SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nakabalik na ulit kaming lahat dito sa manila. At kanina hinatid na kami nila Jerich.
Pagdating ko sa bahay namin, nanibago ako marami akong namiss dito, pero ang nakakapagtaka bakit until now...
wala pa sila Mama at Papa?
wala pa sina Pearl at Ceasar at wala pa si Kuya Alex.Narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng bahay.
Napasilip ako, napansin ko yung van na huminto sa may tapat ng bahay namin. Agad akong pumunta sa may kusina at lumabas sa may likod bahay namin.
Tsk... ano nang gagawin ko???
Nakarinig ako ng mga boses sa loob ng bahay namin.
"Nakita niyo ba ang Prinsesa Crystal?"
"No! Sir,"
"Do you think she's got home?"
Naramdaman kong papalapit na sakin yung humahanap sakin, pero bago pa ako makita, naramdaman kong may nagtakip ng panyo sa ilong ko.
Nagpumiglas ako, pero unti unti nang nagdidilim ang paningin ko.
Hindi pwede ito... Yhan... help me...
~*~*~*~*~*~*
ELEAZAR KHEAN DELA VEGA
Nakabalik na nga kami, at nag si uwian na rin sa aming pamilya.
Narinig kong tumutunog yung cp ko kaya agad ko iyong kinuha, may tumatawag pala kaso unregistered number pero sinagot ko pa rin.
[Yhan, asan ang kapatid ko?]
Bigla akong kinabahan, kuya pala ni Crys.
"Kakauwi lang namin, nasa bahay niyo na" sagot ko.
[Shit! Iniwan niyo siyang mag isa doon?] sigaw sakin ni Kuya Alex.
"Bakit?"
[Malamang sa mga oras na ito, nasa bahay na ang mga Shadow shit! talaga hindi kami makagalaw dito sa pinagtataguan namin]
"What? You mean? Shit!" inis na sabi ko at agad kong pinatay yung tawag.
Agad din akong bumaba dito sa kwarto ko, at saka nagmamadaling sumakay sa kotse ko at saka nagmaneho papunta kina Crystal.
Pagdating sa bahay nila Crystal, nakita ko agad ang van na nakaparada sa harap ng bahay nila.
Shit! Huli na ba ako???
May mga lalaking naka suit na puti ang nakita kong pumasok sa loob ng bahay nila Crys.
Agad akong dumaan sa may likurang bahagi ng bahay nila, at tama lang pala ang ginawa ko, nakita ko si Crystal na hawak ng isang lalaki, at tila wala rin itong malay.
Agad akong lumapit sa lalaking may hawak kay Crys at saka marahas siyang hinila.
"Sino ka?" takang tanong nung lalaki.
"Ako? Ang asawa niyang babaeng niyayakap mo gago!" sabay suntok sa kanya.
Agad itong nawalan ng malay.
Tsk napaka weak naman pala niya eh.
Agad kong binuhat si Crystal, saka maingat kaming lumabas ng bakuran nila at agad ko siyang sinakay sa kotse ko.
"Jerich, akala ko ba ok na ang lahat?" tanong ko ng tawagan ko siya.
[Ellie! buti napatawag ka, puntahan mo na si Saph, tsk nandito ang mga---]
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Novela JuvenilAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...