SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
After ni Zhendra, ngayon si Steph na yung nakatayo sa harap namin, habang nag vivideo si Trisha.
Ang unang partner ni Steph si Ellie, napataas yung kilay ko, magaling din pala yung batugan na un??? Sumunod na si Sam, at Steph.
Nice, makatotohanan talaga oh, nakakatuwa sila bagay na bagay talaga sila. Hehehe
"Bagay sila noh?" nakangiting sabi ni Trisha.
"Napansin mo din pala?" sabi ko.
"Sa totoo lang, mahal talaga yan ni Sam noon pa, eh kaso nga lang dinadaan sa biro lahat ni Sam kaya ayan di siya pinapaniwalaan" sabi ni Trisha.
"So, ikaw at si Chrys tas si Sam at Steph ang loveteam talaga??? Pero, si Zhendra at si Jygx??? Mas bagay sila noh? Hehehe" sabi ko na lang.
"Oo nga, may chemistry yung dalawang yun" nakangiti ding sang ayon ni Trisha.
Di na namin namalayan tapos na pala sila Sam at Steph, ngayon ay sina Yohann at Steph na. And sina Chrys at Steph at Jygx and Steph.
Hehehe after nun si Trisha na... tulad nila Zhendra at Steph... iisa lang naman kasi yung lines naming lahat at after ni Trisha ay ako na.
"Oh, Ellie galingan mo pag acting" narinig kong sabi ni Jygx hmp... kailangan pa ng encouragement???
"Syempre," sabi ni Ellie saka tumayo na.
Nasa gitna na rin ako.
Maya-maya nasa harap ko na siya, napakunot pa yung noo ko kasi yung ngiti niya nakakainis
-_- pero honestly ang weird ng nararamdaman ko."Oh, anu? Magtititigan na lang ba kayo?" mataray na tanong ni Zhendra samin.
Baka naiinis siya, kasi partner ko yung bf niya??? Bakit as if naman gusto ko toh ka partner?
Napabuntong hininga ko saka ko ngumiti sa kaharap ko. Kahit na kinakabahan ako.
Bigla naman niya kong hinawakan sa kamay, at naramdaman kong pinisil niya iyon.
"Nice hands" nakangiting sabi nito.
Teka??? Kasali pa ba ito sa acting namin?
"Bakit kelangan mo pa hawakan kamay ko?" inis na tanong ko.
"Para mas effective yung acting...Anu na nga ulit yung lines Yohann?" Pang asar na tanong pa nito sa pinsan nito.
"Its a simple told her how much you love her" nakangiti namang sabi ni Yohann.
Kabadtrip bakit parang pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila ko???
"Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita? Hindi ko alam, hindi naman ako naniniwala sa first love pero, naramdaman kong nabihag mo agad ang puso ko" sabi ni Ellie na nakahawak pa rin sa kamay ko. Habang nakatingin sa mga mata ko, pakiramdam ko, totoo yung sinasabi niya sakin.
"Pero, alam mo ba? Natatakot ako... natatakot akong lumapit sa'yo kasi... baka hindi mo naman ako gusto pero... pinapangako ko sa'yo na simula sa araw na ito, hindi na ko lalayo sa'yo hindi na ako matatakot ipakita at iparamdam sa'yo ang totoong nararamdaman ko" sabi nito saka walang sabi sabing bigla akong hinalikan sa noo.
Napakunot yung noo ko. Nasa line ba talaga yun. Saka bakit may kiss??? Wala naman nun ah? Maya maya narinig kong nagpalakpakan yung mga kasama namin.
"Grabe, para kong nanonood ng teleserye" nakangiting sabi ni Steph na nagpupunas pa ng imaginary tears niya.
Hmp sira talaga...
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Подростковая литератураAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...