng pinto at humahangos na lumapit sakin si Eleazar.
Kasunod nito sina Zhendra, Trisha at Steph na nag aalala at panay iyak pati sina Yohan, Jygx, Chrys at Sam ay pumasok na rin.
At lalo akong nagulat dahil nandun din sina Prince, Cess, Ray at Jerich.
"Mabuti na lang at naabutan ka pa namin" bulong ni Eleazar sakin saka ako niyakap.
Hindi ko na napigilan umiyak habang yakap niya ko. Kanina hindi ko nararamdaman yung mga luha ko, pero ngayong andito sila parang nanghina ako at naramdaman kong kailangan ko sila.
Agad namang tinanggal ni Ellie yung mga tali sa kamay at paa ko. Saka niya ko inalalayang tumayo.
"Sorry Sapphire," niyakap ako bigla ni Zhendra at umiyak lang siya ng umiyak.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Novela JuvenilAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...